top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En
Search

by Info @Brand Zone | September 25, 2026

  • PhilHealth ID at Philsys ID, pwede nang makuha sa 50  opisina ng PhilHealth!

Paano makakuha ng 2 Valid IDs? 

Magpunta sa alinmang 50 PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) nationwide na may PSA co-locator sites para makakuha ng PhilHealth ID at PhilSys National ID

Paano kung hindi pa member, paano ang proseso ng pagpapa rehistro? 

Mas pinadali ang membership registration sa PhilHealth  

2 paraan ng pagpapa-rehistro: 

1. Online Registration 

Proseso: 

1.1. Bumisita sa www.philhealth. gov.ph at i-access ang Member  Portal. 

1.2. Mag-register, kumpletuhin  ang PMRF, i-upload ang valid ID at iba pang kinakailangang dokumento, at pagkatapos ay i-click ang “Submit.”

1.3. Hintayin ang iyong 12-digit  PhilHealth Identification Number (PIN) na ipapadala sa iyong email sa loob ng 3 hanggang 5 working days.

2. Magpunta sa PhilHealth LHIO 

I-scan ang QR code para sa listahan ng mga LHIO

Pinasimple ang pagpapa-rehistro:

• Sagutan nang tama at kumpleto  ang PhilHealth Member Registration  Form (PMRF). 

• Magdala ng anumang dokumento  ng pagkaka-kilanlan at iba pang  supporting documents (gaya ng Birth  Certificate/Marriage Certificate) kung  may ide-declare na dependents.

May bayad ba ang pagpapa rehistro sa PhilHealth?  

• Walang bayad ang pagpapa-rehistro bilang miyembro ng PhilHealth.

  • PhilHealth, goodnews sa mga employer

by Info @Brand Zone | September 13, 2026

  • PhilHealth YAKAP na handog ng Pangulo sa schools at LGUs sa September 14

Press Release No. 2025-23

Patuloy ang pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas madaling maabot ng bawat Pilipino ang serbisyong pangkalusugan sa buong bansa sa pamamagitan ng Handog ng Pangulo (HNP). Bilang bahagi ng pagdiriwang na ito, dadalhin ng Department of Health (DOH) at PhilHealth ang YAKAP at iba pang serbisyong pangkalusugan sa mga paaralan at tanggapan sa buong bansa sa Setyembre 14, 2026. 

Sa tulong ng 257 Yakap Clinics at kanilang partner GAMOT Providers, maghahatid ang PhilHealth ng mga sumusunod na serbisyo sa lahat ng HNP sites: mga serbisyo para sa miyembro, pagpili at pagrehistro sa YAKAP, libreng konsulta, pagkuha ng libreng gamot sa GAMOT program, at tulong sa pagpaparehistro sa PSA. 

“Gusto naming dalhin ang YAKAP kung nasaan ang mga Pilipino. Pinagtutulungan namin ng DOH, sa ilalim ng Unified National Agenda for Health, ang kabuuang pangangalaga sa kalusugan sa mga paaralan, trabahuhan, at komunidad—kung saan may mga programa para maiwasan ang sakit at mayroon ding serbisyong pangkalusugan na agad na malalapitan,” pahayag ni PhilHealth Acting President at CEO Dr. Beverly Ho.

“Sa araw na ito, nais naming iparamdam ang uri ng serbisyo na aming pinagsisikapang ibigay. Dapat ganito kadali mag-access ng primary care services para sa lahat ng Pilipino.” 

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga lugar ng YAKAP na Handog ng Pangulo, maaaring tumawag sa 24/7 hotline ng PhilHealth sa (02) 8662-2588 o bisitahin ang opisyal na Facebook Page ng PhilHealth sa @PhilHealthOfficial.

  • PhilHealth YAKAP

by Info @Brand Zone | September 12, 2026

𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗥𝗲𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗡𝗼. 𝟮𝟬𝟮𝟲-𝟮𝟯

RECOMMENDED
bottom of page