top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 14, 2021



Inanunsiyo ng Malacañang ang alert level ng iba't ibang lugar sa bansa para sa Nov. 15-30.


Mananatili ang NCR sa alert level 2 mula Nov. 15-30 kabilang ang mga sumusunod na lalawigan:


-Nueva Ecija

-Bataan

-Aurora

-Pampanga

-Bulacan

-Tarlac

-Zambales

-Olongapo

-Angeles City

-Rizal

-Cavite

-Laguna

-Batangas

-Quezon

-Lucena City

-Bacolod City

-Iloilo City

-Negros Occidental

-Capiz

-Antique

-Aklan

-Iloilo Province

-Guimaras

-Negros Oriental

-Lapu-Lapu City

-Cebu City

-Mandaue City

-Cebu Province

-Bohol

-Cagayan de Oro City

-Misamis Occidental

-Lanao del Norte

-Bukidnon

-Camiguin

-Misamis Oriental

-Iligan City

-Davao del Norte

-Davao de Oro

-Davao Occidental

-Davao City

-Davao del Sur

-Davao Oriental


Nauna nang isinailalim ang NCR sa alert level 2 simula November 5 hanggang November 21.


Sa ilalim ng Alert Level 2, ang mga establisimyento ay pinapayagang mag-operate nang 50% capacity para sa indoors at may additional 10% capacity kung mayroong safety seal. Para naman sa outdoors, pinapayagan ang 70% capacity.


Isinailalim naman sa Alert Level 4 mula Nov. 17-30 ang Catanduanes, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.


Alert Level 3 naman mula Nov. 17-30 ang mga sumusunod na lugar:


- Batanes

- Quirino

- Nueva Vizcaya

- City of Isabela

- Zamboanga City


Alert level 3 (Nov. 15-30):

- Baguio City

- Siquijor


Alert level 2, effective immediately hanggang Nov. 30:


- Ilocos l Sur

- La Union

- Pangasinan

- Dagupan

- Ilocos Norte

- Tacloban

- Southern Leyte

- Samar (Western Samar)

- Ormoc City

- Eastern Samar

- Northern Samar

- Leyte

- Biliran

- South Cotabato

- Sarangani

- General Santos City

- Sultan Kudarat

- and Cotabato (North Cotabato)


Alert Level 2, mula November 17 to 30:


- Santiago City

- Cagayan

- Isabela province

- Albay

- Sorsogon

- Naga City

- Camarines Sur

- Camarines Norte

- Masbate

- Zamboanga del Norte

- Zamboanga Sibugay

- Zamboanga del Sur


Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes ang nationwide implementation ng Alert Level System upang maging panuntunan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 
 

ni Lolet Abania | November 11, 2021



Maaaring ideklara ang isasagawang 3-day national vaccination drive kontra-COVID-19 na nakatakda mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 bilang non-working days, ayon sa Malacañang ngayong Huwebes.


“Inaasikaso po kung ano ang magiging desisyon ng Presidente diyan,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque na aniya, para madaling makalabas ang mga tao at makapagpabakuna ng COVID-19 vaccine.


“Let us wait for the EO,” ani Roque nang tanungin sa iba pang detalye at kung papayagan ang mga walk-ins sa mga nakalaang vaccination centers.


Ang 3-day vaccination drive ay isasagawa nationwide, na may mga target na bilang na mga indibidwal na babakunahan kada rehiyon, maliban sa National Capital Region (NCR), kung saan ang COVID-19 vaccination coverage ay mahigit sa 80%.


Ayon kay Dr. Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center (NVOC), magtatalaga sila sa naturang aktibidad ng tinatayang 33,000 teams ng vaccinators na mayroong 170,000 health workers.


Sa 3-araw na programa, plano ng gobyerno na makapagbakuna ng 15 milyong indibidwal, kung saan ang pinakamataas na target na kanilang inilaan ay 2.2 milyon para sa Calabarzon; sinundan ng 1.5 milyon sa Region 3; 1.3 milyon sa Region 7; 1.2 milyon sa Region 6 at 1.1 milyon sa Region 5.


Sa ngayon, umabot na sa 30.4 milyong Pilipino ang fully vaccinated kontra-COVID-19, malayo pa rin ito sa 80% target mula sa 109 milyong populasyon ng bansa na mabakunahan kontra-COVID-19 bago ang Mayo 9, 2022 elections.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 16, 2021



Inanunsiyo ng International Criminal Court (ICC) na sisimulan na nila sa Oktubre ang pag-iimbestiga sa kampanya sa iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Pinayagan na umano ng Pre-Trial Chamber ang hiling ng ICC Prosecutors na ituloy na ang imbestigasyon ng drug war sa bansa mula Hulyo 2016 nang maupo si puwesto si Pangulong Duterte hanggang Marso 16, 2019 nang mag-withdraw ang Pilipinas mula sa Rome Statute.


Sakop ng imbestigasyon ang patayan sa Davao City mula Nobyembre 2011 hanggang Hunyo 30, 2016 kung saan nakaupong alkalde at vice mayor ang pangulo noon.


Isa umanong paglabag sa karapatang pantao ang nasabing mga war on drugs kahit na ilang beses na sinabi ng mga otoridad na ito ay legal na operasyon, ayon sa ICC.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page