top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 10, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


ANG GULO NG PULITIKA SA ‘PINAS DAHIL ANG VP AT PRESIDENTE PAREHONG PINAI-IMPEACH -- Noong December 2024 ay sinampahan ng Akbayan Partylist, Bayan Muna, civil society group at ng 215 kongresista ng mga kasong impeachment si Vice President Sara Duterte-Carpio, at kamakalawa naman May 8, 2025 ay sinampahan ng Duterte Youth Partylist ng impeachment case si Pres. Bongbong Marcos (PBBM).

Onli in da Philippines lang ‘yan, na ang presidente at bise presidente, parehong pinai-impeach.


Ganyan kagulo ang sistema ng pulitika sa ‘Pinas, boom!


XXX


HINDI AAKSYUNAN ANG IMPEACHMENT KAY PBBM DAHIL WALA RAW SESYON ANG KAMARA, PERO NOON ATAT NA ATAT ANG MGA CONG. NA UMPISAHAN ANG IMPEACHMENT TRIAL KAY VP SARA KAHIT WALANG SESYON ANG SENADO -- Sinabi ni Speaker Martin Romualdez na hindi raw puwedeng aksyunan ngayon ang isinampang impeachment case ng Duterte Youth Partylist kay PBBM dahil wala raw sesyon ang Kamara.


Iyon naman pala, hindi puwedeng aksyunan ang impeachment kay PBBM dahil walang sesyon ang Kamara, pero noon gustung-gusto na ng tropa ni Speaker Romualdez na aksyunan ni Senate Pres. Chiz Escudero ang impeachment trial kay VP Sara kahit walang sesyon ang Senado, he-he-he!


XXX


KUNG TOTOO NA ARANETA AT ROMUALDEZ ANG NAGPAPATAKBO NG GOBYERNO, BAD IYAN -- Sabi ni Sen. Imee Marcos na hindi raw ang kanyang kapatid na si PBBM ang may kontrol sa gobyerno, kundi sina First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Romualdez.


Kung totoo iyan, aba’y bad ‘yan dahil Marcos ang ibinoto ng higit 30 milyong botante, at hindi ang Araneta at Romualdez, boom!


XXX


KILATISIN ANG TRACK RECORD NG MGA KANDIDATO, HUWAG ANG PERA -- Tatlong bagay ang dapat kilatisin ng mga botante sa mga kandidato. Una, track record; pangalawa ay plataporma; at pangatlo ang background.


Iyang tatlong bagay na iyan ang importante at hindi ang pera ng kandidatong namimili ng boto, dahil ang pera panandalian lang, ubos agad pero ang puwesto pangmatagalan iyan.


‘Ika nga, vote wisely, period!




 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 9, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PAGLAGO NG EKONOMIYA ‘DI RAMDAM NG MAMAMAYAN -- Ibinida ng mga appointee ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago raw ng 5.4% ang ekonomiya ng Pilipinas sa first quarter ngayong year 2025.


Aba teka, bakit hindi ramdam iyan ng mamamayan?

Kung totoo man iyan, eh baka naman ang nakinabang sa sinasabing paglago ng ekonomiya ay mga trapo (traditional politicians), boom!


XXX


DAMAY ANG RATING NI SEN. IMEE SA PAGBAGSAK NG RATING NI PBBM -- Sabi ni Sen. Imee Marcos na ang pagbagsak ng kanyang rating sa mga senatorial survey ay dahil sa bad rating ng kanyang kapatid na si PBBM.


May punto si Sen. Imee sa sinabi niyang ito kasi nga parehong Marcos ang apelyido nila, kaya damay ang kanyang rating sa senatorial survey sa bagsak ng performance rating ng kapatid niyang presidente, tsk!


XXX 


DAPAT LANG NA I-DRUG TEST ANG MGA TSUPER TUWING IKA-90 ARAW – Inanunsyo ni Sec. Vince Dizon ng Dept. of Transportation (DOTr) na oobligahin na ang mga drivers ng mga public utility vehicle (PUV) na sumailalim sa drug test kada 90 araw o tatlong buwan. 


Ayos iyan para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero laban sa mga kaskaserong tsuper, na kaya ang tutulin magpatakbo ng sasakyan ay dahil nagti-trip pala kasi nakadroga, period!


XXX 


PAG-ENDORSO NI GOV. GWEN GARCIA SA MGA KANDIDATO NI PBBM, ANG KAPALIT KAYA ‘DI PAGPAPATUPAD NG SUSPENSION ORDER SA GOBERNADORA? -- Inendorso ni Cebu Gov. Gwen Garcia ang kandidatura ng lahat ng kandidato ni PBBM sa pagka-senador.


Iyan kaya ang dahilan kaya kahit sinuspinde na ng Office of the Ombudsman si Gov. Garcia ay walang aksyon ang Malacañang na ipatupad ang suspension order sa gobernadora? Boom!



 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 8, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


MAJORITY PINOY WALANG BILIB SA ‘BAGONG PILIPINAS’ KAPAG 4 LANG NA SENATORIAL CANDIDATES NI PBBM ANG MANALO SA ELEKSYON -- Kung susuriin ang mga sunud-sunod na survey na lumalabas, tila apat lang sa mga senatorial candidates ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang posibleng manalo.


Sa mga survey kasi laging top si Sen. Bong Go, pasok sa top 5 si Sen. Ronald Dela Rosa, gayundin sina broadcast journalist Ben Tulfo at TV-host comedian Willie Revillame na kapwa independent candidate At bagama’t hindi pumapasok sa top 12 senatorial survey ay tumataas ang rating nina Sen. Imee Marcos, Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta at humahabol din sina former Sen. Bam Aquino at former Sen. Kiko Pangilinan.


Kapag nangyari iyan na apat lang na kandidato ng Marcos administration ang magwagi sa senatorial election, isa lang ang ibig sabihin niyan, walang bilib ang majority Pinoy sa slogan ni PBBM na “Bagong Pilipinas,” boom!


XXX


KAPAG SI VP SARA ANG NAGING PRESIDENTE SA 2028, MALAMANG KULONG DIN ANG ABUTIN NI PBBM -- Ayon kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, dapat daw managot si PBBM sa tinuran niyang “pagdukot” o pag-aresto at pagpapakulong sa kanyang amang si ex-P-Duterte sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands dahil hindi raw mangyayari ang ganito sa ex-president kung walang basbas ng incumbent president.


Kaya sakaling si VP Sara ang maging next president sa 2028, tagilid si PBBM dahil malamang sangkatutak na kaso ang isasampa sa kanya para siya naman ang makulong, abangan!


XXX


PALUBOG NANG PALUBOG SA UTANG ANG ‘PINAS -- Inanunsyo ng Bureau of Treasury (BOT) na noong March 2025 ay pumalo na sa P16.68 trillion ang utang ng Pilipinas sa mga financial institution sa mundo.


Grabe naman iyan, March 2025 pa lang ganyan na kalaki ang utang ng ‘Pinas.


Masamang pangitain iyan, kasi pagpapakita na sa ilalim ng Marcos admin, palubog na nang palubog sa utang ang Philippines, saklap!


XXX


MGA NAMIMILI AT NAGBEBENTA NG BOTO, IPINAHUHULI NA NI GEN. MARBIL -- Ipinag-utos ni PNP Chief, Gen. Rommel Marbil sa mga kapulisan na agad dakpin ang mga namimili at nagbebenta ng boto.


Kaya panawagan natin sa mga namimili at nagbebenta ng boto, tantanan niyo na iyan dahil kung hindi kayo maglulubay, kaso at kulong ang aabutin niyo, period!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page