top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 31, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MAGKASALUNGAT NA NAMAN ANG RESULTA NG SURVEY NG PULSE ASIA AT SWS -- Magkasalungat na naman ang inilabas na survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS) patungkol kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.


Sa Pulse Asia survey kasi ay 50% daw ng mga Pinoy ang ayaw matuloy ang impeachment kay VP Sara, pero sa survey naman ng SWS ay 9 sa 10 Pilipino raw ang nais na sagutin ng bise presidente ang mga alegasyong katiwalian sa kanya na kabilang sa isang kaso ng impeachment na isinampa sa kanya.


Madalas mangyari ‘yan na magkasalungat ang survey ng Pulse Asia at SWS. Alin kaya sa dalawang survey na ito ang totoo? Boom!


XXX


KAPAG SA IMPEACHMENT TRIAL NASAGOT NANG TAMA NI VP SARA ANG MGA ALEGASYON NG CORRUPTION SA KANYA, SURE WIN NA SIYA SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION -- Nang iakyat ng Kamara sa Senado ang mga kasong impeachment kay VP Sara, ang sabi ng bise presidente noon ay dito sa Senado na siyang tatayong impeachment court niya haharapin lahat ng alegasyon sa kanya, kabilang ang sinasabing anomalya sa kanyang P650 million confidential funds.


Kaya kung si VP Sara ay kakandidatong presidente sa 2028 election at sa impeachment trial ay masagot niya nang tama ang samu’t saring alegasyon ng corruption sa kanyang confidential funds at nakapaglabas siya ng mga ebidensyang hindi siya nangurakot sa kaban ng bayan, sure win na siya sa 2028 presidential election, period!


XXX


BRGY. CERTIFICATE HINDI NA TATANGGAPIN NG COMELEC SA VOTERS REGISTRATION KAYA TAPOS NA ANG HAPPY DAYS NG MGA MANGRARAKET NA FLYING VOTERS -- Inanunsyo ni Comelec Chairman George Garcia na hindi na nila tatanggapin ang mga barangay certificate na ginagamit ng mga taong nais magparehistro para maging botante sa anumang lugar dahil sa hinala ng komisyon na nagagamit ito (barangay certificate) para sa mga flying voters.

Dahil diyan, tapos na ang happy days ng mga mangraraket na flying voters, boom!


XXX


NA-DEPORT NA SI TEVES, NAKAKULONG NA, NEXT NA KAYA SI HARRY ROQUE? -- Matapos kanselahin ng Philippine government ang pasaporte ni former Negros Oriental Rep. Arnie Teves, ay idineport na siya ng Timor-Leste authorities pabalik ng ‘Pinas at sa ngayon ay nakakulong na siya sa mga no bail na kasong kinasasangkutan niya tulad ng multiple murder, frustrated murders, etc.


Dahil sa pangyayaring iyan, hindi man aminin ay tiyak kinabahan si former presidential spokesman Harry Roque kasi kapag na-deny ang kanyang hirit na asylum, at nasundan ito ng pagkansela sa kanyang pasaporte ay tiyak idi-deport din siya ng The Netherland authorities at pagdating sa ‘Pinas siguradong kulong din siya sa kasong no bail na qualified trafficking in person, abangan!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 30, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PARA MARAMING MAKABILI NG P20/KILONG BIGAS, DAPAT LAHAT NG PALENGKE SA ‘PINAS LAGYAN NG KADIWA STORE -- Ibinida ng Dept. of Agriculture (DA) na puwede na rin daw makabili ng P20 per kilong bigas sa mga Kadiwa stores ang mga

minimum wage earners.


Sa totoo lang, ang problem diyan ay mangilan-ngilan lang ang mga Kadiwa stores sa buong bansa.


Kung gusto talaga ng Marcos administration na maraming mamamayan ang makabili ng ipinagmamalaki nilang P20/kilong bigas, dapat ang gawin nila ay lahat ng palengke sa ‘Pinas palagyan nila ng Kadiwa store, period!


XXX


PANG-UUNGGOY LANG SA PUBLIKO ANG SINABI NI PBBM NA TUTOL SIYA SA IMPEACHMENT DAHIL ANG ANAK NA SI CONG. SANDRO PUMIRMA PARA MA-IMPEACH SI VP SARA -- Maituturing na pang-uunggoy lang sa publiko ang statement ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na tutol siya sa impeachment ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.


Nasabi natin pang-uunggoy lang ito sa mamamayan kasi kung totoong ayaw niya, dapat hindi lumagda sa impeachment laban kay VP Sara ang anak niyang si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, eh ang problem, itong anak pa niyang kongresista ang kauna-unahang pumirma para sa impeachment case ng bise presidente, boom!


XXX


MISMONG DILAWAN POLITICIAN NA SI FRANKLIN DRILON NA NAGSABING MALABONG MA-IMPEACH SI VP SARA -- Tila nga pag-aaksaya lang sa pera ng bayan at pag-aaksaya rin ng panahon ang gagawing pag-impeach kay VP Sara sa Senado na tatayong impeachment court.


Mismong ang dilawang pulitiko na si former Senate Pres. Franklin Drilon na ang nagsabi na bukod sa napakaraming senador ang anti-impeachment ay hindi rin daw puwede na ang impeachment case na isinampa sa 19th Congress ay talakayin sa 20th Congress.

Opps, hindi Duterte Diehard Supporter (DDS) si Drilon, ha, isa siyang dilawang pulitiko, nagsabi lang naman siya ng katotohanan na malabong ma-impeach si VP Sara, period!


XXX


PANAHON NI EX-P-DUTERTE NAGTAGO ANG PASAKLAANG MAY ‘SHABUHAN’ NA SI ‘JUN GINTO,’ SA PANAHON NGAYON NG MARCOS ADMIN, LUMUTANG NA NAMAN SIYA -- Noong presidente pa si ex-P-Duterte, nagtago ang magsasaklang si “Jun Ginto” ng Las Piñas City kasi alam niyang malilintikan siya dahil ang puwesto ng kanyang mga saklang-patay ay may bentahan din umano ng shabu, ‘pinag-aadik’ ang mga nagsasakla para nga naman walang tulugan ang mga nagsasakla sa kanyang mga pasaklaan.


‘Ika nga, takot ma-tokhang si "Jun Ginto" noong panahon ng Duterte admin kaya tago muna siya. Pero pagpasok ng Marcos admin at nakita niyang malamya ang kampanya nito kontra droga, kaya balik na naman siya sa kanyang raket na saklang-patay with ‘shabuhan’.


Kailan kaya ipapa-tokhang nina Southern Police District (SPD) Director, Brig. Gen. Joseph Arguelles at Las Piñas City chief of police, Col. Sandro Tafalla ang salot na si “Jun Ginto”? Abangan!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 29, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

HINDI SI PBBM, KUNDI SI SEN. BONG GO ANG BIDA  SA DAGDAG NA MGA KAMA SA PGH AT PAGGAWA NG LUCENA CITY HOSPITAL -- Sa inilabas na press statement ng Malacanang ay nilagdaan na ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang Republic Act (RA) 12210 na naglalayong mula sa dating 1,334 na kama ng Philippine General Hospital (PGH) ay dadagdagan ito para maging 2,200 na ang bed capacity ng public hospital na ito, at bukod diyan, ay inaprub na rin ng Presidente ang RA 12211 pagpapagawa ng Lucena City Hospital na may 100 bed capacity.


Ang napuna lang natin sa press statement na ito ng Malacanang ay hindi binanggit na ang RA 12210 at RA 12211 ay dalawang panukalang batas na mismong si Sen. Bong Go ang may-akda porke kalaban ito sa pulitika ng Marcos administration, tsk!


Para sa kaalaman ng publiko, pinirmahan lang ni PBBM ang dalawang panukalang batas na iyan, pero ang totoong bida riyan ay ang may-akda na si Sen. Bong Go, period!


XXX


PARANG SI PBBM NA MISMO ANG UMAMIN, MAY PROBLEMA ANG LIDERATO NIYA SA ‘PINAS --Tinabla ni PBBM ang panawagan ng iba’t ibang sektor ng lipunan na magbitiw na siya sa pagiging presidente ng bansa, dahil ayon sa Pangulo ay wala raw sa ugali niya ang tinatakbuhan ang problema.


Sa sinabing ito ni PBBM, ay parang siya na rin ang nagkumpirmang may problema nga ang liderato niya sa pagpapatakbo ng bansa, boom!


XXX


3 JOURNALISTS NA INALOK MAGING PCO SEC. TUMANGGI LAHAT, AYAW MAGING BAHAGI NG “SABLAY GOV’T” -- Tatlong journalists na raw ang kinausap ni PBBM para pumalit kay Presidential Communication Office (PCO) Sec. Jay Ruiz pero lahat daw ng mga ito ay tinanggihan ang alok ng Presidente. 


Kulang na lang sabihin ng tatlong journalists na ito na ayaw nilang sumama o maging bahagi ng “sablay gov’t.” period!


XXX


BAKA MARAMING PASYENTENG MAMAMATAY SA AMBULANSYA DAHIL SA BALIK-NCAP -- Hindi naging maganda ang dulot ng pag-alis ng temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) kasi kung dating walang NCAP ay nagbibigay-daan ang mga motorista sa mga ambulansyang may lulan na pasyente, ngayong balik-NCAP na ay makikita sa social media na ayaw nang mag-give way ang mga motorista sa kadahilanan na kapag sila ay umiba ng linya lalo na sa mga kalsadang may nakalagay na solid lane, multa ang abutin nila.


Iyan ang nakakalungkot na mangyari sa balik-NCAP, kasi malamang maraming pasyente ang mamamatay sa loob ng mga ambulansya, tsk!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page