top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 14, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

AYOS ANG ILANG HIRIT NI KAUFMAN SA INTERIM RELEASE NI EX-P-DUTERTE SA ICC JAIL, SABLAY LANG SA ‘DUTERTE WILL NOT COMMIT CRIMES’, PARANG INAMIN NA MAY GINAWA NGANG KRIMEN ANG EX-PRESIDENT -- Ayos na sana ang ilan sa mga inihirit na dahilan ni Nicholas Kaufman para sa interim release ni ex-P-Duterte mula sa kinakukulungan nitong International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands, na ayon sa abogado ay may bansa naman daw na pumayag na sa kanila mamalagi ang dating presidente habang dinidinig ang kaso nito sa ICC at hindi naman daw tatakasan ng ex-president ang mga kaso niya, kaya lang nahaluan ng sablay kasi isa sa ipinupunto ng lawyer ay kesyo “Duterte will not continue to commit crimes”.


‘Ika nga, baka mas lalong madiin sa kaso si ex-P-Duterte dahil mistulang inamin na ni Kaufman na may mga ginawa ngang krimen sa ‘Pinas ang dating pangulo, tsk!


XXX


MAY PUNTONG UMANGAL ANG KAMARA DAHIL MISTULANG SILA ANG INUUSIG NG IMPEACHMENT COURT AT HINDI ANG AKUSADONG SI VP SARA -- Matapos umangal ang mga kongresista sa naging desisyon ng majority senator-judges na pagbalik ng “articles of impeachment” ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa Kamara ay sinabi ni Senate President, Presiding Officer Chiz Escudero na iyan daw ang pasya ng impeachment court, at bilang mga taga-usig ay dapat igalang at sundin ‘yun ng House of Representatives.


Sa totoo lang ay may punto naman ang mga cong. na umangal dahil mistulang ang Kamara ang inuusig ng mga senator-judges, at hindi ang akusado sa mga kasong impeachment na si VP Sara, period!


XXX


SA ‘PINAS LANG MAY MGA MAMBABATAS NA WALANG ALAM SA BATAS -- Pinuna ni Atty. Christian Monsod, isa sa framers ng 1987 Constitution, ang pagboto ng 18 senador na pagbabalik sa Kamara ng “articles of impeachment” ni VP Sara, na aniya ay malinaw daw na labag ito sa Saligang Batas.


Dahil diyan ay nasabi ni Monsod na lumalabas ngayon na ang 18 senador na ito ay kabilang sa 73% Pinoy na sinurbey ng Pulse Asia noong September 2022 na hindi naiintindihan ang mga nilalaman ng Konstitusyon ng ‘Pinas.


Kung totoo na hindi nga naiintindihan ng 18 senador ang mga nakapaloob sa Konstitusyon, ay onli in da ‘Pinas lang 'yan na may mga mambabatas na walang alam sa batas, boom!


XXX


BUKOD KAY ATTY. MACALINTAL, KUKUWESTIYUNIN DIN NI KABATAAN PARTYLIST REP. MANUEL ANG PAGPAPALIBAN SA BSKE SA DEC. 1, 2025 -- Sinabi ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na hindi raw katanggap-tanggap sa mamamayan ang napagkasunduan ng Senado at Kamara na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) election sa Dec. 1, 2025, at sa unang Lunes ng November 2026 na lang daw ito idaos, na ang mga magsisipagwagi ay 4-taon na ang panunungkulan mula sa dating 3-taon.


Sa statement ni Cong. Manuel ay tila dalawa na sila ni Atty. Romy Macalintal na magpepetisyon sa Supreme Court (SC) na ituloy ang BSKE sa Dec. 1, 2025 sa kadahilanang labag daw sa Konstitusyon na ipagpaliban ang anumang halalan sa ‘Pinas, period!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 13, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

AYAW DAW NI PBBM MA-IMPEACH SI VP SARA PERO ASANG MATULOY SA 20TH CONGRESS ANG IMPEACHMENT TRIAL SA BISE PRESIDENTE -- Sabi ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), sa kanyang pananaw daw ay maaaring ituloy sa 20th Congress ang impeachment complaints laban kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na isinampa ng Kamara ngayong 19th Congress.


O, akala ba natin ayaw ni PBBM na ma-impeach si VP Sara, na ayon pa nga sa Malacanang ay never daw makikialam ang Presidente sa mga kasong impeachment na kinakaharap ng bise presidente, pero ngayon iba na ang himig ng Pangulo, na umaasa siyang matutuloy sa 20th Congress ang impeachment trial sa bise presidente, boom!


XXX


MALAMANG 18 SENADOR DIN ANG BOBOTO NA I-KILL NA SA 20TH CONGRESS ANG IMPEACHMENT KAY VP SARA -- "Suntok sa buwan" kung matuloy pa ang impeachment trial kay VP Sara.


Sabi kasi ni Senate Pres. Chiz Escudero na bagama’t ibinalik ng Senado sa Kamara ang ‘articles of impeachment’ laban kay VP Sara ay hindi raw nangangahulugan na "kill" na ang impeachment, at katunayan nga raw ay nagpadala na siya ng subpoena sa bise presidente para sagutin ang impeachment complaints laban dito.


Ang sinabing ito ni SP Escudero ay maituturing na pang-uunggoy lang sa publiko kasi tiyak hindi tutugon si VP Sara sa subpoena dahil ang ikakatwiran nito na wala siyang dapat sagutin kasi nga ngayong 19th Congress ay wala na sa Senado ang ‘articles of impeachment’ dahil ibinalik ito sa Kamara.


At pagsapit ng 20th Congress next month, tiyak haharangin ito ng mga pro-Duterte senators, magbobotohan uli, at sa tantiya natin, 18 senador uli ang boboto na ibasura ang impeachment kaya’t sa malamang, walang magaganap na impeachment trial kay VP Sara sa 20th Congress, period!


XXX


18 SENADOR, TILA HINDI ALAM NA ‘DI SILA DAPAT NAG-AABOGADO SA AKUSADO SA IMPEACHMENT -- Ayon sa mga law experts, hindi raw dapat mga senator-judges ang naghain ng mosyon na ibalik sa Kamara ang ‘articles of impeachment’ dahil wala raw sa Konstitusyon o labag sa Saligang Batas na umakto silang (senator-judges) parang abogado ni VP Sara, na ang dapat daw naghain ng ganitong mosyon ay ang defense panel ng vice president.


Siguro, hindi alam ng 18 senator-judges na wala nga ito sa Konstitusyon, na hindi sila dapat nag-aabogado sa akusado sa impeachment kaya nagkaisa silang bumoto na ibalik sa Kamara ang ‘articles of impeachment’ laban kay VP Sara, boom!


XXX


SA ARAW NG KALAYAAN, MALAYANG NAKAPAG-SMUGGLE SINA ALYAS 'LEAH C.' AT 'GERRY T' -- Sana, kapag sumasapit ang Araw ng Kalayaan ay mas doblehin ang paghihigpit sa Customs.


May impormasyon kasi na habang idinadaos ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan kahapon, ay malaya rin daw nakapagpuslit ng mga smuggled na gulay at meat ang mga kilalang smugglers na sina “Leah C” at “Gerry T.”, buset!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 12, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

FORTHWITH O AGAD-AGAD, IBINALIK NG SENADO SA KAMARA ANG ARTICLES OF IMPEACHMENT VS VP SARA -- Matapos makatikim ng sunud-sunod na batikos si Senate Pres. Chiz Escudero mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan dahil sa delaying tactics nito sa impeachment trial kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na dapat daw ay sinunod nito ang nakasaad sa Konstitusyon na "forthwith" o agad-agad na aksyon sa impeachment cases ng bise presidente, ay tila mas inasar pa ng majority ng mga senador ang mga nambabatikos sa head ng Senado.


Matapos kasing magsipag-oath bilang mga senator-judges ng impeachment court, ay 18 senador ang rumesbak, agad-agad o pin-"forthwith" nila pabalik sa Kamara ang mga isinampang articles of impeachment complaint laban kay VP Sara, na ‘ika nga waring indikasyon ito na talagang iki-kill ng Senado ang mga kasong impeachment laban sa bise presidente, period!


XXX


TAGUMPAY NG 18 SENADOR NA PAGBALIK SA KAMARA ANG ARTICLES OF IMPEACHMENT, NEXT NA KAYA ANG PAGDISMIS NG MGA KASO KAY VP SARA?

-- Sa kanyang press conference ay sinabi ni SP Escudero na tuloy pa rin daw ang impeachment proceedings na isasagawa ng Senado na tatayong impeachment court kahit na ibinalik nila sa Kamara ang articles of impeachment complaint.


Gayunman, sinundan niya ito ng statement na kung anuman daw ang pananaw ng 5 senador na bumoto ng "no" para sa return the impeachment complaints at kung ano ang pananaw naman ng 18 senador na bumoto pabor sa pagbalik sa Kamara ng articles of impeachment ay hindi raw niya puwedeng pigilan.


Tila may ibig ipahiwatig si SP Escudero sa statement niyang iyan na matapos mapagtagumpayan ng majority senators na ibalik sa Kamara ang articles of impeachment, parang kasunod nito ay botohan uli sa impeachment court para idismis ang mga kasong impeachment kay VP Sara kahit na walang maganap na impeachment trial, abangan!


XXX


TILA ALAM NG KAMARA NA IBABASURA LANG NG SENADO ANG IMPEACHMENT CASES KAYA INIREKOMENDA NA NILA SA DOJ NA KASUHAN SI VP SARA NG PLUNDER AT IBA PANG CHARGES -- Tila alam na ng Kamara na walang mangyayari at ibabasura lang ng majority senators ang isinampa nilang mga impeachment cases kay VP Sara.


Kaya’t bago pa man din magdesisyon ang 18 senator-judges na ibalik sa kanila ang articles of impeachment, ay inirekomenda na nila sa Dept. of Justice (DOJ) na sampahan ng mga kasong plunder, malversation, bribery and corruption at falsification of public documents si VP Sara at iba pang sangkot sa confidential funds scam, period!


XXX


KAILAN LALAYA ANG ‘PINAS SA KAMAY NG MGA KURAKOT? -- Ngayon ay Araw ng Kalayaan. Selebrasyon ito ng Pilipinas sa pagkakalaya ng mga Pilipino mula sa pananakop ng España o mga Kastila noong June 12, 1898.


Malaya na tayo mula sa kamay ng mga dayuhan, eh ang tanong: Kailan naman kaya lalaya ang ‘Pinas mula sa kamay ng mga kurakot sa bansa? Boom!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page