top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 16, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

FPRRD, BUONG TAPANG NA HINARAP ANG KASO SA ICC, ROQUE ‘NAGTAGO’, AYAW HARAPIN ANG KASO SA ‘PINAS – Bagama’t noong una ay maraming kuwestiyon si former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) tungkol sa legalidad ng inihaing warrant of arrest sa kanya ng International Criminal Court (ICC) noong March 11, 2025 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kalaunan ay sumama na rin sa Interpol ang dating presidente para harapin ang kasong crimes against humanity na isinampa sa kanya sa ICC sa The Netherlands.


Sana tularan ni former presidential spokesman Harry Roque ang ginawa ni FPRRD, kaya sa halip na magtago sa ibang bansa, dapat harapin din niya ang isinampang kasong qualified trafficking in person sa Pilipinas, boom!


XXX


PANUKALANG BATAS NI SEN. BONG GO SA DAGDAG-SAHOD MAKATOTOHANAN, TUNAY NA MALASAKIT SA MGA MANGGAGAWA, BILL NG GRUPO NI SPEAKER ROMUALDEZ SA TAAS-SUWELDO, PABIDA LANG SA PUBLIKO -- Mas makatotohanan ang panukalang batas ni Sen. Bong Go na P100 dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor kaysa sa panukala ng Kamara sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez na dagdag-P200 sa suweldo ng mga worker.


Sa P200 taas-suweldo ay malabong maisakatuparan iyan dahil papalag diyan ang mga kapitalista, pero sa panukala ni Sen. Bong Go na P100 dagdag-sahod, puwedeng isakatuparan iyan ng mga negosyante sa ‘Pinas.


Ang nais nating ipunto rito, ang bill ni Sen. Bong Go ay pagpapakita talaga ng tunay na malasakit sa mga manggagawa, at ang panukala naman ng grupo ni Speaker Romualdez ay malinaw na pabida lang sa publiko, period!


XXX


‘MINASAKER’ SINA GOV. DEGAMO DAHIL SA ONLINE SABONG; ‘KINATAY’ ANG MGA MISSING SABUNGERO DAHIL DIN SA ONLINE SABONG -- Sa pagdinig sa Senado noong April 20, 2023 ay sinabi ni Mayor Fritz Dias ng Siaton, Negros Oriental na sobrang nagalit daw si former Congressman Arnie Teves nang ipatigil ng noo’y Negros Oriental Gov. Roel Degamo ang online sabong ng congressman at ito raw ang dahilan kaya nilusob umano ng mga armadong lalaki ang bahay ng gobernador noong March 4, 2023 at pinagbabaril ito hanggang mapatay, at nadamay sa nasawi ang 8 pang supporters ng pamilya Degamo.


Sa isinagawang pagbubulgar naman ni Julie "Dondon" Patidongan alyas "Totoy" ay sobrang nagalit din daw si Atong Ang sa mga maniniyope (mandaraya) sa inu-operate niyang online sabong kaya ipinapatay umano nito ang mga missing sabungero.

Ang mga krimen na iyan ang magpapatunay na salot talaga ang online sabong, tsk!


XXX


NAHILONG-TALILONG ANG MAMAMAYAN SA PABAGU-BAGONG SCHEDULE NG

COMELEC PARA SA VOTER’S REGISTRATION – Nahihilong-talilong ang mamamayan sa pag-aanunsyo ng Comelec sa voters registration para sa 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Unang anunsyo ng Comelec sa voters registration ay mula July 1-11, 2025. Pagkaraan ay ni-reschedule nila ito sa last week ng October 2025, at muli na namang binago at ginawa itong August 1-10, 2025.


Dapat yatang mag-resign na si Comelec Chairman George Garcia dahil sa kanyang pamumuno, dumami ang sablay ng komisyon, ultimo schedule para sa voter’s registration ang gulo-gulo, buset!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 15, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

ISYUNG PAGKAMATAY SA COCAINE NI PAOLO TANTOCO, HINDI DAPAT DEDMAHIN NI FL LIZA -- Kung totoo man o hindi ang napabalita sa mainstream media at kumalat sa social media na overdose sa paggamit ng cocaine ang sanhi ng pagkamatay ni businessman Paolo Tantoco noong March 8, 2025 ay dapat humarap sa publiko si First Lady Liza Araneta-Marcos at idetalye ang kanyang ginawa, at ng kanyang mga kasama habang sila ay nasa Los Angeles, USA mula March 4 hanggang March 8 (araw ng pagkamatay ni Tantoco) at kung kailan siya bumalik sa Pilipinas.


Nauugnay kasi ang pangalan ng Unang Ginang sa isyu ng overdose raw sa paggamit ng cocaine ang ikinamatay ni Tantoco, tapos sinakyan pa ito nina Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, former presidential spokesman Harry Roque at iba pang Duterte Diehard Supporters (DDS) na nagsasabing kasama raw sa isang room ng hotel si FL Liza nang masawi ang businessman.


Hindi dapat dedmahin lang ni FL Liza ang isyung ito dahil misis siya ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na sinabihan din noon ni ex-P-Duterte na adik daw sa cocaine, period! 


XXX


SA 84,236 LAWYERS SA ‘PINAS, SINA ESCUDERO AT CAYETANO LANG ANG NAGSABING PUWEDE ANG DISMISSAL WITHOUT TRIAL SA MGA KASONG IMPEACHMENT NI VP SARA -- Sa record ng Supreme Court (SC) ay nasa 84,236 na ang mga abogado sa Pilipinas, at sa bilang na iyan ay kasama na ang dalawang abogadong pulitiko na sina Senate President Chiz Escudero at Sen. Alan Cayetano.


Karamihan sa mga abogado sa ‘Pinas, kabilang na ang mga retired chief justice, retired senior associate justice, mga constitutionalists, law professors, mga abogadong dean sa mga unibersidad ay nagsabing mali at wala sa Konstitusyon ang nais mangyari ni Sen. Ronald Dela Rosa, noong June 10, 2025, panahon ng 19th Congress, sa mosyon nitong i-dismiss ang mga kasong impeachment laban kay VP Sara kahit walang impeachment trial.


Ang nais nating ipunto rito, na sa bilang na 84,236 lawyers sa ‘Pinas, bukod tangi na sina Escudero at Cayetano lang ang mga abogadong pulitiko ang nagsasapubliko na naniniwala sila sa sinabi ng hindi naman abogadong si Sen. Dela Rosa na puwedeng mangyari raw ang “dismissal without trial” ngayong 20th Congress sa mga kasong impeachment ni VP Sara, boom!


XXX


MALAPIT NANG MATAPOS ANG RAKET SA ONLINE ILLEGAL GAMBLING NG MGA VLOGGER -- Binalaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang lahat ng mga vlogger na i-delete ang mga ipinost nila sa social media na may kaugnayan sa pagpu-promote ng mga illegal online gambling dahil kapag hindi raw dinelete ay sasampahan daw nila ng mga kaso ang mga ito na may kaugnayan sa cybercrime.


Dahil diyan ay nakikita na natin na malapit nang matapos ang happy days sa pagkamal ng kuwarta ng mga vlogger na ang raket ay magpalaganap ng illegal online gambling sa social media, period!


XXX


MPD, MANILA’S FINEST KAYA DAPAT IPAKITA NI GEN. ABAD ANG HUSAY AT GALING SA PAGLANSAG SA SINDIKATO NG LOTTENG SA MAYNILA -- May bagong police director na ngayon ang Manila Police District (MPD) sa katauhan ni Brig. Gen. Arnold Abad.


Ang bansag sa MPD ay “Manila’s Finest” kaya’t dapat ipakita ni Gen. Abad ang kanyang husay o galing sa paglansag sa untouchable na sindikato ng lotteng sa Maynila nina "Boy Abang," "Lorna," "Paknoy," "Dani Bukol," "Anna," "Prades," "Tonton," "Lando," "Tata Ber" at "Simbula," abangan!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 14, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SI VP SARA NA NAGSABING FAKE NEWS NA BUTO’T BALAT NA LANG ANG PRESIDENTE -- Mismong si Vice Pres. Sara Duterte Carpio na ang nagsabi na ang mga kumakalat sa social media na larawan ng kanyang amang si ex-P-Duterte na buto’t balat na ay peke.


Kaya dapat tigilan na ng mga netizens na ipakalat sa social media ang ganitong larawan ni ex-P-Duterte kasi nga hindi magandang tingnan na ang matikas, matapang at palaban na dating presidente ay pinagmumukhang kaawa-awa, lalo’t ang anak na niyang bise presidente ang nagsabi na fake ang mga picture na buto’t balat na ang ex-president, boom!


XXX


MAINAM ANG NAGING AKSYON NG PAGCOR NA PAGPAPATANGGAL SA MGA BILLBOARD NA NAGPU-PROMOTE NG PASUGALAN -- Inatasan ng Pagcor ang mga gambling operator na tanggalin o baklasin ang kanilang mga billboard advertisements na humihikayat sa mamamayan na magsugal sa kanilang mga online gambling sites.


Napakainam ang naging aksyon na iyan ni Pagcor Chairman-CEO Alejandro Tengco, kasi nga naman kung dati ay ang nakikita ng publiko na mga nakalagay sa mga billboard ay iba’t ibang uri ng produkto, eh ngayon mga online pasugalan na, period!


XXX


EX-DEPED SEC. LEONOR BRIONES, KAHIT MATANDA NA SABIT PA RIN SA KATIWALIAN -- Iniutos ng Ombudsman na sampahan ng mga graft charges si former Dept. of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones at iba pang dating DepEd officials matapos masangkot at gumawa umano ng katiwalian ang mga ito patungkol sa overpriced na mga laptop na ipinamahagi sa mga public school teacher noong year 2021.


Pambihira naman ‘tong si ex-DepEd Sec. Briones, katanda-tanda na, eh nagawa pang madawit sa katiwalian sa DepEd, pwe!


XXX


PALPAK ANG COMELEC, NANUNGKULANG GOVERNOR NG CATANDUANES HULI NA NILANG NALAMAN NA CHINESE PALA -- Nang kumandidato si former Catanduanes Gov. Joseph Chua Cua sa pagka-alkalde ng Virac ay nag-file ng disqualification sa kanya ang katunggali niya dahil hindi raw natural born Filipino citizen ang dating governor dahil parehong Chinese national daw ang mga magulang nito.


Bagama’t natalo na si Cua sa nakaraang halalan ay inilabas pa rin kamakalawa ng Comelec ang desisyon nilang nagpapatunay na Chinese national nga si Cua.


Dito makikita na palpak talaga ang Comelec, kasi mantakin n’yo ang tagal nanungkulang governor si Cua sa Catanduanes mula 2007 hanggang June 30, 2022, eh kung hindi pa nag-file ng disqualification ang kanyang katunggali sa pulitika ay hindi pa malalaman ng Comelec na pekeng Pinoy pala ang naging governor ng Catanduanes, buset!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page