top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 11, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SALN NI VP SARA AT PHARMALLY SCAM SA PANAHON NG DUTERTE ADMIN, BUBUSISIIN, TILA TAMA ANG HINALA NI SEN. IMEE NA ANG PAGTALAGA KAY REMULLA SA OMBUDSMAN PARA TARGETIN ANG MAG-AMANG DUTERTE -- Matapos sabihin ni newly appointed Ombudsman Boying Remulla na bubusisiin niya ang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Vice President Sara Duterte-Carpio, ay sinundan niya ng ito statement na bubusisiin din niya ang mga dokumento sa naganap na Pharmally scam sa panahon ng Duterte administration.


Dahil diyan ay lumalabas na totoo ang hinala ni Sen. Imee Marcos na kaya si Remulla ang itinalaga ng kanyang kapatid na si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na maging Ombudsman ay para “targetin” ang mag-amang former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) at VP Sara, period!


XXX


MGA PULITIKO AT GOV'T. OFFICIALS NA NAGPAYAMAN SA PODER AT MAY HIDDEN WEALTH KABADO NA, ILALANTAD NA NI REMULLA ANG MGA SALN -- Depensa naman ni Ombudsman Remulla ay hindi lang naman daw mga Duterte, kundi ang iba pang opisyal ng pamahalaan na may ginagawang katiwalian, at ang promise niya ay wala siyang sisinuhin.


Bilang patunay na wala raw siyang sasantuhin, ayon kay Ombudsman Remulla, next week ay maglalabas siya ng memorandum na nagli-lift o nag-aalis ng restriction sa SALN, na ibig sabihin ay malaya nang makakakuha ang mamamayan ng kopya ng SALN ng mga taong gobyerno.


Hindi man aminin, siguradong kakaba-kaba na ang mga tiwaling politicians at gov't. officials dahil madali nang malalaman ng mamamayan kung sino sa kanila (politicians at gov't. officials) ang mga nagpayaman sa poder at sino sa kanila ang may mga hidden wealth, boom!


XXX


SEC CHAIRMAN FRANCIS LIM NA NAGPAPANIWALA SA FAKE NEWS, DAPAT MAG-RESIGN SA PUWESTO -- Binawi ni Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Francis Lim ang sinabi niyang halos P1.7 trillion ang halagang nawala sa nakalipas na tatlong linggo sa market value ng mga kumpanyang nasa stock market dahil sa corruption sa flood control project, na ayon sa SEC chairman ay fake news daw pala ang nakuha niyang impormasyon sa industry report sa social media.


Mantakin n’yo, SEC chairman nagpapaniwala sa fake news.

Kaya’t kung may delicadeza siya, dapat ay agad-agad na mag-resign na siya, period!


XXX


RAKET SA REBLOCKING PROJECT, STOP NA -- Sinuspinde na ni Sec. Vince Dizon ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) ang road reblocking project ng kagawaran.


Ayos iyan para matigil na rin ang raket ng mga ‘buwaya’ sa DPWH at mga sindikatong kontraktor na ang diskarte ay sisirain ang maayos na sementadong kalsada at saka aayusin at sesementuhan uli, boom!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 10, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PARANG GUSTONG MANGYARI NI SEN. CAYETANO FLOOD CONTROL PROJECTS LANG MULA YEAR 2024-2025 ANG IMBESTIGAHAN AT HUWAG NA ANG YEAR 2019-2020 SA PANAHONG SIYA ANG SPEAKER OF THE HOUSE -- Pinutakti na naman ng pamba-bash sa social media si Sen. Alan Cayetano sa statement niya na dapat daw tumbukin na agad sa imbestigasyon ang mastermind sa flood control projects scam na naganap sa year 2024 hanggang 2025.


Maba-bash talaga siya dahil mismong si Sarah Discaya na ang nagsabi sa Senate Blue Ribbon Committee na year 2016 onwards daw sila nag-umpisang makakuha ng bilyun-bilyong pisong flood control projects sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH), tapos ang gusto lang ni Sen. Cayetano ay year 2024 hanggang year 2025 ang imbestigahan.


Masyado siyang halatain na iniiwas niya sa isyu ng flood control projects scam ang mula year 2016 hanggang year 2022, kung saan sa panahon ng Duterte administration ay naging Speaker of the House din siya mula July 22, 2019 hanggang October 12, 2020 na namuno sa pagbalangkas sa year 2020 na P4.1 trillion national budget na ang P580.886 billion dito napunta sa DPWH at pagbalangkas sa year 2021 na P4.5T national budget, na ang P694.8B dito ay napunta sa DPWH.


Kumbaga, parang gusto niyang mangyari ay huwag nang isama sa imbestigasyon ang mga flood control project ng DPWH sa panahon ng Duterte admin, kung saan minsan siyang naging Speaker of the House, boom!


XXX


GUSTO YATA NG ICI KALAMPAGIN SILA NG MILYUN-MILYONG PINOY BAGO MAGDESISYONG I-OPEN SA PUBLIC ANG IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM -- Magkakasunod na nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), Iglesia ni Cristo (INC) at mga civil society groups sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na isapubliko ang isinagawa nilang imbestigasyon sa mga sangkot sa flood control projects scam dahil nga kaduda-duda ang ginagawa nilang secret o closed-door investigation sa mga nasasangkot na mga politician, DPWH officials at mga kontraktor sa anomalya.


Huwag nang hintayin ng ICI na mag-rally sa kanilang tanggapan ang milyun-milyong Katoliko, kapatiran ng INC at iba’t ibang sektor para sila ay kalampagin na isapubliko ang imbestigasyon nila sa mga sangkot sa flood control projects scam, period!


XXX


ANG GULO NG STATEMENT NI USEC. CASTRO, SUPORTADO RAW NG MALACAÑANG I-OPEN SA PUBLIKO ANG IMBESTIGASYON NG ICI, PERO AYAW DAW NG PRESIDENTE MAKIALAM SA DESISYON NG ICI NA CLOSED-DOOR HEARING -- Sabi ni Presidential Communications Office (PCO) spokesperson, Usec. Claire Castro ay suportado raw ng Malacañang ang panawagan ng CBCP, INC at civil society groups na isapubliko ng ICI ang imbestigasyon sa flood control projects scam, kaya lang daw ay ayaw pakialaman ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang naging desisyon ng ICI na gawing closed-door ang imbestigasyon nito sa anomalya.


Ang gulo ng statement ni Usec. Castro, suportado raw ng Malacañang na i-open sa public ang imbestigasyon, pero ayaw daw ni PBBM na makialam, aba’y lintik, eh sino ba ang nasa Palasyo, ‘di ba ang Presidente? Buset!


XXX


MAG-ASAWANG DISCAYA, FEELING MAKAPANGYARIHANG TAO SA MUNDO, MGA PRESIDENTE NG MGA BANSA NAGBABAYAD NG TAX, SILA AYAW MAGBAYAD - -Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P7.1B tax evasion case ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya dahil sa hindi pagbabayad ng buwis galing sa mga "kinita" ng kanilang mga construction firms mula year 2018 hanggang 2021.


Aba’y sa panahon pala na iyan (year 2018-2021) ay nag-feeling makapangyarihang tao sa buong mundo itong mag-asawang Discaya, dahil ang mga presidente sa mga bansa sa mundo ay nagkukusang magbayad ng tax, tapos sila (mag-asawang Discaya) ayaw magbayad ng tax, mga pwe!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 9, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KUNG ANG MGA TIWALI TINAMAAN SA KOMITE NI SEN. LACSON, SIGURADO KAPAG SI SEN. ERWIN TULFO ANG CHAIRMAN NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE, LAGOT DIN ANG MGA ‘BUWAYA’ -- Sabi ni Senate President Tito Sotto kung sakaling walang magkainteres na senador na maging chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ay awtomatiko na si Sen. Erwin Tulfo, vice chairman ng komiteng ito ang siyang mamumuno sa komite na binakante ni Sen. Ping Lacson, at ayon sa Senate president, puwedeng-puwede niya (Sen. Tulfo) itong pamunuan dahil bukod sa pagiging investigative journalist, matapang din. Na sa ngayon ay tinanggap na rin ni Sen. Tulfo ang posisyon bilang acting chairman nito.    


May punto si Tito Sen na bagay kay Sen. Tulfo ang maging chairman ng Senate Blue Ribbon Committee dahil wala naman talagang sinasanto ang baguhang senador sa paglaban sa corruption, bukod pa sa wala ring bahid ng katiwalian at katunayan kahit noong kongresista siya ng ACT-CIS Partylist ay wala siyang isyu ng insertion sa national budget.


‘Ika nga, iyong mga tiwali kung sila man ay tinamaan kay Sen. Lacson, lagot din ang mga ‘buwaya’, tiyak sapul din sila kay Sen. Tulfo, period!


XXX


GUSTO NG MAMAMAYAN IKULONG LAHAT NG MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM, AT HINDI ANG SNAP ELECTION -- Kumbaga sa pelikula, semplang sa takilya ang panawagan ni Sen. Alan Cayetano na para raw manumbalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno ay dapat daw mag-resign ang lahat ng government elected officials ng Pilipinas, mula presidente, bise presidente, mga senador at kongresista at saka magdaos ng snap election.


Kaya semplang, dahil walang pumatol sa kanyang panawagan.


May punto naman talaga na huwag patulan ang mungkahi ni Sen. Cayetano dahil ang nais ng mamamayan ay makulong ang lahat ng sangkot sa flood control projects scam

at hindi ang snap election, period!


XXX


KUNG SA PANAHON NG NOO’Y OMBUDSMAN MARTIRES TAGO ANG SALN NG MGA POLITICIAN AT GOV'T. OFFICIALS, SA PANAHON NI NEWLY APPOINTED OMBUDSMAN REMULLA ILALANTAD NA -- Sinabi ni newly appointed Ombudsman Boying Remulla na ang una raw niyang gagawin ay ilantad sa publiko ang lahat ng Statement of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga politcian at gov't. officials na noong panahon ni dating Ombudsman Samuel Martires ay pinakatago-tago.


Dahil sa sinabing iyan ni Ombudsman Remulla, lagot na ngayon ang mga politician at gov't. officials na may mga tagong yaman o hidden wealth na hindi nakadeklara sa kanilang mga SALN, na ‘ika nga kung noong si Martires pa ang Ombudsman tago sa publiko ang mga SALN, ngayon si Remulla na ang Ombudsman, ilalantad na, boom!


XXX


DAPAT IPA-RAID NA NI MAYOR MAGALONG ANG MINI-CASINO, COLOR GAMES AT DROP BALLS, BAKA PASARINGAN ULI NI USEC. CASTRO NA ‘NGANGA’ LANG SIYA SA MGA NANGRARAKET SA BAGUIO CITY -- Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na si Presidential Communications Office (PCO) spokesperson, Usec. Claire Castro raw ang dahilan kaya siya nag-resign bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) matapos siyang pasaringan na kesyo wala raw siyang karapatang mag-imbestiga sa mga flood control project scam.


Kung ganu’n, aba’y dapat agad-agad atasan ni Mayor Magalong ang kanyang city chief of police na si Col. Ruel Tagel na i-raid at arestuhin sina alyas "Patrick" na may raket na mini-casino sa Legarda Bokawlan Streets at raket na color games at drop balls ni alyas "Nestor" sa Kayang Street, Baguio City dahil baka pasaringan siya uli ni Usec. Castro na "nganga" lang siya sa mga mangraraket sa kanyang nasasakupan, period!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page