top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 11, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


MAG-ASAWANG DISCAYA, WALANG KONSENSYA DAHIL BILYON-BILYONG PERA ANG IN-SCAM NILA SA KABAN NG BAYAN, KAYA FAKE NEWS ANG SINABI NI ATTY. SAMANIEGO NA MALINIS DAW ANG KONSENSYA NI SARAH DISCAYA – Sabi ni Atty. Cornelio Samaniego, abogado ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, malinis daw ang konsensya ng mag-asawang ito at patunay daw na kahit wala pang warrant of arrest sa kasong malversation of public funds at graft patungkol sa flood control projects scam na isinampa ng Ombudsman kay Mrs. Discaya, nagpasya na itong sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI).


Sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 18, ipinakita ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson ang data na mula year 2016 hanggang 2025 ay umabot sa P207 billion ang nakopong kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga construction firms ng mag-asawang Discaya, at halos lahat ng kanilang mga flood control projects ay ghost, substandard at unfinished projects. Pagpapatunay ito na wala silang konsensya, kaya 'yung sinabi ni Atty. Samaniego na malinis daw ang konsensya ni Sarah Discaya sa mga kasong kinakaharap, fake news 'yun, boom!


XXX


BUWAGIN NA ANG ICI KASI WALA ITONG 'PALABRA DE HONOR' – Walang "palabra de honor" ang mga taga-Independent Commission for Infrastructure (ICI) kasi ang sabi nila noon sa mga susunod nilang hearing ay isasapubliko na nila ito sa pamamagitan ng live streaming. Pero, napako ang pangako nilang ito dahil ipinagpatuloy nila ang imbestigasyon sa pamamagitan ng closed-door hearing.


Ika nga, ang sinuman na walang isang salita ay hindi dapat pagkatiwalaan, at dahil walang "palabra de honor" ang ICI at kuwestiyonable ang isinasagawa nilang closed-door hearing. Ang dapat sa komisyon na ito ay buwagin na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. (PBBM) at ipaubaya na lang sa Senado, Kamara, Department of Justice (DOJ) at Ombudsman ang imbestigasyon sa mga sangkot sa flood control scandal, period!


XXX

MGA KURAKOT NA SENADOR, EX-SENATORS AT MGA SUSPECTED KILLERS-KIDNAPPERS NA GRUPO NI ATONG ANG TILA SAMA-SAMANG MAGPA-PASKO SA CITY JAIL – Sa isyung flood control scandal, magkasunod na sinabi nina PBBM at Ombudsman Boying Remulla na bago mag-Pasko ay may mga senador at dating senador na sangkot sa flood control projects scam ang makukulong. Sa isyu naman ng missing sabungeros, inanunsyo ng DOJ na may basehan daw para sampahan nila ng mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention ang grupo ni gambling tycoon Charlie "Atong" Ang.


Tila yata hindi lang mga kurakot na senador, ex-senators ang magpa-Pasko sa city jail, kundi pati ang mga suspected killers-kidnappers na grupo ni Atong Ang, abangan! 


XXX


IPINAGBAWAL NI MAYOR VICO ANG ADVERTISEMENTS NG MGA PASUGALAN SA PASIG CITY, PERO MGA RAKET NA STL-CON JUETENG AT LOTTENG SA LUNGSOD, TULOY PA RIN ANG OPERASYON – Good news! Para hindi raw malulong sa sugal ang kanyang mga kababayan, ipinagbawal ni Mayor Vico Sotto ang paglalagay sa mga billboards ng mga advertisements ng iba't ibang uri ng sugal sa Pasig City.

Bad news! Tuloy pa rin ang raket nina alyas "Kits" at "Egay" na mga sugal-lupa na Small Town Lottery (STL)-con jueteng at "lotteng" sa Pasig City.


Para maging makatotohanan ang kampanya ni Mayor Vico laban sa sugal, sana ipa-stop na rin niya ang mga raket na STL-con jueteng at "lotteng" sa Pasig City, period!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 10, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


UTOS NI PBBM NA AGARANG ISABATAS ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY AT PARTYLIST REFORM ACT, BAD NEWS SA MGA 'KAMAG-ANAK INC.' AT SA MGA CONGTRACTOR – Sa pulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC), kabilang ang Anti-Political Dynasty Bill at Partylist Reform Act, binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang kahalagahan na ipasa agad ang mga ito ng Senado at Kamara.


Good news ito para sa mamamayan, ngunit bad news para sa mga sakim sa kapangyarihan—mga "Kamag-anak Inc." sa pulitika at mga "congtractor" na partylist representatives, period!



REMULLA NA MARCOS LOYALIST AT HARRY ROQUE NA DDS, KINUMPIRMANG MAY ICC-WARRANT OF ARREST NA SI SEN. DELA ROSA KAYA LAGOT NA TALAGA SIYA– Kinumpirma na rin ni dating presidential spokesman Harry Roque ang naunang pahayag ni Ombudsman Boying Remulla na may warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) na si Sen. Ronald Dela Rosa kaugnay ng kasong crimes against humanity.


Hala, lagot na lagot talaga si Sen. Dela Rosa! Hindi lang si Remulla, na kilalang Marcos loyalist, ang nagsabing may warrant of arrest siya—pati ang kapwa niya Duterte Diehard Supporter (DDS) na si Roque ay nagkumpirma rin. Boom!



SC DECISION, NAKAKALITO! LABAG SA BATAS SI RALPH RECTO SA PHILHEALTH FUNDS PERO WALA RAW SIYANG PANANAGUTAN – 

Inasatan ng Supreme Court (SC) ang Marcos administration na isauli sa PhilHealth ang

P60 billion sobrang pondo nito dahil unconstitutional daw ang ginawa ng noo'y Finance Secretary, at ngayo'y Executive Sec. Ralph Recto na ilagay ito sa Bureau of Treasury (BTr), gayunman, binigyang-linaw ng SC justices na wala raw itong pananagutan sa batas.


Sa kasaysayan ng SC, ngayon lang sila naglabas ng "magulong" desisyon, kasi sabi nila labag sa batas ang ginawa ni Sec. Recto pero hindi raw ito puwedeng kasuhan dahil wala naman daw siyang dapat panagutan sa batas, tsk!



IMBES IPA-STOP NINA MAYOR BIAZON AT COL. DOMINGO ANG RAKET NA STL-CON-JUETENG SA MUNTINLUPA CITY, NADAGDAGAN PA RAW NG RAKET NA 'LOTTENG' – Dahil dedma lang daw sina Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon at Muntinlupa City chief of police, Col. Robert Domingo sa Small Town Lottery (STL)-con jueteng nina "Touche" at "Jojo" ang ginawa ng umano’y dalawang ilegalistang ito ay dinagdagan pa raw nila ang kanilang raket–ngayon nag-o-operate na rin daw sila ng "lotteng" sa lungsod.


Hay naku! Imbes na ipa-stop nina Mayor Biazon at Col. Domingo ang raket na STL-con jueteng, nadagdagan pa raw ng raket na "lotteng," boom!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 9, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KAPAG ISINAKRIPISYO NI SEN. DELA ROSA ANG KANYANG SARILI, INAKO NA SIYA ANG PASIMUNO NG EJK MAKAKALAYA, MABI-BRING BACK HOME NA SI FPRRD -- Sinabi ni former Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Sereno na may pag-asa raw na maabsuwelto sa kasong crimes against humanity at makalaya sa International Criminal Court (ICC) jail si former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) kung susuko sa ICC si Sen. Ronald Dela Rosa at aakuin niya na siya ang pasimuno sa bloody drug war at walang kinalaman ang ex-president sa mga naganap na extrajudicial killings (EJK) sa Pilipinas.

Kaya’t ang tanong: isakripisyo kaya ni Sen. Dela Rosa ang kanyang sarili para ma-bring back home na si FPRRD? Abangan!


XXX


SA RAMI NG CHINESE NATIONAL NA NANALO SA MGA NAKARAANG HALALAN PATUNAY NA ‘PABAYA’ ANG COMELEC -- Iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang tunay na pagkatao ni Pagadian City Mayor Samuel Co dahil sa impormasyon na peke ang pagiging Filipino nito, na Chinese national ito.


Sakaling mapatunayang Chinese national si Mayor Samuel Co ay pagpapatunay iyan na ‘pabaya’ sa kanilang tungkulin ang mga taga-Comelec dahil may mga Chinese national din na nakalusot sa komisyon, na pinayagang kumandidato at mga nagsipanalo noon, na lately ay napatunayang mga Chinese national pala, tulad nina dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, former Manila Councilor Joey Chua Uy at ex-Catanduanes Gov. Joseph Cua, period!


XXX


MALAPIT NANG MAGING MAGKA-KOSA SA SELDA ANG ‘PORK BARREL QUEEN’ AT ‘FLOOD CONTROL PROJECTS QUEEN’ -- Malabo nang makalabas pa ng kulungan si ‘pork barrel queen’ Janet Napoles dahil hinatulan uli siya ng habambuhay na pagkabilanggo sa isa pa niyang kasong graft at malversation of public funds, at sa kabilang banda naman ay anumang araw mula ngayon, kabilang ang tinaguriang ‘flood control projects queen’ Sarah Discaya sa nakatakda nang dakpin ng mga awtoridad sa kapareho (graft at malversation of public funds) din na kaso.


Kung saka-sakali pala ay malapit-lapit nang maging magka-kosa sa selda ang ‘pork barrel queen’ at ‘flood control projects queen’, boom!


XXX


BAD NEWS SA MGA KURAKOT ANG DEKLARASYON NG SC NA UNCONSTITUTIONAL ANG UNPROGRAMMED FUNDS -- Nagpalabas ng desisyon ang Supreme Court (SC) na unconstitutional ang unprogrammed funds na ipinapaloob sa national budget.


Bad news iyan sa mga kurakot sa pamahalaan dahil hindi na nila magagawa na makapangurakot sa mga isinisingit nilang badyet sa unprogrammed funds, period!

katanggap-tanggap sa publiko na absent siya pero tuloy suweldo niya, period!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page