top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | October 13, 2025



/FB Yassi Pressman & Coco Martin

Photo: FB Yassi Pressman & Coco Martin


Kani-kaniyang hulaan ang mga netizens na nakapanood sa interview ni DJ Chacha kung sino ang aktres na tinutukoy ni Julia Montes na nagkainteres kay Coco Martin. 


Ikinuwento ni Julia na nagkita sila ng aktres, at bumati ito sa kanya ng “Hi po!”

Sabi ni Julia, “Excuse me, magka-batch lang tayo, maka-‘po’ ka naman.” 

Ipinakita rin ni Julia ang expression niya sa pagkikita nila ng aktres.


Well, hindi raw siya plastic at hindi siya showbiz, at ipinapakita niya kung okay sa kanya ang isang tao. Kung hindi niya gusto ang isang tao, hindi niya pinapansin. 


Hindi niya kinausap si girl, tinitigan lang niya para iparamdam niya kung sino siya, dahil sobra-sobra raw ang ginawa nito.


Sa tanong ni DJ Chacha na mabuti’t hindi sila nasira ni Coco sa isyung ‘yun na may nagkagusto sa aktor, sagot ni Julia, “Sorry, girl (sa babaeng umaaligid kay Coco).”


Kasama sa panghuhula ng mga netizens kung sino ang tinutukoy ni Julia Montes, nag-research sila ng edad ng aktres para malaman kung sino ang tinutukoy na ‘ka-batch’ nito. 


Hula ng mga netizens ay si Yassi Pressman na na-issue na rin noon kay Coco Martin. 

Tinawag pa itong ‘ahas’ katulad ng kapatid niyang si Issa Pressman na inagaw daw noon si James Reid kay Nadine Lustre. 


‘Kaloka!



HINDI lang ang pagiging lead ni Dylan Menor sa Viva One series na Project Loki (PL) ang ilo-launch sa nasabing series, ilo-launch din ang tambalan nila ni Jayda Avanzado. 


Based sa reaction ng mga fans na nanood ng Vivarkada sa Smart Araneta Coliseum, tanggap nila ang tambalan ng dalawa. Kinikilig sila dahil pareho raw panalo ang visual nina Jayda at Dylan. 


Hindi mahihirapan ang cinematographer na maghanap ng anggulo, dahil kahit saang anggulo sila kunan, maganda ang lalabas.


Kahit si Xian Lim na director ng series, nagsabing hindi nahirapan ang dalawa na ilabas ang chemistry ng kanilang tambalan dahil kusang lumabas ‘yun. 


Pero inamin ng dalawa na they are working para mas lumabas pa ang kanilang chemistry, para na rin sa ikagaganda ng series.


Kuwento ni Dylan, “Everytime na nagkikita kami sa teaser, look test, photoshoot at workshop, nade-develop ang aming chemistry. We’re just happy. Komportable na akong kasama si Jayda, magaan s’yang kasama. That is a good sign.”


Sabi naman ni Jayda, “In terms of developing our chemistry, sa teaser shoot pa lang, we made it a point to chat. Every time na magkasama kami, nade-develop ang natural na rapport. It helps na we enjoy the same music, nag-uusap kami.”


Magsu-shoot pa lang si Direk Xian ng PL, at pagdating ng taping, very comfortable na sa isa’t isa sina Jayda at Dylan. Na-appreciate ng aktor na si Jayda ang may dala ng birthday cake nang batiin siya ng cast ng happy birthday dahil kaarawan niya noong October 13.


Makakatulong din na walang existing love team sina Jayda at Dylan, kaya walang mga fans na magseselos. Malaking bagay din na pareho silang single dahil walang dyowa na magseselos kapag naging close na sila.



PAHINGA pala muna sa acting si Kyline Alcantara. Gusto muna nitong magpahinga sa pag-arte pagkatapos gawin ang Beauty Empire (BE).


“Ngayon, nagpapahinga muna ako because napakabigat po ng Beauty Empire. Sobrang proud ako sa ginawa namin. Actually ngayon, nandito, kasama ko si Ms. Ruffa (Gutierrez). I’m just so happy that I created a family there,” sagot ni Kyline nang ma-interview sa isang event ni Rajo Laurel.


Focused muna sa kanyang sarili si Kyline habang naghahanda sa projects niya for next year.


“Masaya ang buhay ngayon—growing, evolving every single day. Tennis, nagpa-firing din ako, nagmo-motorbike. Ginagawa ko po ulit ‘yun now na I have more free time,” dagdag ni Kyline.

Marami pang gagawin si Kyline habang break siya sa acting. Pero tatanggap naman siguro siya ng ibang projects aside from acting, gaya ng pagge-guest sa mga concerts. 


Wish ng mga fans nito na bigyan niya ng time ang kanyang singing career. Sayang daw ang ganda ng boses ni Kyline Alcantara kung hindi naririnig ng mas marami.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | October 13, 2025



FB Danica Sotto-Pingris & Vico Sotto

Photo: FB Danica Sotto-Pingris & Vico Sotto



Napa-‘sana all’ ang mga hindi taga-Pasig sa post na Go Bag na ipinamigay ni Mayor Vico Sotto at ng pamunuan nito. Emergency go bag ito at ang laman ay para sa mga pamilya sa Pasig bilang paghahanda sa mga lindol, bagyo at iba pang sakuna.


May mga nag-wish na sana meron din sa lugar nila. It turned out, meron na ring Go Bag sa Quezon City (wala pa kaming natatanggap) at sa San Juan City. 


Pang-emergency ang laman ng bag at gugustuhin mo talaga na makatanggap ka. Ang maganda pa, walang larawan ni Vico o ni QC Mayor Joy Belmonte ang ipinamigay na Go Bag. Hindi pa namin nakita ang Go Bag ng San Juan City.


Sana nga lahat ay meron nito at sa Pasig nga, may sarili ring Go Bag ang mga bata, lalo na ‘yung mga estudyante. 


Baka nga naman sa school sila maabutan ng lindol, kaya kasama sa Go Bag ang hard hat. 


Dapat pala talagang ipagmalaki si Mayor Vico ng kanyang mga constituents.

Anyway, proud ate ni Vico si Danica Sotto-Pingris at tinawag na ‘genuine public servant’ ang kapatid. 


Wish pa ni Danica, “I wish there would be so many Vico Sotto in every municipality. Sana lahat ng mayor ay katulad niya.”



Anak kay LJ, ‘di pa rin madalaw…

PAOLO, NAKAKA-BONDING NA ANG MGA ANAK KAY LIAN



ANG dami na namang natuwa nang makita ang Instagram (IG) post ni Paolo Contis kasama muli ang kanyang mga anak at ang mag-asawang Lian Paz-Cabahug at John Cabahug.


Sey ni Paolo, “My heart is full... Thank you @johncabahug78 and @liankatrina for a wonderful day! Staying at @enchantedmountain.cebu was great, but being with your whole family was the best! Thank you for being such a wonderful host! I am speechless! God is great!”


Sumagot si Lian, “Maraming kuwento pero ang pinakamagandang kuwento ay ang pagpapatawad. Only by the grace of God! Not of our own efforts and time. It is by God’s grace alone.”


May comment din si John, “Our hearts are full also. Grabe ‘yung kwentuhan natin from airport, 3 hour drive until midnight pero bitin pa rin. Thank you also @paolo_contis.”


Sagot ni Paolo, “@johncabahug87 marami pa tayong topics soon! Hahaha!”


Nagpasalamat uli si Paolo kay Lian at natuwa ang mga nakabasa sa convo nila.

Happy ang mga friends ni Paolo Contis na libre na niyang mabibisita ang dalawa niyang anak kay Lian nang walang problema. 


Ang sunod na wish ng mga followers ni Paolo ay makita na rin niya si Summer, ang anak nila ni LJ Reyes na based in New York City. Kapag dumating ang araw na ‘yun, sigurado raw na kumpleto na ang kasiyahan ng aktor.



BINASAG ng mga fans ni Kathryn Bernardo ang mga naniniwalang si Lucena Mayor Mark Alcala ang sumagot sa tanong ng isang netizen sa TikTok kung kailan sila makikita na magkasama.


Sagot ni Mark, “‘Pag wala nang toxic na bashers.”


Ini-like rin ni Mark at pagkatapos ay in-unlike ang comment niya tungkol sa tanong patungkol sa aktres. Masaya na sana ang mga bashers ni Mark dahil may chance na silang ma-bash si mayor, pati na si Kathryn.


Kaya lang, sabi ng fan ni Kathryn, hindi naman si Mark ang may hawak ng TikTok account nito kundi ang kanyang team, kaya balewala ang pamba-bash sa kanya. 


Dagdag pa ng fan, kung si Mayor Mark Alcala ang sumagot sa nagtanong, hindi ‘yun ang kanyang isasagot. May konting finesse at hindi raw ito sasagot kung tungkol kay Kathryn Bernardo.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | October 12, 2025



Romnick Sarmenta

Photo: Romnick Sarmenta / File



Sa kanyang post sa X (dating Twitter), marami ang nakisimpatya kay Romnick Sarmenta nang magbigay siya ng mga pahayag ukol sa napakahabang credits sa pelikula at iniugnay ito sa mga isyu sa hearing sa bansa. 


Ayon sa aktor, “Minsan, may nagtatanong, bakit napakahaba ng credits sa pelikula? Dahil para makilala (ang) mga naghirap sa pagbuo nito.


“Dapat sa hearing, ganu’n din. Para makilala lahat ng nagsitanggap ng mga maleta. Let the credits roll.”


Sinundan pa ng post na, “Mas nakakabilib para sa akin ‘yung magsasabing, ‘Yes, I received kickbacks and percentages, your honor. Sabi po kasi sa akin, ganu’n daw talaga, eh.’ ‘Sino’ng nagsabi sa ‘yo n’yan?’ ‘S’ya po. (Sabay banggit ng pangalan at turo sa nagturo)’. Mas may pag-asa pang mabuo (ang) pagkatao.”


May post din si Romnick tungkol sa nangyaring sunud-sunod na lindol. 

Aniya, “Lord, bless your people. In Davao, in Malate, in Cebu, in Batangas... in the entire archipelago of the Philippines. Because those that lord it over us, are all inept.”


Isa pang post, “More and more, we see who has integrity, and who has none. Ang malungkot, maraming wala, walang integrity, walang moral compass, walang hiya, walang laman, at walang hanggan ang kabuktutan.”


Dugtong pa niya, “It is a clear game of chess... one side trying to outmaneuver the other... The sad part is that the board, these pawns made up of senators, congressmen and contractors, are the Filipino people—left to witness the game without any power to change it. Kailan pa?”


At isa pa, “‘Wag kayong naniniwala sa may mga personal agenda at companies na may sabit. ‘Di ako pala-mention ng pangalan... pero naniniwala ako kay Senator Risa Hontiveros, ha... hindi ru’n sa iba.”


Well, paniguradong marami na namang netizens ang magagalit sa aktor. Hahaha!



MASAYA sigurong manood ng premiere night at mall shows ng cast ng Love You So Bad (LYSB), isa sa 8 official entries sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF), dahil siguradong hanggang doon, magpupuksaan ang mga fans nina Will Ashley at Dustin Yu.


Ngayon pa lang, nagpupuksaan na ang mga fans ng dalawang aktor. Isyu sa kanila kung sino ang mas magaling kina Will at Dustin. Isyu rin na ngayon pa lang may mga pelikula si Will kahit 11 years na sa showbiz, kumpara kay Dustin na bago pa lang, pero may pelikula na’t may acting award pa raw.


Tamang-tama naman ang panalong Best Supporting Actor ni Will sa Manila Film Critics Circle Awards para sa Balota. Proud din ang mga fans ng aktor na dalawa ang entries niya sa MMFF dahil isa rin siya sa mga bida sa Bar Boys: After School (BBAS).


Hoping ang mga netizens na itong ingay ng mga fans ay maging kapalit ng pagiging box-office hit ng LYSB. Patunayan daw ng mga fans nina Will, Dustin at Bianca de Vera na kaya nilang magpa-box office hit. 


Si Mae Cruz-Alviar ang director ng movie na collab ng Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment, malalaking puwersa sa film industry.


Samantala, expected na magbibilangan ng eksena ang mga fans at pag-aawayan kung sino ang mas marami kina Will Ashley at Dustin Yu. Malaking isyu rin tiyak kung kanino mapupunta ang karakter ni Bianca de Vera sa ending. Kantiyawan ito, panigurado, ibang gulo na naman.



‘Di pa raw nakuntento…

YASSI, IMBES GUMANDA, MAS CHUMAKA





HINIHINTAY ang sagot ni Yassi Pressman sa balitang nagparetoke siya ng mukha. Aaminin ba ng aktres o ano kaya ang kanyang isasagot?


Pinagtabi ng mga netizens ang photos ni Yassi, ang before and after daw ipaayos nito ang kanyang mukha at lahat ay nagsasabing mas maganda siya bago nagparetoke.


Tanong nga ng mga netizens, kung totoo mang nagparetoke si Yassi, gusto nilang malaman kung bakit. Maganda na raw siya, bakit ipinabago pa ang kanyang mukha? 


Hindi magkasundo ang mga netizens kung ano ang ipinaayos ni Yassi sa kanyang mukha, binubusisi pa nila.


May nagsabing ang ilong nito ang ipinabago, may nagsabi namang mata, at may naniniwalang ang lips nito ang ipinagalaw. Pero puwedeng lip filler lang at si Yassi Pressman lang ang nakakaalam.


Naku, magagalit nito si Dina Bonnevie, magko-comment na naman na pare-pareho na ng hitsura ang mga artistang nagpapaayos ng mukha.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page