top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | December 28, 2025



BIDA - KRIS, UMOOKEY NA, PISNGI NAGKALAMAN_IG _ging.md

Photo: IG @gingmd



Matagal nang walang update si Kris Aquino. Hindi siya nagpo-post at ang last post niya ay noong November 17. Wala namang Instagram (IG) o Facebook (FB) si Bimby Aquino, kaya walang balita tungkol sa kanyang mom.


Mabuti na lang at nag-post si Dra. Ging Zamora ng photo sa pagbisita niya kay Kris, kaya kahit papaano ay nakita na siya ng mga nagmamahal sa kanya. 


Sa photo na may caption na: “Give love, love, love on Christmas Day,” makikita si Kris na nakahiga sa bed, pero nakangiti. Katabi niya ang isa sa mga doktor na tumitingin sa kanya, at nandoon din si Bimby.


Pinansin ng mga fans ni Kris na maaliwalas ang mukha nito at nagkalaman ang pisngi. Natuwa ang mga nakakita sa larawan at ipinaabot nila ang pagbati ng Merry Christmas at Happy New Year. 


Ipinaabot din nila na tuloy ang kanilang dasal para tuluyan na siyang gumaling.

Ang wish pa nga ng mga fans ay makapag-celebrate si Kris ng kanyang birthday sa February 14, 2026 kasama ang kanyang pamilya at close friends. Gusto nilang makita si Kris na nakatayo habang isine-celebrate ang kanyang birthday.



NAIMBITAHAN kami ni Pilar Mateo sa bagong bahay ni Atty. Vince Tañada sa may Balic-Balic, Sampaloc, Manila. Sana tama ang narinig namin na katas ng kinita ng pelikulang Katips ang ipinampatayo ni Vince sa maganda niyang three-storey house.


High ceiling ang living room at open ito, kaya makikita ang nangyayari sa first at second floor kahit nasa third floor ka.


Sa kuwentuhan, nabanggit ni Vince na tinalikuran na niya ang pagpo-produce at pagdidirek ng pelikula. Malaking disappointment sa kanya ang nangyari sa entry sana niyang Himala sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kaya ang sagot niya kapag natatanong tungkol sa pelikula, “Ayoko nang gumawa ng pelikula. Iniyakan ko ang nangyari sa Himala. Sobrang sakit ang ibinigay sa akin. Focused na lang ako sa stage.”


Busy naman si Vince sa stage at tuloy ang pagpo-produce niya sa pamamagitan ng PhilStagers Foundation. Sa katunayan, tuloy ang staging ng Bonifacio na nagsimula noong July 2025 at tatagal hanggang April 2027.


Itutuloy ni Vince ang Himala sa stage next year at surprise raw ang cast. Whole year din itong magtu-tour, kaya abangan na lang ang formal announcement ng project.


By now, napanood na siguro ni Atty. Vince Tañada ang top three movies na panonoorin daw niya sa 2025 MMFF. Top sa list niya ang I’mPerfect dahil naniniwala siya sa advocacy ni Sylvia Sanchez. Papanoorin din niya ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (SRREO) at Call Me Mother (CMM), pati ang Bar Boys 2: After School (BB2AS) at iba pang entries.





SA media launch ng single niyang Kayong Dalawa Lang, na wedding gift niya kina Kiray Celis at Stephan Estopia, ibinahagi ni Love Kryzl na may new song siyang ilalabas before the year ends. Nag-record na siya ng awitin na may titulong Opo, Thank You Po!


Ayon sa PR na si Cesar Ian Vasquez, interesting malaman ang story behind the song na puno ng pasasalamat. Aabangan daw ang detalye, kabilang kung sino ang composer ng awitin.


Kasama ang kanyang pamilya at ang Purple Hearts Foundation, nagkaroon si Love Kryzl ng Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay.


Tinawag na ‘Purple Hearts Foundation Gives Back’ ang gift-giving na ginanap sa Kryzl Farmland, kung saan 150 kabahayan ang nabigyan at nabiyayaan ng tulong, saya, at makabuluhang samahan.


Nanguna sa gift-giving si Love Kryzl at ang kanyang mga kapatid, na sumali rin sa mga palaro at salu-salo bilang pakikiisa at pasasalamat sa mga biyayang patuloy nilang natatanggap. May raffle pa na ikinatuwa ng lahat. Grocery packages at Purple Hearts Supplements ang ipinamigay.


Kasabay nito, ini-launch ni Love Kryzl ang kanyang new song na Opo, Thank You Po! at ang official music video nito sa kanyang Facebook (FB) page at YouTube (YT) channel. Available na rin ang kanta for streaming sa Spotify.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | December 15, 2025



BIDA - ALDEN AT JULIA, SUPER CLOSE PA RIN KAHIT TAPOS NA ANG MOVIE_FB Alden Richards

Photo: FB Alden Richards



Tama ang hula namin na ang ama niyang si Richard Faulkerson Sr., member ng Alden Richards family, ay guest sa ARXV: Moving Forward Fan Meet to celebrate the actor’s 15th showbiz anniversary. 


Ang gandang pagmasdan ng mag-ama na magkasama sa stage, at habang kinakanta ni Alden ang Supermarket Flowers, ang ama niya ang nag-accompany sa kanya sa piano.

Present din sa fan meet ni Alden ang Lola Linda niya, at sa nakita naming photo, nasa standby area sina Alden at lola niya na kausap naman si Betong Sumaya.


Touching ang dalawang eksena, lalo na at very close sa kanyang family si Alden. Naisip siguro niya na kung buhay ang mom at lolo niya, siguradong kasama rin nila sa kanyang 15th anniversary.


Nanghinayang si Alden na hindi na naabutan ng mom niya ang pagsulong ng kanyang career, lalo na’t ang mom niya ang may gusto na mag-showbiz siya. Maganda lang, kasama ng aktor sa important occasion ng buhay niya ang kanyang mga fans na laging nakasuporta sa kanya.


Special guest din ni Alden ang kaibigan at kumare niyang si Julia Montes. Ikinagulat ni Alden ang pag-apir sa stage ni Julia at akala’y hanggang video message lang ang pagbati nito sa kanya. Ninerbiyos pa nga si Alden dahil nasira ang video greetings ni Julia; ‘yun pala, personal siyang babatiin nito.


“Maraming-maraming salamat for being here,” part ng thank you message ni Alden kay Julia na bumiyahe pa papuntang Sta. Rosa, Laguna. 


Ang ganda ng friendship ng dalawa kahit matagal nang tapos ang movie na pinagsamahan nila at naging daan ‘yun para maging magkaibigan din sina Alden at Coco Martin.


Guests din ang Cup of Joe at cast ng Love You So Bad (LYSB) na sina Bianca de Vera, Dustin Yu, at Will Ashley. May video greetings naman sina Sharon Cuneta at Direk Cathy Garcia at ang mga hosts ng event ay sina Betong at Shaira Diaz.




Sa Dec. 17 na raw…

CARLA, TODO-PABYUTI NA PARA SA KASAL SA DOKTOR



Parang totoo ang balitang malapit na ring ikasal si Carla Abellana sa fiancé niyang si Dr. Reginald Santos, at ang balita pa nga, sa December 17 na ang wedding nila. 


Kung totoo, sa Wednesday na, kaya lang ay parang wala namang ingay… unless, gulatin tayo ng engaged couple.


May nabasa rin kaming comment sa Instagram (IG) ni Carla na, “Lapit na ng wedding, Excited na kami,” na parang galing sa fan ng aktres. 

May nagbiro rin ng “Iba talaga ang ngiti, in love ‘yan?” 

May comment pang “Keep on smiling because you’re engaged.”


Ayon naman sa isang fan, naghahanda na si Carla for her big day dahil nagpunta siya sa Aivee Clinic, at noong isang araw naman ay nasa GAOC Dental. Kinokonek ng mga fans ang pagpunta ni Carla sa skin clinic at dental clinic bilang paghahanda sa kasal nila ng kanyang fiancé.


Malay nga natin at magkatotoo, at kung mangyayari nga, magiging masaya ang mga fans ni Carla Abellana na wish na maging happy ang personal at love life nito dahil deserve raw nito ang happiness sa buhay niya.



HINDI na kailangan ang mahabang caption sa photo ni Dingdong Dantes kasama ang wife na si Marian Rivera. ‘Afters’ lang ang caption sa larawan ng mag-asawa na kuha sa wedding nina Kiray Celis at Stephan Estopia kung saan kabilang sila sa mga ninong at ninang.


Ang sweet ng photo ng mga Dantes. Nakaupo sila, nakahilig si Marian sa balikat ni Dingdong, at nakahawak pa sa braso ng asawa. Nakangiti ang aktres sa larawan; nagpahinga lang siguro ang dalawa at hindi akalain na pupusuan ng marami ang kanilang larawan.


Samantala, nakakatawa ang sagot ni Dingdong sa nagtanong kung kumusta ang tuhod niya after magsayaw at nag-guest sila kasama ang dance group nilang Abztract Dancers sa Sexbomb concert.


Sagot ni Dingdong, “Naku, parang talong na bagong ihaw,” na ikinatawa ng kanyang mga fans. 


May nagpayo sa kanya na gumamit ng Efficascent oil.


Natuwa siguro si Dingdong sa comment na wala pa rin siyang kupas, magaling pa rin siyang sumayaw kahit tini-Tito na siya.


Speaking of Dingdong, nagsimula na siyang mag-taping ng bagong series niya sa GMA na Master Cutter (MC). Ang bagong project ang rason kung bakit mahaba at hindi siya nagpapagupit ng buhok. Interesting malaman kung bakit kailangang mahaba ang buhok ng karakter at role ni Dingdong Dantes sa series na airing sa 2026.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | December 9, 2025



BIDA - SEN. LITO, AYAW NA IBANG AKTOR ANG GUMANAP BILANG SIYA SA LIFE STORY NIYA_FB Lito Lapid

Photo: FB Lito Lapid



HINDI nakakalimot na mag-celebrate ng Kapaskuhan kasama ang press ang mag-amang sina Senator Lito Lapid at TIEZA (Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority) COO (Chief Operating Officer) Mark Lapid. 


Kahapon, naganap ang taunang Christmas party nila kasama ang press at gaya ng dati, napuno ng kumustahan, kuwentuhan, at raffle ang Christmas party ng mag-amang Lapid sa mga kaibigang press people.


Bago ang Q&A, nagpakita muna ng video ng mga lugar sa bansa na pinuntahan ng senador at hinatiran ng tulong. Kung si Lito lang ang masusunod, ang buong Pilipinas ang pupuntahan niya para mabigyan ng tulong ang mga nangangailangan, kaso may problema lang sa logistics.


Nakiusap sina Sen. Lito at Mark na hindi pag-usapan ang pulitika at magkuwentuhan na lang. Iwasan daw muna ang toxic na pulitika na nasunod naman. 


Sa tanong kung may aktor siyang napipili na gumanap na Lito Lapid sakaling gawin ang biopic niya, sey niya, “Nakiusap si Robin Padilla na gawin ang Lito Lapid Story, may kaibigan daw s’yang aktor na gustong gumanap sa akin. Sabi ko sa kanya, ‘‘Wag! Sa mga anak at apo ko ‘yan.’”


Kaya lang, sabi ni Mark, sa mga kapatid niya ay parang walang puwedeng gumanap sa role ng kanilang ama. Sa mga apo na lang daw. 


Ayon naman kay Lito, lahat ng mga apo niya ay gustong mag-showbiz.

Samantala, nalungkot ang press sa inamin ng senador na hanggang ngayon, ang kakulangan sa edukasyon pa rin ang iniisyu sa kanya. Kahit marami siyang nagagawang batas sa Senado, ang kawalan ng college diploma pa rin ang isyu.


“Sa mga anak ko ako bumawi. Sabi ko sa kanila, mag-aral na mabuti para ‘yung naranasan kong pang-aapi sa akin ay hindi ninyo maranasan. Edukasyon ang pamana ko sa mga anak at mga apo ko. Palakpakan natin si Mark, doctorate na s’ya,” pagmamalaki ni Lito.

Bago magtapos ang pagtitipon, ang wish ni Sen. Lito Lapid ay makasama pa rin ang press sa Kapaskuhan sa susunod na taon. 


Sabi naman ni Mark Lapid, “Sana, makasama kayo sa pagbuo ng Lito Lapid Story.



IN-ANNOUNCE na ni Willie Revillame ang opisyal na pagbabalik ng TV show niya sa kanyang Facebook (FB) page, “Ito na ang hinihintay mo! Posible ka nang maging MILYONARYO! Magsisimula na ang WILYONARYO ngayong December 21, Linggo, 8 PM sa WilTV via Cignal Channel 10.”


Sinundan ito ng announcement na, “Simula December 21, araw-araw, may magiging milyonaryo! Narito na ang pinakahihintay ninyo! Magsisimula na ang milyun-milyong papremyo sa WILYONARYO! Abangan ang maagang Pamasko ni Kuya Wil dahil mapapanood na live na live ang WILYONARYO sa WilTV via Cignal Channel 10 simula ngayong December 21, Linggo, 8 PM!”


Mag-register daw ang mga gustong sumali o manood. Visit Wilyonaryo website para mag-avail ng tickets. Hindi na lang daw jacket ang ipamimigay nila.



THIS is one of Heart Evangelista’s sexiest photos so far — side lang ng boobs ang ipinakita at tattoo. Nagustuhan ito ng netizens at marami nga ang naseksihan. 


Nakadagdag daw sa alindog ni Heart ang suot na YSL white dress at muli raw nitong pinatunayan na she looks good and better in white.


Sa isa sa latest post ni Heart, kasama nito ang mom niyang si Cecilia na kagaya niya ay fashionista rin. May nag-suggest tuloy na isama ni Heart ang mom niya sa pag-attend niya ng Fashion Week sa January next year. Sigurado raw na magiging hit ang pagdalo nilang magkasama at marami ang nag-agree.


Sigurado raw na magiging most fashionable duo sila ng mom niya.


Wala pang reaksiyon si Heart Evangelista sa suggestion for her and her mom to attend Fashion Week next year. Ibig sabihin kaya, puwede na siyang rumampa next year abroad? Kapag nangyari ‘yun, siguradong babawi siya nang bongga.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page