top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | September 4, 2025



Karylle - FB

Photo: Atom / IG File



Nag-viral ang tweet ni Atom Araullo laban sa “performative outrage” ng ilang pulitiko na umano’y nakinabang din sa korupsiyon, at agad itong umani ng suporta mula sa mga netizens — kasabay ng paghahanda niya sa launching ng kanyang unang libro, A View From The Ground, sa Manila International Book Fair (MIBF) 2025.


Ang tweet ni Atom, “Ang cringe ng performative outrage ng ibang mambabatas at opisyal natin. Eh, sila naman ‘yung nakinabang sa korupsiyon. Para naman kaming ipinanganak kahapon, mga Mamser (Ma’am at Sir).”


Walang tinukoy na pangalan si Atom at wala ring ibinigay na clue, pero nahulaan agad dahil napanood ang “performative performance” ng isang senador na muntik pang maiyak sa sobrang intense ng mga sinabi, to think na isa siya sa may isyu ngayon.


Nag-agree ang mga netizens na nakabasa sa tweet ni Atom, linis-linisan daw ang karamihan sa mga politicians. 


Sa reaction ng madlang people, galit na sila lalo na sa mga corrupt.

And speaking of Atom, may book launching ito ng kanyang first book na A View From The Ground na magaganap sa Manila International Book Fair 2025. Sa September 14, 2 PM sa SMX Convention Center ang book launching.


Sabi ng UP Press, “Witness stories from the ground, told by one of the most compelling voices of his generation. A View from the Ground is a collection of narrative journalism featuring stories from marginalized communities, accompanied by photographs taken by Atom himself.”



Buking sa pa-baby shower ni Sen. Grace…

LOVI, GIRL ANG IPINAGBUBUNTIS



BABY girl pala ang ipinagbubuntis ni Lovi Poe at kahit wala pang gender reveal sila ng husband niyang si Monty Blencowe, nalaman ang gender ng baby dahil sa baby shower na bigay ng sister ni Lovi na si former Senator Grace Poe.


Pink ang motif ng baby shower, pink ang balloons, may shade ng pink ang cake kaya nalaman na ang gender ng baby. 


Pero abangan pa rin natin ang formal na gender reveal ng parents sa kanilang first baby.

Malaki na ang baby bump ni Lovi, ilang months na kaya ito? Sa isang post sa Instagram (IG), nabanggit nito na buntis na siya nang rumampa sa runway sa Bench, dumalo sa ABS-CBN Ball, nag-shoot ng summer campaign at sumama sa Panagbenga parade.

Sa reels, nag-post si Lovi na malaki na ang tiyan, kumakain ng manggang hilaw at nagwo-workout. Katuwa ‘yung habang ipinapakita ng aktres ang baby bump niya, lumakad sa likod niya ang asawa na parang buntis at pinalaki ang tiyan.


Anyway, may pasilip si Lovi sa international movie na Bad Man (BM) na ginawa niya kasama ang aktor na si Johnny Simmons.


Aniya, “So, this is the project I flew all the way to Alabama for, Bad Man. One of my favorite films of all time is The Perks of Being a Wallflower and to find myself sharing the screen with Johnny Simmons in Bad Man is still something I can’t fully put into words. He’s such a generous actor. I honestly loved every moment doing our scenes together.”



BIRTHDAY kahapon ni Kyline Alcantara at may birthday message ang Kapuso actress sa kanyang sarili.


Sey niya, “Today I pause to celebrate life, not just the years I’ve lived but the strength, courage and faith that have carried me through. I’ve faced challenges, overcome trials, and discovered resilience I didn’t know I had. Every obstacle became a lesson, every struggle a stepping stone, and for that I am grateful.


“I thank God for blessing me with life and guiding me each day. I thank my family for their unconditional love, my friends for their laughter and loyalty, and my supporters and fans for their encouragement and belief in me. Each of you has been a part of my journey, and I wouldn’t be who I am without you.


“This birthday is also a celebration of independence, the freedom to grow, to dream, and to walk boldly into the future with faith and determination. May this new year bring me peace, joy, and endless opportunities to shine.


“Here’s to my growth, to gratitude, and to the chapters yet to be written.”

Belated happy birthday, Kyline!


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | September 3, 2025



Karylle - FB

Photo: Julius Babao Unplugged - YT


Nabasa namin ang Instagram (IG) post ni Louie Heredia patungkol sa interview nina Korina Sanchez at Julius Babao sa Discaya couple at ang sagot ni Korina sa post ni Louie.

Post ni Louie, “Korina Sanchez and Julius Babao are actually heroes! I say this because of their interview with that woman... a can of worms was opened... and now, we are seeing all the different personalities that are involved in it. IF THEY DID NOT INTERVIEW THIS WOMAN... we would never have seen the different personalities involved in this flood control corruption.”


Sinagot ni Korina ang post ni Louie, “We asked them if it was okay to show all the evidence of wealth. They said go ahead, we are transparent.”


Nag-agree kay Louie ang mga netizens at “silver lining” pa nga ang itinawag nila. May nag-comment naman, “We still like you, Ms. Korina, but please next time, don’t give undeserving people a chance to be popular.”


Sa kanyang IG, may mga nagpapasalamat din kay Korina sa interview niya sa Discaya couple at pansin namin, natigil na ang pamba-bash sa kanya. 


May nagpayo sa kanya, “Sometimes you really just have to pray and forgive them. Ikaw na lang iintindi. And for that you have gained my RESPECT! Thank you Korina and @juliusbabao!”


Sagot ni Korina, “Forgiveness.”



SINUNOD ni Edu Manzano ang request ng mga followers niya sa Instagram (IG) na ituluy-tuloy lang niya ang pagpo-post ng memes tungkol sa mga corrupt na tao dahil sunud-sunod na naman ang post nito.


Sa isang post, ginaya niya ang mga anak ng contractors o nepo babies sa pagpo-post ng kanilang OOTD (outfit of the day) na umabot sa $2,820,450 million lahat.

Nakakatawa rin ang sagot ng aktor sa mga nag-comment at sa nagbiro na humingi ng barya. Ani Edu, wala na siyang barya, puro buo.


Sa meme post ni Edu ng Fast and Furious movie na ginawa niyang “Fast and Fallacious: Manila Heist Ride or Hide,” may tagline siyang “Brothers by Flood not by Blood.” 



Pati mga celebrities, nag-e-enjoy sa posts ni Edu at may mga requests pa sila kung ano ang dapat sunod na corruption series na kanyang ipo-post. 


Huwag daw niyang tigilan hanggang hindi nakakarating sa mga corrupt at hanggang walang nakakasuhan at nakukulong.



Aktres, napikon, pumalag sa netizen…

NADINE, TODO-BANAT DAW SA MGA KORUP, NAGPO-PROMOTE NAMAN NG ONLINE GAMBLING



PAGKATAPOS ng ‘nonchalant’, ang ‘performative’ ang favorite word ng GenZ ngayon na ibig sabihin ay “dramatic or artistic performance” na ipinag-react ni Nadine Lustre. 


Sa sagot nito sa netizen, obvious na hindi nito nagustuhan na tinawag na “performative” ang kanyang interview.


Na-interview si Nadine ni MJ Marfori sa News5 tungkol sa controversial flood control projects sa bansa.


Sagot ni Nadine sa interview, “Obviously, people are going to react kasi with everything that’s been going on, the typhoons, the flood, and everything, people are not seeing improvements. So mali talaga. 


“I’m really sad seeing people struggling, going through all of these like losing their homes, their pets, their livelihood just because we cannot find a solution to it. S’yempre, nakakagalit at nakakalungkot na makita na ‘yung ibinabayad na buwis, sa ganu’n lang napupunta. Nakakainis talaga.”


Ang comment ng netizen na ipinag-react ni Nadine ay “100% I don’t hate Nadine, but she gives off huge performative energy. Plus the fact na isa s’ya sa mga big celebrities na nagpo-promote ng online gambling dito sa Pilipinas. But that’s a discussion for another day.”


Nabasa ni Nadine ang comment at sinagot, “There’s nothing performative about that interview. Nakakagalit naman talaga ‘yung sitwasyon ng Pilipinas ngayon. Ano ‘kala mo sa akin, manhid? Lol (laugh out loud) at the ‘I don’t hate Nadine but...’ statement, just admit that you do.”


In fairness kay Nadine, isa siya sa mga celebrities na nagsasalita kapag may nakitang mali sa gobyerno, sa mga politicians at sa mga dapat i-call out. Tama naman ang sagot niya, kaya ipinagtatanggol siya ng kanyang mga fans.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | September 2, 2025



Karen Davila - IG

Photo: Bela Padilla - IG


May 4 million views na ang TikTok video ni Bela Padilla ng POV (point of view) niya tungkol sa pagkayod niya para sa mga “princess,” ang tawag ng mga netizens sa mga anak ng mga kurakot na contractors.


Sa clip na ipinost ng aktres ng 100 Awit Para Kay Stella (100APKS), makikita siyang umaarte na parang eksena sa movie. 


Sa caption nito, nag-react ang mga netizens dahil sabi ni Bela, “POV: Kailangan mo galingan umiyak at masaktan kasi may mga pinapaaral kang mga Disney princess.”

Mabilis nag-viral ang post at nag-comment ang mga netizens na sinagot ni Bela. 


Sa nag-comment na akala niya, mayayaman ang mga artista pero nagtatrabaho sila nang fair, sagot ni Bela, “I work 16-18 hours (excluding travel) 7 days a week.”


Anyway, malapit na ang simula ng showing ng 100 Awit Para Kay Stella na kasama ni Bela sina Kyle Echarri at JC Santos. 



Pinahuhulaan pa lang, inunahan na…

CARLA, IBINUKING NA BUNTIS SI LOVI


[0'pNatawa na lang ang mga fans kay Carla Abellana dahil inunahan nito si Lovi Poe at ang

Bench sa pag-a-announce na preggy ang aktres. 


Nag-post ang Bench ng preggy belly ng isang aktres suot ang underwear line na ine-endorse nito at pahuhulaan pa sana sa caption ang identity ng preggy actress.


Nanguna si Carla sa pagko-congratulate at sabi, “Congratulations, @lovipoe,” bagay na ikinatawa ng mga fans. 


Inunahan daw ni Carla si Lovi at ang asawa nito to announce that they are pregnant. 

Sa caption ng clothing line, wala silang clue na ibinigay.


“Because loving your body means honouring every chapter it writes. This one is a story of change, beauty, and the most intimate kind of love. Soon, we’ll reveal her most radiant transformation yet,” sabi sa caption.


May mga dumepensa naman kay Carla, baka hindi raw nito nabasa ang caption na soon pa ang revelation at baka na-excite lang, kaya binanggit ang pangalan ng aktres. 

May iba pang taga-showbiz na sumunod kay Carla na nag-congratulate sa aktres na hindi binanggit ang pangalan ni Lovi.


Kung may nainis sa ginawa ni Carla dahil nawala ang excitement nila na manghula, mas marami naman ang nagpasalamat sa aktres. Hindi na raw sila nahirapan pang manghula dahil pinangalanan na nito si Lovi Poe.


Congratulations, Lovi! Have a blessed pregnancy journey.


‘Di takot iboykot ng fans nila ni David… 

BARBIE, TODO-LANTAD NA KAY JAMESON


IN fairness kina Barbie Forteza at Jameson Blake, hindi natatakot ma-bash sa sunud-sunod na spotted silang magkasama. 


Lalo na si Barbie, hindi natakot sa galit at banta ng ilang BarDa (Barbie at David) fans nila ni David Licauco na dahil kay Jameson, ika-cancel siya at ibo-boycott ang kanyang mga projects.


Pagkatapos makita sina Barbie at Jameson watching a movie at holding hands na naglalakad, may bago na namang sightings sa dalawa. Mas personal ito dahil isinama ni Jameson si Barbie sa bahay ng lola niya at ipinakilala. 


Ipinost ng mom ni Jameson sa Instagram (IG) ang larawan ng dalawa kasama ang lola ng aktor.


Wala pang post ang mom ni Jameson na kasama niya si Barbie, pero may reels na magkasama sila. 


Kasama naman ni Barbie ang dad niya, kaya meet the mom and lola of Jameson and dad ni Barbie ang nangyari. Na-meet din ng aktres ang iba pang family members ni Jameson.


Ang hinihintay ng mga shippers nila ay dalhin ng aktor si Barbie sa bahay nila sa Pampanga at dalhin ng aktres si Jameson sa bahay nila at ipakilala sa mom niya.

Sabi ng mga fans, FS o fan service ang sweetness na ipinapakita nina Barbie at Jameson dahil streaming simula September 11 sa Netflix ang Kontrabida Academy (KA). Bagay na ayaw paniwalaan ng BarSon fans nina Barbie at Jameson dahil hindi raw pang-FS ang nakikita nila sa dalawa.


May mga BarDa fans na ayaw maniwalang may relasyon sila kahit may ilang sightings na ng holding hands sa dalawa. 


Hintayin na lang natin ang mga susunod pang fun run na sasalihan nina Barbie Forteza at Jameson Blake at ang mga date nilang dalawa na hindi nila itinatago.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page