top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | June 04, 2021




Tanong ng mga netizens, Kapuso na rin ba si Pokwang dahil nag-taping ito sa GMA Annex last Wednesday?


Gusto ring malaman ng mga netizens kung saang show nag-guest si Pokwang na sa ipinost na larawan, nasa background ang main building ng GMA.


Sabi ni Pokwang, “Good morning! Minsan ‘di ko alam talaga kung deserve ko nga talaga lahat ng biyaya at mga dasal na sinasagot mo, Lord God, pero sa pagkakaalam ko, nararapat lang na ika’y pasalamatan sa lahat ng ganap sa aking buhay, maganda man o hindi, dahil alam ko lahat ng ito ay pagmamahal mo ang dahilan kaya naririto ako at nakaka-survive. I love you at salamat po... #Backtowork.”


Winelcome ni Carla Abellana si Pokwang at sabi naman ni Paolo Ballesteros, deserve ng komedyana ang bagong blessing na natanggap. Pero, sa aling show nga kaya nag-taping si Pokwang at masusundan pa kaya ang guesting niyang ito?


Iisa ang sinasabi ng mga friends at followers ni Pokwang na mabuti siyang tao at deserve niya ang blessing na makapagtrabaho sa GMA. Inaabangan ang pagsasama-sama nila nina Eugene Domingo at Ai Ai delas Alas sa isang show.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 03, 2021




Nababalitang baka pati si Piolo Pascual ay lumipat na rin sa GMA Network at si Mr. Johnny Manahan daw ang kausap ng mga bossing.


Pero kung lilipat man daw si Piolo, sa WBR Productions ni Willie Revillame siya pipirma ng kontrata. Dahil ito kay Mr. M na ang sabi, makakatulong ni Willie na patakbuhin ang kanyang production company.


Lumalabas na si John Lloyd Cruz ang unang artista ng WBR Productions at sumunod nga kaya si Piolo?


Ang WBR Productions ang producer ng Wowowin at magpoprodyus ng sitcom nina John Lloyd at Andrea Torres at baka pati pagpoprodyus ng pelikula ay pasukin na rin nito.


Maganda ang deal ng WBR Productions kay John Lloyd, hindi lang siya talent sa mga gagawing projects sa production ni Willie, co-producer din siya at ganito rin tiyak ang magiging usapan nila ni Piolo kapag pumirma ang aktor sa WBR Productions.


May mga nagtatanong lang, ano na raw ang nangyari sa pinirmahang management contract ni John Lloyd sa Crown Artist Management nina Maja Salvador at Rambo Nuñez?


Comment ng mga netizens, parang nawala sa eksena sina Maja at ang laging nababalita at nababanggit ay si Willie Revillame at ang WBR Productions nito.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 02, 2021




Hindi lang pala guesting sa Shopee at sitcom with Andrea Torres ang gagawin ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, balitang gagawa rin ito ng pelikula sa GMA Pictures.


Ang sabi, nakapag-usap na ang aktor at ang president ng GMA Pictures na si Annette Gozon-Valdez para sa posibilidad ng pelikulang gagawin sa GMA Pictures.


Kung matutuloy ngang gumawa ng pelikula sa GMA Pictures si John Lloyd, sino kaya ang kanyang makakapareha? Gugustuhin ng mga fans na si Bea Alonzo ang makatambal ni John Lloyd sa pagbabalik niya sa paggawa ng pelikula.


Sa episode ng Wowowin last Monday, kinumpirma ni Willie na bukod sa guesting ni John Lloyd sa June 6 sa special show ng Shopee, may gagawin siyang isa pang project. Ang clue ni Willie, masaya ang project at makakasama niya ang aktres na si A.T.


“May inaayos kami at ang makakasama niya ay si A.T. Huwag kang mag-alala, hindi ka namin pababayaan,” pangako ni Willie.


Of course, ang A.T. na binanggit ni Willie ay si Andrea Torres at susuportahan daw ng GMA Network ang project. Nabanggit pa ni Willie na kasama si John Lloyd sa magiging producers sa mga gagawin nitong projects.


Kaugnay nito, naghahanap si Direk Bobot Mortiz ng mga bagong writers para sa gagawing sitcom nina John Lloyd at Andrea. Ipinangako rin ni Willie na ia-announce niya ang update sa mga projects na gagawin ni John Lloyd.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page