top of page
IG alfredvargasofficial.jpg
Search

ni Jeff Tumbado @News | June 3, 2026



Jinggoy Estrada at Manuel Bonoan - Senate PH

Photo: Senate PH



Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang arraignment at pre-trial proceedings nina Senador Jinggoy Estrada at dating DPWH Sec. Manuel Bonoan nitong Martes.


Sa halip, itinakda ang pagdinig sa Huwebes ala-1 ng hapon, Hunyo 4, dahil sa mga nakabinbing mosyon at usaping pangkalusugan na iniharap sa korte.


Naghain ang kampo ni Estrada ng ilang mosyon, kabilang ang omnibus motion to quash information at mosyon para sa reinvestigation, at hiniling sa korte na resolbahin muna ang mga ito bago ituloy ang arraignment.


Kalusugan naman ang dahilan ng kampo ni Bonoan sa paghiling ng pagpapaliban. Base sa kanilang pahayag sa korte, kasalukuyang nakararanas ng hypertension ang dating DPWH chief.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | June 3, 2026



Solid Bloc 11 - Sen. Risa Hontiveros

Photo: Solid Bloc 11 - Sen. Risa Hontiveros



Nanawagan ang minority senators ng pagbibitiw ni Senate President Alan Peter Cayetano kasunod ng patuloy na pagliban ng majority bloc sa mga plenary session ng Senado.


"Senate President Alan Peter Cayetano should resign as he has shown that he cannot function as the leader of the Senate," ayon sa mga senador sa isang joint statement.

Binasa ni Sen. Erwin Tulfo ang kanilang pahayag kasabay ng pagharap ng minority bloc sa media.


Anila, hindi maaaring matigil ang Senado sa pagtatrabaho lamang dahil tumatangging mamuno ang presiding officer nito.


Sinabi ng mga senador na sa ilalim ng Rule XIV, Sec. 41 ng Rules of the Senate, maaaring ipagpaliban ng Senate President ang pagsasagawa ng sesyon matapos makipagkonsulta sa Majority Leader at Minority Leader.


“That rule was violated. This is not merely a procedural lapse—it is a direct violation of the Rules of the Senate and a serious disrespect for the institution and the Filipino people," anila.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | June 3, 2026



Alan Peter Cayetano - FB

Photo: Alan Peter Cayetano - FB




Ipinaliwanag ni Senate Pres. Alan Peter Cayetano kung bakit dalawang araw nang hindi pumapasok sa sesyon ang mayorya.


Giit ni Cayetano, ginagamit lang ng mayorya ang isang "parliamentary tool" para matuloy ang mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee at iba pang komite sa Senado.

Nakatakdang magpatuloy ang Blue Ribbon hearing sa Huwebes, June 4


Samantala, nanawagan si SP Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa kalayaan at integridad ng Senado sa gitna umano ng mga panggigipit na kinahaharap ng institusyon.


Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos ipaaresto ng Sandiganbayan Fifth Division si Sen. Jinggoy Estrada.


“The Senate is a co-equal branch of government. It is not a prize to be claimed — by anyone,” ani Cayetano.


Kasabay nito, binanggit din ni Cayetano ang sunud-sunod na pressure at mga bantang pagpaparesto pa sa mga miyembro ng mayorya, kabilang sina Senators Francis “Chiz” Escudero, Rodante Marcoleta, at Joel Villanueva. 


Sa halip umano na ang mga mastermind sa flood scam na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways sa pangunguna ni Henry Alcantara ang ipakulong ay mga senador na ang target. 


Ayon pa kay Cayetano, nasa kamay ng bawat senador kung paano nila poprotektahan ang institusyong kanilang kinabibilangan sa gitna ng kasalukuyang mga hamon. 


“The door is open. What you do with it is yours to answer — to this institution, and to the people watching it,” pagtatapos nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page