top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al
Search

by Cristine Marish Rivera @News | March 2, 2026



OFW Repatriation - Department of Migrant Workers

Photo: Department of Migrant Workers



Tinatayang mahigit 80 Pinoy na ang humiling ng repatriation sa gitna ng lumalalang tensyon sa Middle East, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).


Samantala, sinabi naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na hindi pa posible sa ngayon ang pagsasagawa ng repatriation dahil sarado pa ang airspace sa Dubai kaya’t ililipat muna sa mas ligtas na lugar ang mga Pilipinong gustong umuwi.


 
 

ni Mylene Alfonso @World News | March 2, 2026



Lugar ng pagsabog sa Manama, Bahrain nitong Pebrero 28, 2026 - Reuters

Photo: Ang lugar ng pagsabog sa Manama, Bahrain nitong Pebrero 28, 2026 - Reuters



Inihayag ng ilang bansa sa Middle East na tinarget sila ng Iranian missiles nitong Sabado matapos mangako ang Tehran na gaganti sila sa ginawang pag-atake naman sa kanila ng Amerika at Israel.


Iniulat ng state media sa United Arab Emirates na isang tao ang nasawi sa Abu Dhabi, ngunit walang ibinigay na detalye.


Ang Kuwait, Qatar, UAE, at Jordan — na pawang may base militar ng US — ay nagsabing naharang nila ang mga missiles ng Iran.


Kinumpirma ng Bahrain ang isang pag-atake sa loob ng teritoryo nito at sinabing tinamaan ang isang service center ng US Fifth Fleet. 


May nakita rin na mga fighter jet na umiikot sa paligid ng Yas Island sa Abu Dhabi noong Sabado ng hapon.


Sa Qatar, sinabi ng militar sa isang pahayag na na-intercept nila ang mga missile ng Iran bago pa man ito makarating sa kanilang teritoryo. Ilang sunud-sunod na pagsabog ang narinig sa kabisera ng Qatar na Doha.


Sinabi naman ng Kuwaiti military na naharang nila ang missiles ng Iran sa himpapawid, habang sinabi ng Jordan na napabagsak nito ang dalawang ballistic missile ng Iran.





Iskul binomba, 100 patay


NASAWI ang hindi bababa sa 108 katao matapos ang umano’y isang malakas na pagsabog sa loob ng isang paaralan sa Iran.


Naganap ang insidente kasabay ng sunud-sunod at malawakang air strike ng United States at Israel laban sa naturang bansa noong Sabado.


Tinawag naman ni Iranian President Masoud Pezeshkian ang insidente bilang isang “barbaric act” at “another black page in the record of countless crimes committed by the aggressors.”


Gayunman, wala pang kumpirmasyon ang US at Israel hinggil sa umano’y pag-atake sa paaralan na matatagpuan malapit sa isang base ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC), na isa sa mga target ng mga air strike.





Dubai Airport, Burj Al Arab Hotel, sapul sa drone attack


NAGTAMO ng pinsala ang Dubai International Airport at ang iconic na Burj Al Arab hotel matapos ang overnight retaliatory attacks ng Iran na umabot sa iba’t ibang bahagi ng Gulf.


Apat ang sugatan sa paliparan habang nasunog ang bahagi ng panlabas na facade ng hotel dahil sa debris mula sa na-intercept na drone.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | March 2, 2026



Inday Sara Duterte / File

Photo: Inday Sara Duterte / File



Babawiin ng Tindig Pilipinas ang ikalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte at sa halip ay susuportahan ang ikatlong reklamo na inihain ng mga religious group at abogado.


Ayon sa grupo, layunin nitong pag-isahin ang suporta upang mapabilis ang proseso sa Kamara at maiharap agad ang kaso sa Senado para sa paglilitis.


Samantala, nangako ang House Committee on Justice na magiging patas at transparent sa pagtalakay ng mga reklamong impeachment laban kay VP Sara.


Ngayong araw, inaasahang sisimulan ng komite ang pagdinig upang tukuyin ang sufficiency in form and substance ng mga reklamo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page