top of page
Search

ni Gina Pleñago | May 5, 2023



ree

Sinuspinde muna pansamantala ni Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang ang pagbisita sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa 48 preso ang nagpositibo sa COVID-19.


Batay sa isinumiteng ulat ni Dra. Maris Cecilia Villanueva, director ng BuCor Health Services, sa 402 na preso na sumailalim sa COVID test nitong Mayo 2 ay 32 ang nagpositibo at sa sumunod na araw ay 16 pa ang positive.


Napag-alaman na nasa 18,000 PDLs ang nasa maximum compound at sa ngayon ay patuloy ang contact tracing ng health department ng NBP.


Bukod sa NBP, pansamantalang sinuspinde rin ang dalaw sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.


Tiniyak din ni Villanueva kay Catapang na 99 porsyento ng PDLs ay mga bakunado na at 94% naman ang naka-booster.


“Two years na tayong walang kaso ng Covid -19, most likely nahawa and ating PDLs sa dumalaw sa kanya,“ ayon kay Villanueva


 
 

ni Lolet Abania | January 17, 2022


ree

Tatlong inmates ang nakatakas sa maximum security compound ng New Bilibid Prison ngayong Lunes ng umaga, ayon sa Muntinlupa police.


Tatlong jail guards at isang inmate naman ang nasugatan sa insidente, matapos silang paputukan ng baril ng mga inmates habang papatakas ang mga ito.


Agad na dinala ang mga biktima sa Ospital ng Muntinlupa para gamutin.


Kinilala ang tatlong nakatakas na inmates na sina Pacifico Adlawan, convicted sa kasong frustrated homicide at paggamit ng droga; Arwin Bio, convicted sa kasong murder at attempted murder; at Drakilou Falcon, convicted sa kasong robbery with homicide.


Sa inisyal na report mula sa Muntinlupa Police, naganap ang insidente alas-1:20 ng madaling-araw ngayong Lunes.


Agad na nagsagawa ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng follow-up operations para sa ikadarakip ng mga pumugang bilanggo.


Samantala, isa sa tatlong inmates na nakatakas mula sa maximum security sa NBP ang nabaril at napatay sa ginawang manhunt operations ng mga awtoridad.


Ayon kay Bureau of Corrections spokesperson Gabriel Chaclag, ang nasawing inmates ay si Pacifico Adlawan, 49, ng Surigao del Sur. Nasentensiya ito sa kasong frustrated homicide at drug use.


Sinabi ni Chaclag, nakita ng mga awtoridad ang suspek na tumatakbo patungo sa isang creek malapit sa Muntinlupa-Cavite Expressway subalit nakorner nila si Adlawan.


“Our government forces were forced to retaliate and after some time, they neutralized the gunman who was later identified as one of the PDL escapees who bolted the MaxSeCom prison earlier at dawn today,” sabi ni Chaclag.


Narekober sa suspek ang isang 9mm pistol na may live bullets at mga basyo nito. Sinabi ni Chaclag na nagtamo naman ng minor injuries sa panig ng gobyerno.


Sa ngayon, pinoproseso na ang lugar ng engkwentro ng Philippine National Police Crime Lab SOCO team.


Gayundin, ani opisyal nagsasagawa na ng clearing operations sa ilang bahagi ng NBP Reservation. Patuloy naman ang mga awtoridad sa paghahanap sa dalawa pang nakatakas na inmates.

 
 

ni Lolet Abania | January 3, 2022


ree

Patay ang tatlong inmates habang 14 iba pa ang nasugatan matapos ang isang riot na naganap sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, nitong Linggo ng gabi.


Ayon sa kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag, pasado alas-6:00 ng gabi nagsimulang mag-riot ang mga persons deprived of liberty (PDLs).


“Nagsimula lang daw ito sa kantiyawan at may pumutok na po na improvised shotgun at doon na po nagsimula ang kaguluhan,” ani Chaclag. “Kanya-kanyang self-defense na ang kanilang ginawa.”


Agad namang napahinto ng mga jail guards ang riot ng mga inmates, subalit umabot ng halos isang oras bago tuluyang nakontrol ang kaguluhan.


Pitong inmates, ang nagsimula umano ng riot na ayon sa BuCor ay nakatakda na nilang siyasatin.


Nakuha sa mga inmates ang mga improvised pistons o “sumpak” at iba’t ibang bladed weapons.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page