top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 2, 2021



Ipinaaalis ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Netflix ang episodes ng spy drama “Pine Gap” na makikita ang nine-dash line ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.


"After a thorough review, the Board ruled that certain episodes of Pine Gap are 'unfit for public exhibition.' The MTRCB also ordered the immediate pull-out of relevant episodes by its provider, Netflix Inc, from its video streaming platform," pahayag ng Department of Foreign Affairs nitong Lunes.


Ang nine-dash line na mapa na ginawa ng China ay sumasakop sa halos buong South China Sea, kabilang ang mga teritoryong sakop ng Pilipinas, at maging ng iba pang bansa.


"The portrayal of the illegal nine-dash line in Pine Gap is no accident as it was consciously designed and calculated to specifically convey a message that China’s nine-dash line legitimately exists," ayon pa sa DFA.


Ang "Pine Gap" ay isang Australian television series na inilabas ng Netflix at unang napanood sa ABC noong 2018.


Wala pang pahayag ang Netflix hinggil sa usaping ito.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 5, 2020




Mukhang hindi lulusot sa Senado ang proposal ng pinuno ng The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Ms. Rachel Arenas na isailalim na rin sa ahensiya ang pag-regulate ng video content sa mga streaming platforms tulad ng Netflix dahil sa kabila raw ng dapat unahing isyu ay itong streaming platforms ang naisip ng chairwoman.


Base sa pahayag ni House of Representatives Speaker Alan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros, “mind-boggling at ridiculous” ang gustong mangyari ng MTRCB.


Dagdag pa niya, “This is the kind of bureaucratic thinking that gives government workers a bad name. Ang dami na ngang problema ng mga kababayan natin, tapos, ito pa ang gustong unahin ng MTRCB?


“If they really want to be relevant at this time, sana ang iniisip is kung paano makakatulong sa pagpapa-improve ng industriya dahil napag-iwanan na tayo ng ating Asian neighbors.


“Ang irony pa rito, while Congress and other government agencies are doing everything it can to open up lines of communication with the public, and increase transparency, MTRCB is focused on the outdated mindset of information regulation and censorship.


“What makes this even mind-boggling is that, in the first place, wala naman sa jurisdiction ng MTRCB ang Netflix and other on-line content.


“Presidential Decree 1986, which was granted powers to the MTRCB, limited its scope to motion pictures, television programs and commercials intended for public exhibition in theaters and television, walang Netflix diyan.


“Kasi nga, this law was crafted before the commercial use of the internet and that medium has since grown by leaps and bounds.


“So, hindi ko alam kung bakit biglang pumasok ito sa usapan. But anyway, since budgeting naman ngayon, Congress will give them a chance to explain how they came up with this ridiculous idea.”


Sumulat kasi si Ms. Arenas sa Senado na magpasa ng bagong law na mabibigyan sila ng powers na pasukin ang streaming online tulad ng Netflix.


Ang paliwanag ng hepe ng MTRCB sa panayam nito sa Teleradyo, “It’s not to curtail their freedom, it's actually to empower our viewers especially now 'yung mga tao, karamihan (majority) are working from home.


“In fairness with them, they’re willing to collaborate and cooperate with us. They agreed naman that they’re going to look at our guidelines and I assured them that we’re not going to give you a hard time.”


Sisiguraduhin pa ng MTRCB chief na hindi sila tutulad sa South Korea na sobrang higpit at pakikinggan daw ang mungkahi ng publiko.


“Iba-iba ang kultura ng bawat bansa (culture is different in every country), [in South Korea] they review every material that comes out in Netflix that’s why delayed sila ng 6 months or even a year.


"'Yung sa akin kasi, I don’t want na 'pag naririnig nila ang MTRCB, nega na agad. Parang galit sila agad. Iba naman ang MTRCB ngayon, the times have changed,” say pa ni Ms. Arenas.


Samantala, hindi lang si Speaker Alan Cayetano ang umalma sa panukalang ito ng MTRCB kundi maging ang mga kilalang filmmakers at producers din.


Ayon kay Direk Yam Laranas, “They have no right and it is not under their mandate. All these streaming platforms have their own stamp of ratings for specific audiences’ age group. These are international streaming platforms/companies that will not adhere to any local ratings or censorships. The MTRCB is just finding new ways to make a living since ABS and the movie houses are closed. This is a futile and desperate move.”


Sa sobrang anghang ng pahayag ni Direk Yam, hindi kaya mapag-initan ang mga pelikula niya kapag naging normal na ang showbiz?


“Pakialam ko sa kanila! Naniniwala ako na maraming reviewers sa MTRCB na right minded and fair,” mabilis nitong sabi.


“Ganito ang magiging scenario, ayon sa mga streaming companies, 'Ayaw n'yo sa amin? Eh, alis na lang kami. Business and livelihoods lost.’”


Oo nga, naisip kaya ito ng MTRCB na posibleng mawala ang Netflix sa bansa? Ang laking tulong pa naman nito sa mga pelikulang lokal dahil nagkaroon sila ng venue na maipalabas lalo na’t hindi ito nagtagal sa mga sinehan, na sa madaling sabi, hindi kumita.


At may pagkakataon ding mapanood ang mga kumitang pelikula nang ilang beses.

Sumang-ayon sa amin si Direk Yam, “'Yun na nga. Kaya, wait na lang sila 'pag open na ang mga suking sinehan. Maliit na market ang Pilipinas kaya 'wag masyadong OA. Kasi, these streamers, may sariling code of conducts or quality control. Meron na silang sariling recommended ratings for every show.”


Ang mga pelikula ni Direk Yam na nasa Netflix na ay Aurora ni Anne Curtis (Netflix worldwide), Abomination (iTunes US), The Road (iFlix), at The Echo (Shudder US).

Para kay Direk Perci M. Intalan ng IdeaFirst Company ay malabong magawa ito ng MTRCB dahil maraming content.


“Hmmm, parang impossible kasi to do it fairly. Una, ang daming content. Pangalawa, maraming galing sa ibang bansa. Hindi naman puwedeng hindi applicable to all. Radio nga, hindi covered ng MTRCB dahil din sa dami,” sabi ni Direk Perci.


Suki ng Netflix ang IdeaFirst Company kasama ang co-producer nitong Viva Films at Regal Entertainment dahil marami-rami silang pelikulang umeere sa Netflix tulad ng The Girl Allergic Sa WiFi, Sleepless, Distance, Die Beautiful, Born Beautiful, Unforgettable, UnTrue, My Fairy Tail Love Story, Mr. and Mrs. Cruz, Pambansang Third Wheel, Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend.


'Kaaliw ang sagot ni Direk Sigrid Andrea Bernardo na ang mga pelikula niya ay nasa Netflix na rin tulad ng Kita Kita, Untrue at Mr. and Mrs. Cruz.


Ang mataray na sabi ng direktora, “Tigilan na nila kamo ‘yan. Pag-aralan muna ang mga hakbang na ginagawa. Hindi ‘yung kung anu-ano ang naiisip. Nakakahiyang desisyon ‘yan!”


Bukas po ang pahinang ito para kay Binibining Rachel Arenas.

 
 

ni Lolet Abania | September 3, 2020




Hiniling ng Movie, Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Senado na payagan ang ahensiya na salain ang mga pelikula at TV series na ipinapalabas sa Netflix, Amazon Prime at iflix, kung saan anumang nilalaman ng motion picture ay dapat na saklaw ng mandato ng ibibigay na rating at nasa ilalim ng kanilang hurisdiksiyon.


Ayon kay Atty. Jonathan Presquito, Legal Affairs Division chief ng MTRCB, kinakailangan na i-regulate ang nasabing platforms upang masiguro na sumusunod ang mga ito sa panuntunan ng ahensiya.


"But all of those movies, Mr. Chair, unrated po 'yun, eh. And when the entity is registered with MTRCB, three things ang puwedeng mangyari na maa-assure natin ang ating viewers. First, 'yung napapanood ay age appropriate. Second, wala pong prohibited content na makikita and third, 'yung ipinapalabas ay mismong authorized 'yung distributor," sabi ni Presquito sa pagdinig kanina sa Senate Committee on Trade.


Ninanais din ng MTRCB na ipagbawal ang mga hindi nararapat na mapanood mula sa mga naturang video streaming services.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page