top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 22, 2026



Oklahoma City Thunder

Photo: Oklahoma City Thunder


 


Laro ngayong Biyernes - MSG

8 AM Cleveland vs. NY


Pantay na sa 1-1 ang Western Conference Finals ng 2026 NBA Playoffs nang bawian ng World Champion Oklahoma City Thunder ang bisitang San Antonio Spurs, 122-113, kahapon sa Paycom Center. 


Bago ang laro, pinarangalan si kabayan Dylan Harper ng Spurs bilang bahagi ng All-Rookie First Team.


Sa kasamaang palad, sumakit ang binti ni Harper na may 4:50 pa sa pangatlong quarter at hindi na bumalik. Nagtapos siya na may 12 puntos bilang kapalit ni De'Aaron Fox na dalawang laro na lumiliban dahil napilay ang bukong-bukong.


Nanatiling dikit ang laro at nagbanta ang Spurs, 97-99, at siyam na minuto sa orasan. Sinagot ito ng 11 sunod-sunod na puntos upang lumayo ang OKC, 110-97, at inalagaan ito ng mabuti sa nalalabing 6:38.


Umangat si MVP Shai Gilgeous-Alexander para sa 30 puntos. Anim na kakampi ang nag-ambag ng 10 o higit sa gitna ng paglaro ng pitong minuto lang ni Jalen Williams sa unang quarter dahil sumakit ang singit.


Nanguna sa Spurs si Stephon Castle na may 25. Sumunod sina Devin Vassell na may 22 at Victor Wembanyama na may 21.


Kasama ni Harper na mga pinakamahusay na baguhan sina Rookie of the Year Cooper Flagg ng Dallas, Kon Knueppel ng Charlotte, VJ Edgecombe ng Philadelphia at Cedric Coward ng Memphis. Binubuo ang Second Team nina Ace Bailey ng Utah, Jeremiah Fears at Derik Queen ng New Orleans, Collin Murray-Boyles ng Toronto at Maxine Raynaud ng Sacramento.


Si Harper na ang pangatlong kababayan na hinirang para sa karangalan na maaaring mapagwagian ng isang beses lang. Sinundan niya sina Gilas Pilipinas Jordan Clarkson noong 2015 para sa LA Lakers at NBTC Jalen Green noong 2022 sa Houston.


Aalamin pa ang lagay nina Harper, Fox at Williams para sa Game 3 sa Sabado sa Frost Bank Center. Doon din gaganapin ang Game 4 sa Lunes at babalik sa Paycom para sa Game 5 sa Mayo 27. 

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 21, 2026



New York Knicks - FB

Photo: New York Knicks - FB



Laro ngayong Huwebes - Paycom

8:30 AM SA vs. OKC


Milagrong humabol ang New York Knicks upang maisalba ang 115-104 overtime tagumpay sa bisitang Cleveland Cavaliers sa matinding simula ng Eastern Conference Finals ng 2026 NBA Playoffs kahapon sa Madison Square Garden. Ipinagpag ng Knicks ang 9 na araw na pahinga para sa importanteng 1-0 sa seryeng best-of-seven.


Kahit pagod mula sa sinagad na pitong laro kontra Detroit Pistons, hawak ng Cavs ang 93-71 lamang at 8 minuto ang nalalabi. Biglang pumukpok ang Knicks hanggang ipilit ng buslo ni Jalen Brunson ang overtime na may 19 segundo sa orasan, 101-101.


Sa dagdag 5 minuto, humataw ang NY para sa unang 9 na puntos, 110-101 at inabot ng mahigit 3 minuto bago naka-shoot ang Cavs. Sinelyuhan ni OG Anunoby ang panalo sa limang free throw sa huling 1:19.


Naghilom na ang pilay sa singit ni Anunoby noong huling serye kontra Philadelphia 76ers at ipinasok ang siyam ng kanyang 13 sa overtime. Umapoy si Brunson para sa 38 habang 18 si Mikal Bridges.


Nanguna sa Cleveland si Donovan Mitchell na may 29. Parehong 18 sina James Harden at Evan Mobley.


Sisikapin ng World Champion Oklahoma City Thunder na bumawi ngayon sa bisitang San Antonio Spurs sa Game 2 ng Western Finals ngayong Huwebes. Naagaw ng Spurs ang unang laro sa doble overtime, 122-115.


Samantala, maghahanap ng bagong head coach ang Dallas Mavericks matapos makipagkasundo kay Coach Jason Kidd na hindi na siya babalik. Limang taon si Coach Kidd kung saan umabot ang Mavs sa 2024 Finals laban sa kampeon Boston Celtics at may kabuuang pantay na 205-205 panalo-talo.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 20, 2026



Mahigpit ang bakbakan ng dalawang bida ng semis na sina Victor Wembanyama at Shai Gilgeous-Alexander sa laban ng San Antonio Spurs at OKC Thunder sa NBA playoffs season kahapon.

Photo: Mahigpit ang bakbakan ng dalawang bida ng semis na sina Victor Wembanyama at Shai Gilgeous-Alexander sa laban ng San Antonio Spurs at OKC Thunder sa NBA playoffs season kahapon. (Joshua Gateley / Getty Images)



Laro ngayong Miyerkules - MSG

8 AM Cleveland vs. NY


Dumaan sa dobleng overtime bago nakamit ng bisitang San Antonio Spurs ang mahalagang 122-115 panalo sa World Champion Oklahoma City Thunder sa pagbubukas ng Western Conference Finals ng 2026 NBA Playoffs kahapon sa Paycom Center. Ito na rin ang unang talo ng Thunder matapos walisin ang naunang dalawang serye sa Phoenix Suns at Los Angeles Lakers.


Bumida sa pangalawang overtime si Victor Wembanyama na ipinasok ang unang 4 na puntos, 112-108 at hindi na nila binitiwan ito. Mula roon ay salitan sila ni kabayan Dylan Harper sa pagbuhos ng puntos na tinuldukan ng dalawang paniguradong free throw ni Harper na may 15 segundong nalalabi, 122-114.


Si Wemby ang nagtakda ng unang overtime sa tres na may 27 segundo sa orasan, 108-108. Sumaksak si MVP Shai Gilgeous-Alexander para itabla ang mainitang laban sa huling 3 segundo ng ika-4 na quarter, 101-101 at kumpletuhin ang kanilang paghabol mula 87-77 sa nalalabing 9 na minuto.


Nagtala ng 9 ng kanyang halimaw na 41 puntos sa pangalawang overtime si Wembanyama na may kasamang 24 rebounds. Sumunod si Harper na nagpatak ng 24, 11 rebounds, 6 assists at 7 agaw.


Nanguna sa OKC si Alex Caruso na may 31. Nag-ambag ng 26 si Jalen Williams at 24 si SGA.


Masasabing hawak ng #2 Spurs ang numero ng #1 Thunder. Sa kanilang 5 tapatan noong regular season, wagi ang Spurs sa apat.


Samantala, magsisimula ang Eastern Conference Finals ngayong araw sa pagdalaw ng Cleveland Cavaliers sa New York Knicks. Galing ang Cavs sa nakakapagod na 7 laro kontra Detroit Pistons habang may mahabang pahinga ang Knicks na na-blangko ang Philadelphia 76ers.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page