top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 20, 2023




Aabangan ng susunod na henerasyon ng mga superstar ng NBA sa pagdaos ng 2023 NBA Rookie Draft ngayong Biyernes (petsa sa Pilipinas) mula sa Barclays Center ang tahanan ng Brooklyn Nets. Nakatutok ang pansin sa 7’3” at 19 anyos na sentro na si Victor Wembanyama ng Pransiya na malakas ang posibilidad na kunin na numero uno ng San Antonio Spurs subalit hindi pa ito katiyakan.


Kung magbabago ng isip ang Spurs, nandiyan sina point guard Scoot Henderson ng G League Ignite o forward Brandon Miller ng University of Alabama. Tiyak na agad kukunin ng pangalawang pipili Charlotte Hornets at pangatlo Portland Trail Blazers ang hindi kukunin ng San Antonio sa nabanggit na tatlo.


Ito ang ikatlong beses na pipili ng numero uno ang Spurs matapos ang 1987 para kay David Robinson at 1997 para kay Tim Duncan na parehong nasa Naismith Basketball Hall of Fame. Ang dalawang higante ay naging magkakampi sa unang dalawang kampeonato ng prangkisa noong 1999 at 2003 at dumagdag pa si Duncan ng tatlo noong 2005, 2007 at 2013 matapos mag-retiro si Robinson kasunod ng pangalawang kampeonato.


Kahit nakalista bilang sentro, kaya ni Wembanyama na kumilos parang guwardiya at forward. Siya marahil ang kailangan ng Spurs matapos magtala ng kartadang 22-60 at hindi napabilang sa playoffs sa ika-apat na sunod na taon.


Malaki din ang posibilidad na mapanood si Wembanyama sa 2023 FIBA World Cup subalit kailangan muna makalusot ang mga Pranses sa group stage nila na gaganapin sa Indonesia bago tumuloy ng Pilipinas para sa playoffs. Dating kasapi siya ng Under-16 at Under-19 at inakyat sa Seniors noong nakaraang Nobyembre para sa World Cup Qualifiers.


Samantala, may parating na malaking palitan ng manlalaro at kukunin ng Phoenix Suns si Bradley Beal mula Washington Wizards para kay Chris Paul at Landry Shamet. Maaaring hindi pa tapos ang transaksyon at hindi tatagal si CP3 sa Wizards dahil nais niyang mag-kampeon bago mag-retiro.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 18, 2023



Magsilbi sana itong aral para sa lahat ng atletang propesyunal na bantayan ang lahat ng kanilang pampublikong kinikilos lalo na sa social media. Pinatawan si All-Star Ja Morant ng Memphis Grizzlies ng parusang suspensiyon sa unang 25 laro ng parating na 2023-2024 NBA matapos siyang muling nagpalabas ng bidyo na may hawak na baril.

Ito na ang pangalawang paglabag ni Morant na suspendido ng pinagsamang 9 na laro ng sariling koponan at ng liga noong Marso bunga ng bidyo na kinunan sa isang club sa Denver noong dumayo ang Grizzlies sa World Champion Nuggets. Ang bagong bidyo ay lumabas noong Mayo 13 kung saan hawak niya ang baril kasama ang ilang kaibigan sa isang party sa Memphis.

Maaaring sa Disyembre na makababalik-aksiyon si Morant subalit bawal din siyang sumali sa ensayo o kahit anong aktibidad ng Grizzlies. Kakaltasan din ang kanyang suweldo ng tinatayang $300,000 (P16.7M) bawat laro o kabuuang $7.5M (P418.3M).

Samantala, nagpasya ang alamat na si Michael Jordan na ibenta na ang kanyang pagmamay-aring Charlotte Hornets sa grupo ng mga mamumuhunan sa pangunguna ng mga negosyanteng sina Gabe Plotkin at Rick Schnall. Mananatili pa rin siya na may maliit na bahagi ng koponan na binili niya noong 2010 noong ang kanilang pangalan ay Charlotte Bobcats.

Hindi binanggit ng opisyal na pahayag ng Hornets kung magkano inabot ang transaksyon. Ayon sa ilang nakakaalam sa negosasyon, maaaring kikita si Jordan ng $2B (P111.55B) pero hudyat na rin ito ng pagkawala ng nag-iisang may-ari sa NBA na Aprikanong-Amerikano.

Sa kasamaang palad, hindi natumbasan ni Jordan ang kanyang husay bilang manlalaro sa kanyang bagong papel bilang may-ari at tagapangasiwa ng koponan.


 
 

ni MC @Sports | June 17, 2023




Ilang beses na sinuntok ni Conor McGregor ang Heat Mascot malapit sa courtside sa laro noong Hunyo 9 matapos makibahagi sa isang halftime promotional act.

Naisugod sa emergency room ang mascot na si Burnie at pagkaraan ay pinauwi, may dalang gamot sa pananakit, ayon sa ulat.

Nahaharap sa akusasyon ang UFC star na si Conor McGregor na ginawa umano niyang sekswal abused sa isang babae sa isang palikuran sa arena pagkatapos lamang ng Game 4 ng NBA Finals sa Miami, ayon sa TMZ noong Huwebes.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado, nagpadala ang babae ng mga demand letter sa fighter sa NBA at sa Miami Heat na naghahanap ng kasunduan bilang kapalit ng legal na aksyon, ayon sa ulat. “We are aware of the allegations and are conducting a full investigation,” sabi ng Heat sa isang pahayag. “Nakabinbin ang resulta ng pagsisiyasat, hindi namin pipigilan ang karagdagang komento.”

Sa mga liham, sinabi ng abogado ng babae na si Ariel Mitchell at ang security para sa parehong koponan, isang babae ang nasa isang banyo kung saan naghihintay si McGregor at ang kanyang security guard.

Pagkatapos, isinulat ni Mitchell, “agresibong hinalikan” ni McGregor ang babae habang pinipigilan ng seguridad ang lahat sa labas ng banyo.

Pagkatapos ay pinilit siya ni McGregor na makipagtalik sa bibig at habang sinusubukan niya ang higit pang sekswal na aktibidad, siniko siya ng babae nang paulit-ulit at nagawang makatakas, ayon kay Mitchell.

Iniulat niya ang umano’y pag-atake sa pulisya sa Florida noong Hunyo 11. Sinabi ng mga kinatawan ng McGregor sa TMZ na mali ang mga paratang. “Hindi matatakot si Mr. McGregor,” dagdag pa nila. Sinabi ng mga opisyal ng UFC sa TMZ na alam nila ang mga paratang.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page