top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 22, 2025



  • Shai Gilgeous Alexander - NBA

Photo: Kapuna-punang nakalalamang sa atletismo ang Oklahoma City Thunder sa pangunguna ni Shai Gilgeous Alexander kaysa sa Minnesota Timberwolves sa Game 1 ng Western Conference Finals kahapon. (nba.com)


Bumomba ng todo ang numero unong Oklahoma City Thunder sa huling dalawang quarter upang mabigo ang bisitang Minnesota Timberwolves, 114-88 sa Game 1 ng 2025 NBA Western Conference Finals kahapon sa Paycom Center. Walang ipinakitang kapaguran ang OKC na kagagaling lang sa malupit na 125-93 Game 7 panalo laban sa Denver Nuggets noong Lunes. 

      

Tumalon ang Timberwolves sa 47-38 bentahe bago ang huling minuto ng 2nd  quarter sa likod ng 12 puntos ni Anthony Edwards. Tinabasan nina Shai Gilgeous-Alexander, Jalen Williams at Isaiah Joe ang agwat para lumapit, 44-48 at bitbitin ang bagong-tuklas na lakas sa 3rd quarter.

        

Doon na rumatrat ng 12 si SGA at dumagdag ng 9 si Williams upang maagaw ang lamang at lumayo papasok ng huling quarter, 76-66. Hindi na nagpreno ang Thunder at ang huling talaan ay siya ring pinakamalaking bentahe ng laro. 

       

Pinangunahan ni SGA ang lahat sa kanyang 31, ilan dito laban sa depensa ng kanyang pinsan Nickeil Alexander-Walker. Sumuporta si Williams na may 19 at Chet Holmgren na may 15. 

       

Nalimitahan si Edwards sa 18 lang subalit mas malaking dagok ang hindi niya pagpuntos sa huling quarter. Nanguna sa Minnesota si Julius Randle na may 28. 

      

Magbubukas ang East Finals ngayong Huwebes sa pagbisita ng Indiana Pacers sa paboritong New York Knicks. Maliban sa bentahe na paglalaro sa tahanan ng Madison Square Garden, tinalo ng Knicks ang Pacers sa dalawa ng tatlo nilang tapatan ngayong taon. 

       

Huling nakapasok ang Knicks sa East Finals noong 2000 kung saan tinalo sila ng Pacers sa anim na laro. Inabot ng 25 taon bago mabigyan ang New York ng pagkakataon na bawian ang karibal na matapos ang serye ay tinalo ng Los Angeles Lakers sa Finals, 4-2. 

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 13, 2025



  • Oklahoma City Thunder vs Nuggets - FB

Photo: Oklahoma City Thunder vs Nuggets - FB



Higanteng tagumpay ang nauwi ng bisita at numero unong Oklahoma City Thunder laban sa Denver Nuggets, 92-87 at itabla ang 2025 NBA Western Conference Semifinals sa 2-2 kahapon sa Ball Arena. Isang panalo na lang ang kailangan ng Indiana Pacers para pagbakasyunin ang numero uno ng East Cleveland Cavaliers matapos ang 129-109 desisyon sa Game 4. 

       

Matiyagang humabol ang OKC mula sa 81-73 sa unang minuto ng huling quarter hanggang maagaw ang lamang sa tres ni Cason Wallace at hindi na nila binitawan sa nalalabing 8 minuto, 75-73. Inihatid ni Shai Gilgeous-Alexander ang pandiin na puntos papasok ng huling 2 minuto, 88-81, at sinelyuhan ng apat na free throw ni Jalen Williams sa huling 20 segundo ang resulta. 

     

Bumawi si SGA mula sa “malamyang” ipinakita sa 104-113 talo sa Game 3 kung saan 18 puntos lang siya. Ngayon, ipinasok niya ang siyam ng kanyang 25 sa huling quarter.  

     

Double-double si Nikola Jokic na 27 at 13 rebound. Lilipat ang serye sa Paycom Center para sa Game 5 sa Miyerkules at babalik sa Ball para sa Game 6 sa Biyernes at kung kailangan ng Game 7 ay sa Lunes sa Paycom. 

       

Sa gitna ng pagiging hirap ng mga koponan na ipagtanggol ang tahanan ngayong semifinals, nanigurado ang Pacers at dinomina ang laban para sa 3-1 bentahe sa serye. Nagtala ng 80 ang Indiana matapos ang unang 2 quarter at ang three-point play ni Pascal Siakam sa simula ng pangatlo ang nagtayo ng pinakamalaking agwat, 83-39. 

      

Nanguna sa atake sina Siakam na may 21 at Myles Turner na may 20 kahit hindi na sila ginamit sa huling quarter. Maaaring tapusin ng Pacers ang serye sa Game 5 sa Huwebes pagdalaw nila sa Rocket Arena.

      

Matapos magtala ng 41.3 sa unang tatlong laro, nalimitahan si Donovan Mitchell sa 12 lang. Nagtala ng 21 si Darius Garland.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | Apr. 12, 2025



  • Anthony Edwards - Minnesota Timberwolves FB

Photo: Anthony Edwards - Minnesota Timberwolves FB


Umapoy kung kailan pinaka-kailangan si Anthony Edwards upang ibigay ang 141-125 panalo sa bisitang Minnesota Timberwolves sa Memphis Grizzlies sa NBA sa FedExForum. Kasabay nito ang mga kasing halagang tagumpay ng Indiana Pacers, Milwaukee Bucks at Detroit Pistons para bumuti ang kanilang maging posisyon sa Playoffs sa susunod na linggo. 

      

Sinimulang kumilos ang Minnesota sa pangatlong quarter at bumuhos ng 17 walang-sagot na puntos upang mabura ang 75-69 lamang ng Memphis at bumaligtad, 86-75.  Hindi tumigil ang Timberwolves at lalong pinalaki ang agwat sa 122-99 matapos ang three-point play ni Naz Reid na nagbukas ng huling quarter. 

        

Nagtapos si Edwards na may 44 puntos buhat sa pitong tres. Pumasok ang Minnesota sa tabla kasama ang Grizzlies at Golden State Warriors sa 47-33 para ika-anim hanggang ika-walo sa Western Conference. 

        

Puntirya ng tatlong koponan na makamit ang ika-6 na puwesto para siguradong kalahok sa Playoffs at iwasan ang walang katiyakang Play-In Tournament. Ang sigurado pa lang sa West Play-In ang tapatan ng Sacramento Kings (39-41) at Dallas Mavericks (38-42) subalit tutukuyin pa kung kaninong tahanan ito gaganapin ayon sa nalalabi nilang dalawang laro. 

      

Pinabagsak ng Pacers ang siguradong numero uno ng East Cleveland Cavaliers, 114-112, at hindi na sila bababa ng pang-apat. Nanguna sa Pacers si Tyrese Haliburton na may 23 at 11 assist para umangat sa 49-31 at may pag-asa pa na maging pangatlo dahil tinalo ng Pistons ang New York Knicks, 115-106.

    

Hinigitan ni Cade Cunningham ang 35 laban sa Kings noong isang araw at gumawa ng 36 sa 34 minuto. Matibay ang Detroit (44-36) sa ika-anim pero kaya pa nila pantayan ang Milwaukee (46-34) na nanaig sa kulelat New Orleans Pelicans, 136-111. 

      

Double-double si Giannis Antetokounmpo na 28 at 11 rebound para humaba sa anim ang sunod nilang panalo.  

 
 
RECOMMENDED
bottom of page