top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 27, 2026



Shai Gilgeous-Alexander - Oklahoma City Thunder

Photo: Oklahoma City Thunder / FB



Nagtala ng bagong marka sa puntusan si MVP Shai Gilgeous-Alexander at wagi ang World Champion Oklahoma City Thunder sa Phoenix Suns, 121-109 sa 2026 NBA Playoffs kahapon sa Mortgage Matchup Center. Isang panalo na lang ang kailangan ng Minnesota Timberwolves para pumasok sa susunod na yugto sa bisa ng 112-96 panalo sa Denver Nuggets.


Nagtapos si SGA na may 42 puntos na pinakamarami niya sa playoffs at hinigitan ang 40 kontra Timberwolves sa Game 4 ng 2025 Western Conference Finals. Namuno siya sa malakasang pangalawang quarter kung saan binura nila ang 24-15 lamang ng Suns para maging 62-53 at hindi na sila lumingon.


Maaaring wakasan na ng Thunder ang serye sa Game 4 sa Martes. Kung sakali, haharapin nila ang mananaig sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets kung saan lamang din ng 3-0 ang Lakers matapos ang overtime panalo noong Sabado.

Mahigpit ang palitan ng Minnesota at Denver hanggang naglabas ng huling sipa ang Timberwolves at dinomina ang huling quarter. Mula 82-78 ay unti-unting silang lumayo at ang huling iskor ay siya ring pinamalaking agwat.


Nanguna sa Timberwolves si Ayo Dosunmu na may 43 buhat sa limang tres. Ito ang kanyang pinakamarami sa limang taon sa NBA matapos ang 35 noong bahagi siya ng Chicago Bulls sa talo sa Rockets noong Marso 21, 2024.


Sa Eastern Conference, lamang na ang Orlando Magic sa Detroit Pistons matapos kunin ang Game 3, 113-105. Natamasa ng Pistons ang 105-104 lamang pero hindi na sila pinapuntos ng Magic sa nalalabing 2:52.


Bumanat ng limang magkasunod si Franz Wagner na hudyat ng paglayo ng Orlando, 109-104. Nanguna na parehong may 25 sina Paolo Banchero at Desmond Bane.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 23, 2026



Lebron James - Los Angeles Lakers

Photo: Los Angeles Lakers



Lumaban ng todo ang lumpong Los Angeles Lakers para mabigo ang bisitang Houston Rockets, 101-94, para sa 2-0 lamang sa 2026 NBA Playoffs sa Crypto.com Arena. 


Rumehistro rin ng mga malaking tagumpay ang Philadelphia 76ers at Portland Trail Blazers upang pumantay sa kanilang mga hiwalay na seryeng best-of-seven.


Balik-aksyon si Kevin Durant ng Rockets matapos lumiban sa Game 1 na kinuha ng Lakers noong isang araw, 107-98. Saglit tinikman ng Houston ang lamang sa unang buslo ng pangatlong quarter, 51-50 at mula roon ay hindi napigil ang arangkada ng Lakers.


Bumanat ng magkasunod na tres sina LeBron James at Luke Kennard para maging 88-62 at 8 minuto pa. Patuloy ang init nina LBJ at Kennard na tinulungan nina Marcus Smart at DeAndre Ayton para maalagaan ang bentahe.


Nanguna sa pangalawang sunod na laro si Kennard na may 27 habang may 19 at 13 assists si LBJ. Umaasa ang Lakers na gumaling na ang mga pilay nina Luka Doncic at Austin Reaves sa paglipat ng serye sa Houston para sa dalawang laro.


Sumandal ang 76ers sa 30 at 10 rebounds ni rookie VJ Edgecombe para talunin ang Boston Celtics, 111-97. Malaking bagay si Tyrese Maxey na bumitaw ng 12 ng kanyang 29 sa huling quarter.


Tinakasan ng Blazers ang San Antonio Spurs, 106-103, kung saan napilitang lumabas si Victor Wembanyama sa gitna ng 2nd quarter at hindi na naglaro dahil tumama ang ulo sa sahig.  


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 23, 2021




Nagpositibo sa COVID-19 ang National Basketball Association (NBA) player na si Derrick Rose, batay sa pahayag na inilabas ng kanyang kampo nitong Lunes, Marso 22.


Ayon pa kay Rose, "The COVID thing, I know a lot of people overlook it but it's very serious. It's real. I had the flu. It's nothing like the flu… It was that times 10.”


Matatandaang mula sa Detroit Pistons ay kalilipat lamang niya sa Knicks. Huli siyang nakapaglaro sa court noong Pebrero 28, kung saan mayroon itong average na 12.5 points at 4.9 assists sa loob ng 10 games. Si Rose ay isang 32-anyos na American professional basketball player.


Siya ang naging ‘top overall pick’ noong 2008 NBA Draft sa Chicago Bulls at ginawaran bilang Most Valuable Player (MVP) nu'ng sumunod na 2010-2011 season.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page