top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 13, 2023



ree

Matapos na mabalitang aprub kay Vilma Santos-Recto ang hirit ng madlang pipol na gampanan nina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo ang posibleng remake ng 'T-Bird at Ako,' hindi naman nagpahuli si Nadine na sabihing "very intimate" ang palabas ngunit handa siyang gawin ito kung sakali.


Saad nga ni Nadine, natuwa siya na pasok sa isang Vilma Santos ang ideyang isa siya sa magbida ng isang karakter na noon ay ginampanan ng mga beteranang aktres ngunit duda pa siya kung handa na siya sa role.


Very daring daw kasi ang gagampanan niyang role at kailangang nasa level na komportable siya sa gagawin dahil very challenging ito sa kanya.


Sey ni Nads, "I'm not sure if I'm ready for something like that but it's a challenge. And you know naman I'm up for challenges. It's something that we can work on, tingnan natin." 


Ang pelikulang "T-Bird at Ako" nu'ng taong 1982 ay pinagbidahan nina Vilma Santos at Nora Aunor, na isa sa mga iconic na pelikula ng dalawang magagaling na aktres.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 1, 2020


ree


Trending na naman ang #PhilippineSexiestWomen2020 dahil patuloy na ikinakampanya ng mga fans ang "I vote for #MaineMendoza" na sa huling tally ay nasa second place si Maine at nangunguna nga si Nadine Lustre.


Maingay na maingay ang mga fans nina Maine at Nadine, wala silang sawa at hindi nagpapatalo sa pagpo-post na iboto ang kanilang iniidolo sa Twitter, Instagram, YouTube at Facebook account. Hanggang kahapon lang (August 31) ang botohan kaya tiyak kaming nagpuyat ang mga tagahanga ng dalawang kampo at sinagad nang makapag-unli votes.


Kung papalarin, first time ito ni Maine na makuha ang titulo, samantalang si Nadine naman ay nag-e-aim na muling koronahan bilang Philippine Sexiest Women dahil siya rin ang nagwagi noong 2018.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 31, 2020


ree


Viral na naman sina Nadine Lustre at James Reid dahil naispatan ang ex-celebrity couple sa birthday celebration ng mommy ng aktor.


Lately ay nakikitang laging magkasama sina Nadine at James sa iba’t ibang events. Pero, malabo pa kung nagkabalikan sila o dahil they parted ways na magkaibigan pa rin.


Espekulasyon ng mga netizens, together again ang JaDine dahil present ang actress sa birthday ng ina ni James.


Sa Instagram account ng ina ni James na si Marcela Macdonald, ibinahagi nito ang kuhang larawan nila ng anak kasama ang ex ng aktor na si Nadine.


Aniya, My 54th birthday was been indeed a blast of surprises that made not only me but the whole world cloud 9 happier… thank you so much. Chanty and James & Nadz for the LOVE I am truly blessed… love you 3.”


Pinasalamatan din ni Mommy Marcela si Nadine sa gift nitong birthday cake, habang bouquet of flowers naman ang galing kay James.


Sa kabila ng pagbisita ni Nadine sa mommy ni James, hindi pa rin klaro kung officially back together na ba ang dalawa o dahil may pinagsamahan lang sila.


Pero, may mga nagsasabi ring hindi naman daw talaga naghiwalay ang JaDine.


Hmmm… sey n'yo?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page