top of page
Search

Julie Bonifacio - @Winner | December 6, 2020


ree


Bonggang greetings ang ipinost ni Maine Mendoza sa kanyang Twitter account bilang pagbati kay Arjo Atayde sa pagkakapanalo nito bilang Best Actor sa Asian Academy Creative Awards.


Si Arjo ang first Pinoy na nakakuha ng naturang parangal mula sa nasabing award-giving body kaya malaking karangalan talaga siya ng mga Pilipino.


Tweet ni Maine, "Waaaaahh well deserved!!!!! Wooot wooot congratulations, @ataydearjo!!!! (clapping emojis) Biggest fan"


Maraming kinilig sa pagbati ni Maine kay Arjo. But at the same time, may mga hanash din ang ibang netizens.


"Congrats @AtaydeArjo cutie @mainedcm sweetie sooo PROUD here to both of you, naku baka matuloy 'yung sa Hollywood offer. #MaineMendoza love u ArMaine"


"Congratulations indeed to Arjo. He really is a very good actor, very versatile. He's a De Niro type where he could pull off any kind of character."


May nag-tweet naman na nagri-request ng selfie ni Maine as proud girlfriend.


"Mengg patingin ng selfie ng proud Girlfriend @mainedcm #MaineMendoza"


Pero nakakalurkey naman ang comment ng ibang netizens na obviously ay fans ng Alden-Maine love team o AlDub fans.


Pero payo ng ibang netizens sa mga nagko-comment against Maine and Arjo, mag-move on na raw. At tanggapin na raw na mas masaya ngayon si Maine.


Congrats, Arjo!

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 19, 2020


ree


Hindi nagpatinag ang mga fans ni Nadine Lustre na aminadong nagpuyat nang husto para mapanatili sa number one spot bilang Philippine Sexiest Woman 2020 ang kanilang idolo at hindi masilat ni Maine Mendoza.


At tagumpay sila dahil si Nadine nga ang hinirang na Sexiest Woman noong September 15 at second time na niya ito dahil siya rin ang nanalo noong 2018.


Nanatili naman sa second place si Maine at pangatlo si Christine Samson na isa sa new entry sa PH Sexiest Women na nasa ika-limang taon na.


Umakyat naman ang bagong pantasya ng bayan na si Ivana Alawi sa 4th place. Nasa 5th place si Sachzna Laparan at humabol din sa 6th si Barbie Imperial na winner last year. Pang-pito na si Lou Yanong at bumagsak sa pang-walo si Kathryn Bernardo.


Nanatili sa 9th place si Bela Padilla samantalang si Jennylyn Mercado na first winner ng Sexiest Women in PH noong 2016 ay humabol pa sa Top 10.


Pasok naman sa 11 to 20 spot sina Catriona Gray, Kim Domingo (2017 winner), Bianca Umali, Pia Wurtzbach, Rhian Ramos, Sanya Lopez, Jessy Mendiola, Maja Salvador, Andrea Torres at Yen Santos.


Samantala, may nakita kaming post sa Twitter na nagre-react sa pagkapanalo ni Nadine.

Tweet ni @onlymaine4ever, "So, ibinatay n'yo na lang ang result kasi ayaw ni Meng maging Philippine Sexiest kaya iba ipinanalo n'yo. Kahit consistent si #MaineMendoza ang lamang. #Scam."


May panawagan naman sa mga avid fans ni Maine si @leane_sm, "Pls? Kung paano 'yung bayanihan na ginawa natin sa PHILIPPINE SEXIEST WOMAN, sana mas doblehin pa natin kasi mas deserve ni @mainedcm 'to, GANDANG PILIPINA!


"Thank you, let's vote na guys on FB, IG, Twitter at sa Poll. Check the link of: @menggalurks #MaineMendoza."

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 1, 2020


ree


Trending na naman ang #PhilippineSexiestWomen2020 dahil patuloy na ikinakampanya ng mga fans ang "I vote for #MaineMendoza" na sa huling tally ay nasa second place si Maine at nangunguna nga si Nadine Lustre.


Maingay na maingay ang mga fans nina Maine at Nadine, wala silang sawa at hindi nagpapatalo sa pagpo-post na iboto ang kanilang iniidolo sa Twitter, Instagram, YouTube at Facebook account. Hanggang kahapon lang (August 31) ang botohan kaya tiyak kaming nagpuyat ang mga tagahanga ng dalawang kampo at sinagad nang makapag-unli votes.


Kung papalarin, first time ito ni Maine na makuha ang titulo, samantalang si Nadine naman ay nag-e-aim na muling koronahan bilang Philippine Sexiest Women dahil siya rin ang nagwagi noong 2018.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page