top of page
Anne Curtis-Smith - IG.jpg
Search

ni Gina Pleñago @News | June 25, 2026



Mike Defensor - FB

Photo: Mike Defensor - FB



Nakatakdang maghain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong human trafficking laban kay dating Cong. Mike Defensor sa Biyernes, Hunyo 26, kaugnay sa naging pagsalakay sa KTV bar, sa Pasig City dahil umano sa sexual exploitation.


Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag sa pulong-balitaan nitong Miyerkules na ang mga ebidensiyang nakalap ng isinagawang imbestigasyon ay nagpapakita na may kinalaman si Defensor sa naturang ilegal na gawain ng KTV bar.


Una nang pinabulaanan ni Defensor ang paratang sa pagsasabing “politically motivated” ang pagdadawit sa kanya.


Matatandaang ang maybahay at anak na sina Julie Rose Defensor at Miguel Gabriel Defensor, ay kabilang sa 16 na indibidwal na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act) kasunod ng raid sa Chicago Night Club at Bleu Hotel sa Pasig noong Abril 21, 2026.


Nailigtas ang 54 babae na pawang biktima ng human trafficking at sex exploitation, na karamihan ay mga single mother at ang mga edad ay hindi lalagpas sa 25.




 
 

ni Lolet Abania | March 16, 2021




Inanunsiyo ni Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor na nagpositibo siya sa test sa COVID-19.


“I tested positive. It’s not severe,” ani Defensor sa isang online interview ngayong Martes. Ayon sa mambabatas, tinamaan siya ng virus noong March 3, dalawang linggo na ang nakalilipas, kung saan nakaramdam siya ng sakit ng halos isang araw lamang at agad ding nakarekober.


Sinabi rin ni Defensor na ang naging close contacts lamang niya ay kanyang pamilya na lahat ay nagnegatibo sa test sa COVID-19 habang nakikipag-ugnayan siya sa administrators ng kanilang subdivision at local government.


Nakatakda naman ang final COVID-19 test niya bukas, Miyerkules, habang kasalukuyan pa ring nasa isolation. "Patapos na, bukas final test..." ani Defensor.


Nang tanungin ang mambabatas kung siya ay asymptomatic, aniya, "I guess so. Everything's normal. Parang one day lang ako nagka-flu." Inaasahan naman ni Defensor na magnenegatibo na siya sa test sa COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page