top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 21, 2025



Alex Calleja, Gerald at Julia Barretto - IG

Photo: Alex Calleja, Gerald at Julia Barretto - IG


Napagsabihan ng stand-up comedian na si Alex Calleja ang dating magkarelasyon na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.


Pabirong sinabi ni Alex sa hiwalayan issue ng lead star ng Sins of the Father (SOTF) na si Gerald at ng magandang aktres na si Julia na huwag daw munang maghihiwalay at baka matabunan ang issue sa flood control dahil sa paghihiwalay nila.


Saad ni Alex, “Sabi na, wala munang maghihiwalay dahil matatabunan ang issue sa flood control!”


Samantala, umani naman ng tawanan ang nasabi ni Alex.

“Hangga’t may baha, may buwaya!” 


Ito naman ang sinabi ng senator at aktor na si Sen. Robin Padilla sa kanyang Facebook (FB) page post.


“Ang ating problema sa mga flood control projects ay tunay na malalim at paulit-ulit. Kaya naman iminumungkahi ko po ang AFP Corps of Engineers bilang katuwang upang masiguro na ang mga proyektong ito ay maisasagawa nang tapat, maayos, at para sa kapakanan ng ating mamamayan.”


Well, mas makabubuti rin po na mag-ingat na lang tayo. Dahil ayon sa balita, ang bagyong Nando ay inaasahang magiging super typhoon sa darating na Lunes, habang hindi pa nasosolusyunan ang flood control project.

Pak, ganern!


‘Yun lang, and I thank you.



Nag-share ang aktres na si Arlene Muhlach sa kanyang social media ng mensahe at pagsuporta para sa senator at aktor na si Sen. Jinggoy Estrada.


Saad ni Arlene sa post niya, “This is not a political post, but a message of support for a senator, mentor, and friend I deeply trust.


“I’ve seen the kindness many overlook — he believed in me, gave me the chance to work, and inspired me to finish my studies at 55. He trusted my capabilities even without fully knowing me then, choosing to see me as someone worth believing in.


“It saddens me how easily he is judged, burdened by stories long answered and the malicious attacks still cast today. Yet I remain proud, grateful, and steadfast in my belief in him — in his heart, his kindness, and his quiet service. And through it all, I will always stand by him, not just for what he has done, but for who he truly is.”


Ang post na ito ni Arlene ay tungkol sa pagkakasangkot ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga anomalya sa flood control budget.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 17, 2025



Small Laude - Instagram

Photo: Small Laude - Instagram



Bongga ang ginawang pagpaparinig ng YouTuber, fashion and lifestyle influencer at kilala bilang asawa ng entrepreneur na si Philip Laude na si Small Laude tungkol sa ghost project.


Sa latest YouTube video ni Madam Small ay nag-book siya ng robo taxi sa Los Angeles, California. 


Makikita sa nasabing vlog na naghihintay si Madam Small, kasama ang asawang si Philip at dalawang anak na sina PJ at Allison (unica hija), at ang lagi niyang kasama na si Lotlot.


Dalawang minuto bago dumating ang ibinu-book nilang robo taxi ay nag-dialogue si Madam Small ng, "See you in 2 minutes, pero wala namang driver. Ghost driver naman siya. Pero at least, it's not ghost project.”


Dagdag pa ni Madam Small, "Hello, I'm paying my tax properly and then ganyan kayo? Shame on you, guys."


Samantala, pagsakay ni Madam Small sa robo taxi ay makikita sa video na masaya siya sa bagong experience.


'Yun lang, pagbaba ng robo taxi at pagkatapos nilang kumain ay nalaman niyang nawala ang cellphone niya. Naiwan pala niya sa robo taxi at in fairness, naibalik naman sa kanya nu’ng araw ding 'yun.


Well, bongga si ghost driver, nagbabalik ng naiwang cellphone. 



NAGBAHAGI ang professional boxer at former senator na si Manny Pacquiao sa kanyang social media ng larawan nila ng pumanaw na British boxing legend na si Ricky Hatton (RIP).


Nalungkot ang soon-to-be lolo at Pambansang Kamao na si Manny nang mabalitaan niyang pumanaw ang British boxing legend na si Ricky Hatton noong

September 14.


Saad ni Manny sa post niya, "I am deeply saddened to hear about the passing of Ricky Hatton.  


"He was not only a great fighter inside the ring but also a brave and kind man in life.  

"We shared unforgettable moments in boxing history and I will always honor the

respect and sportsmanship he showed. 


"Ricky fought bravely, not just in the ring, but in his journey through life. He truly had a good fight, and we are all blessed to have been part of his wonderful journey. 

"My prayers and deepest condolences go out to the Hatton family and all his loved ones. May the Lord give you strength and comfort in this difficult time. May he rest in peace."


Matatandaan na naglaban sa boxing sina Manny at Ricky noong May 2, 2009 na ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, United States.



IBIBIDA ng nation’s girl group na BINI ang kanilang makulay na karanasan sa paglibot sa mundo sa kanilang bagong reality series na BINI World Tour Stories na eksklusibong mapapanood sa iWant simula Setyembre 21 (Linggo).


Ibabahagi ng BINI ang kanilang hindi malilimutang experiences mula sa matagumpay at soldout na BINIverse World Tour 2025, na nagsimula sa Philippine Arena at umarangkada rin sa Dubai (United Arab Emirates), London (United Kingdom), at sa iba’t ibang lungsod sa North America gaya ng Toronto (Canada), Washington D.C.,

Hollywood, at Las Vegas (United States).


Mas makikilala rin ng Blooms ang personal na kuwento nina BINI Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena tungkol sa pagharap nila sa iba’t ibang pagsubok gaya ng matagal na pagkakalayo sa pamilya at matinding pressure ng kasikatan.


Mapapanood din sa nasabing series kung paano nanatiling matibay ang kanilang samahan bilang isang grupo, na ngayon ay magkakapatid na ang turingan, walang kupas na passion para sa musika, at inspirasyong hinuhugot mula sa kanilang mga pamilya at fans.


‘Yun lang and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 9, 2025



Edu Manzano - IG

Photo: Edu Manzano - IG


What?! Ang aktor na si Edu Manzano, ilang araw na lang ay 70 years old na? 

Hindi makapaniwala si yours truly na sa tikas at ganda ng mukha ng father dearest ni Luis Manzano ay magse-70 years old na pala, ‘noh?


Nagbahagi ang matikas na aktor ng larawan niya na may hawak na mahiwagang payong at may caption that goes: “Turning 70 in a few days pero fit, still on fire, may dumbbell, may rower, at s’yempre, savage tito n’yo… At may payong pang-cover ng corruption, este ulan.”


In fairness, Edu, hindi ka mukhang 70, mukha ka lang 37. Wa’ etch! (smiling emoji).

Anyway, happy birthday, Edu!


Pero kahit na 70 years old na ang mahusay na aktor this coming September 14 ay hindi pa rin niya nakakalimutan na magpaalala na maging mapanuri sa nangyayari sa kapaligiran, lalo na sa ating bansang sinilangan.


Sa social media post ni Edu ay nagbahagi siya ng kanyang saloobin para sa mga ka-taxpayers niya.


Aniya, “Mga ka-taxpayer, tandaan n’yo ‘to, wala talagang ‘pera ng gobyerno’. Pera nating lahat ‘yan! Kaya bawat proyekto, bawat serbisyo, invested tayo d’yan. Sulitin natin, bantayan natin. Obligasyon nila, pero responsibilidad din nating magtanong at mag-demand ng tama. At oo, kahit bumili ka lang ng suka, asin, toyo, o nagbayad ng tubig, taxpayer ka na rin.


“Akala ng iba, ‘pag wala silang trabaho, wala silang ambag. Pero lahat ng namomroblema sa araw-araw, lahat ng bumibili ng makakain, kasama ka sa mga taxpayer. Hindi lang ‘to tungkol sa mayayaman o empleyado… lahat tayo ay magkakasama sa laban na ‘to.”

Very well said, Edu! Iba talaga ang talino ng father dearest ng TV host of Rainbow Rumble (RR) na si Luis Manzano.



KUNG si Edu Manzano ay may paalala para sa mga taxpayers, si Senator Robin Padilla naman ay may kahilingan para sa mga lolo at lola.


Sa Facebook (FB) page post ng multi-awarded actor na si Sen. Robin ay nag-share siya ng video clip na makikita ang kanyang ina na si Eva Cariño habang inaalagaan ng mga anak. 


Caption nito: “Ang aking ina ay 90 taong gulang at may dementia. Kaya ramdam ko po ang bigat at hirap na pinagdadaanan ng ating mga nakatatanda at ng kanilang pamilya, kaya naman po taimtim kong hangad na mabigyan sila ng maayos na kalinga at tunay na malasakit upang masiguro na ang ating mga lolo’t lola ay mamumuhay nang may dignidad at pagmamahal hanggang sa kanilang huling mga taon.”


Harinawa, Sen. Robin ay mangyari ang kahilingan mo para malagay sa maayos na lugar at may mag-aalaga sa mga lolo at lola na hindi pinalad magkaroon ng magandang buhay tulad ng napakasuwerte mong ina na si Mommy Eva.



“LOLA era begins now!” ito naman ang sinabi ng aktres na si Maritoni Fernandez sa kanyang social media post kamakailan lang.


Nanganak na ang loving daughter ni Maritoni, ang dating Kapuso actress na si Lexi Fernandez, sa first baby nila ng non-showbiz husband na si Harry Cordingley.

Super-happy ang veteran actress dahil finally, certified lola na siya.


Samantala, sa Instagram (IG) post ng proud daddy na si Harry Cordingley ay nagbahagi siya ng larawan nila ni Lexi bilang first-time proud parents, kasama ang cute nilang baby na si Charlotte.


Present din ang first-time grandma na si Maritoni sa memorable moment ng pamilya nila.


Saad ni Harry sa post niya, “This morning at 6:48 AM, Lexi and my life became immeasurably brighter. We have the pleasure of welcoming Charlotte ‘Lottie’ Cordingley into our lives and introducing her to you all.”


Congratulations, Maritoni! Welcome to the wonderful world of grandparenthood.

‘Yun lang, and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page