top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 15, 2025



YT ABS-CBN News (MyPuhunan)

Photo: Alex G at Mikee


Ginamit ang business email ng aktres na si Alex Gonzaga para sa isang explicit (porn) website.


Sa social media post ng sister ni Toni Gonzaga, nagbahagi siya ng larawan kung saan makikita na ‘yung email niya ay ginamit sa pag-setup ng account.


Saad ni Alex sa post niya, “Sino muna ‘tong mag-3 AM na at maelyang ginamit ‘yung business email ko para mag-subscribe? Talagang ako pa naisip n’yo gamitin dito. Gigil ako.”

Umabot ng 120,000 ang laughing reaction sa kanyang post sa loob ng halos limang oras pagkatapos niyang mag-post. 


Sa comment section naman ng post ni Alex, may nag-comment na pinaghihinalaan ang kanyang guwapong mister ang may kagagawan pero agad namang nilinaw ng aktres-vlogger na hindi ito ang may gawa.


Saad ng netizen, “What if si Mikee talaga ‘yan?” at may kalakip na napakaraming laughing emojis.


Sagot ni Alex sa netizen, “Tulog na s’ya n’yan, humihilik na s’ya ng ganyang oras (3 AM).”

Well, totoo naman sigurong tulog na si Vice-Mayor Mikee Morada dahil marami siyang trabaho sa Lipa, Batangas, ‘di ba naman, Alex? At huwag siyang istorbohin sa pagtulog, please?



3 days lang daw nag-prepare…

AWRA, FIRST TIME NAG-JOIN SA BEAUTY PAGEANT, PROUD NA 1ST PLACE



HINDI nagpahuli sa rampahan ang TV personality at social media star na si Awra Briguela nang sumali ito sa Hiyas ng Silangan 2025 ng University of the East (UE), ang kanyang kauna-unahang beauty pageant na sinalihan.


Sa Instagram (IG) post ni Awra ay buong pagmamalaki niyang ipinakita ang sarili, nakasuot siya ng bonggang pulang gown at halata ang confidence niya na tipong pang-winner na ang dating.


Saad ni Awra sa post niya, “There’s truly nothing in this world like a Filipina girl.

“Grateful and proud to be part of Hiyas ng Silangan 2025, celebrating beauty, diversity, and inclusivity in the University.”

Dagdag pa ni Awra, it’s her first pageant, but she’s walking like she’s done this forever. 

In a student press release, nagwagi si Awra bilang 1st place sa Hiyas ng Silangan 2025.


Kuwento ni Awra sa post niya, “1st place for a first timer, not bad at all. I couldn’t be prouder of myself, knowing I only had three days to prepare for this pageant. Honestly, I was scared at first. I had zero experience in pageantry, but I still chose to join because I wanted my advocacy to be heard, loud and clear, straight from me.

“I’ve been judged. I’ve been bullied. Yet here I am standing stronger, prouder, and louder. I am living proof that no amount of bullying can silence a brave heart. My advocacy is to stop bullying, both online and offline, because every person deserves to be respected, accepted, and loved. Let's use our voices not to hurt, but to heal. Together, we can build a world where kindness wins.


“I know what it feels like to be silenced, that’s why I now speak for those who can’t. Silencing the bullies starts with speaking up for yourself. I’m not here to fight with words, I’m here to let my story silence every bully who once doubted me.

“At first, it was hard to accept the result of being so close to the crown. But then I realized my true purpose in joining this pageant. I’ve always believed that everything happens for a reason and if it's meant for me, it will be. Now that it's finally sinking in, I can proudly say, I did that. In just three days of preparation, I made it happen and I couldn’t have done it without my amazing team.”


Nagpasalamat din si Awra sa lahat ng mga kaibigan na sumuporta sa kanya.

Pahayag pa niya, “And finally, to myself I just want to say, I am so, so proud of you. You are strong, talented, and brave. Please stop doubting yourself, because you were born to win. You are unique, beautiful, and smart and you deserve every bit of love and light coming your way.”


Congratulations, Awra Briguela! Pak na pak ka d’yan!



Aray ko!!! JASON, PINURI NG MGA ANAK NA GUWAPO, MELAI, SAKTO LANG



NAG-SHARE ang aktres na si Melai Cantiveros sa kanyang social media ng birthday greetings para sa asawa niyang aktor na si Jason Francisco.

Makikitang kinakantahan nila ng mga anak ng birthday song ang loving daddy nilang si Jason.


Ani Melai, “Happy birthday to our Father of the family that we respect and love much. Hindi ko na kaya mag-English kaya salamat, my love, sa iyong buhay na bigay ng Lord at talagang hulog ka ng langit sa akin at sa amin. This moment of my life, napatunayan ko na kaya pala tayo nagkakilala sa PBB (Pinoy Big Brother), hindi lang dahil sa Melason fans. Hehehe! Pero dahil pala sa mas malalim na rason at ‘yun ay ang magkasamang matuto sa buhay ng bawat isa.


“Ang dami kong natutunan sa ‘yo at ‘di ako sure kung ganu’n ka rin sa akin. Basta always remember, Papang, second love lang kita, ha, kasi si God ang first love ko, pero ‘yun man ang the best sa relationship natin kasi si Lord ang center sa ating life. Love you, my love, together with our chicken nuggets (mga anak nila), we will respect your privacy. Hehehe!

“And thank you, my love dahil binigyan mo ako ng mga chicken nuggets na talagang masasaktan ko minsan. Hehehe!


“PS: Salubong birthday celebration namin kay Papang, happy-happy lang, walang personalan. Hehehe!”


Sa video clip na ibinahagi ni Melai, hindi lang kanta ang naganap sa room ng mag-asawang Melai at Jason. Bigla na lang nag-dialogue ang kanilang anak na si Mela na nauwi sa tawanan ng kanyang pamilya.


Saad ni Mela, “Papa is so guwapo, ‘noh?”

Hirit ni Melai, “Ay! Ako?”

Sagot ni Mela, “Sakto lang!”


Well, pahulaan na lang natin kay Madam Damin kung ano ang sinabi ng bunsong anak ni Melai na si Stela para matawa nang bonggang-bongga ang daddy dearest nila.

Anyway, happy birthday, Jason!

‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 7, 2025



YT ABS-CBN News (MyPuhunan)

Photo: Sylvia Sanchez / IG


Matapang ngunit makabuluhan ang naging pahayag ng aktor na si Jeric Raval sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang tanungin siya ng King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa kontrobersiyal na isyu ng korupsiyon na kasalukuyang pinag-uusapan sa Senado.


Napakaganda ng sagot ni Jeric, matalino ang aktor at hindi basta nanghuhusga ng kapwa niya.


Ani Jeric, “Ako, ang personal opinion ko, ‘yung nangyayari sa Senate, sa napapanood ko, ‘yung nagtuturuan dahil sa litrato, pictures lang ‘yun, Kuya Boy, eh. Pictures prove nothing, ‘di ba? Ang dali namang magturu-turo, pero to prove, it’s another story. 


“So, patunayan muna nila. ‘Yun lang ang sa akin. Hindi naman ako nagpapaniwala doon sa turu-turo lang at sa picture. 


“Ang pulitiko at artista, halos pareho ‘yan. Kahit sino, puwedeng magpa-picture sa kanila, ‘di ba? Kahit sino, at hindi mo puwedeng tanggihan. Ang nakakaawa d’yan, ‘yung nadadamay lang.”


Totoo ang sinabi ni Jeric, nakakaawa ‘yung nadadamay lang. Hindi pa man nahahatulan sa korte ay hinatulan na agad ng mga madlang people.


Samantala, ipinaalala ng taong malapit at totoong nakakakilala sa aktor na si Sen. Bong Revilla, tulad na lang ng BFF ni yours truly na si Portia Ilagan, na huwag muna kayong maghusga. Kilalanin at alamin muna ang totoo bago maniwala.


Naalala tuloy ni yours truly ang namayapang Lolit Solis (RIP) sa sinabi niyang, “Sana, nagkaroon ng pagkakataong makilala ng tao si Sen. Bong. Sana nalaman ninyo kung gaano kabait si Sen. Bong.”


Si yours truly ay buhay na patotoo kung gaano kabuti ang puso ng ating senador.

Reminder lang po, a man is innocent until proven guilty. Iwasan ang paghuhusga sa kapwa, ‘di ba naman, madlang people?



NILINAW ng aktres na si Glenda Garcia sa kanyang social media post ang kumalat na paninira tungkol sa aktres na si Sylvia Sanchez.


May mga netizens na pilit sinisiraan ang aktres tungkol sa diumano’y pag-aari raw nito ang tinirhan niya kasama ang buong movie production.


Saad ni Glenda sa post niya, “Ang ganda nitong tinirhan nila Sylvia Sanchez at ang bumubuo ng movie production nila na nirentahan sa #Airbnb. Hindi nila ito pagmamay-ari, nirentahan lang nila para makatipid kaysa mag-hotel.”


Maraming netizens ang pinusuan ang ibinahagi ni Glenda, at sa comment section ng post niya ay nagbahagi rin ng saloobin ang mga aktres na sina Isabel Rivas at Marissa Sanchez.


Saad ni Isabel Rivas, “True! (clap emoji) Maka-QA (question and answer) naman ng kuwento. That’s not a residential house, that’s a big palatial hotel. It’s very nice but not owned by Filipinos.”


Wika naman ni Marissa, “Grabe ang mga tao ngayon talaga! (angry emoji).” 

Well, again, may panghuhusga na naman na hindi inaalam ang totoo.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 6, 2025



YT ABS-CBN News (MyPuhunan)

Photo: YT ABS-CBN News (MyPuhunan)



Usapang negosyo ang naging kuwentuhan ng broadcast journalist na si Karen Davila at ng Bad Boy ng Dance Floor at aktor na si Mark Herras nang mag-guest ito sa DTI Asenso Pilipino.


Sa umpisa ng show ay naikuwento ni Karen na si Mark ay ultimate entrepreneur na rin at isa sa mga owners ng Farmers Meat Shop.


Tanong ni Karen, “Ano’ng feeling ng negosyante?”


Sagot ni Mark, “Ah, s’yempre, bago po lahat sa akin, marami pa akong inaalam na bagay-bagay. 20 years ang ibinigay ko sa showbiz, this is my first major business talaga. Very excited at natutuwa ako, very different from showbiz.”


Tanong ni Karen, “Ang negosyo mo ay Farmers Premium Meat Shop? And is it right to say isa kang franchisee? Ano ang sitwasyon mo, what’s the deal?”


Sagot ni Mark, “Meron po akong puwesto ng Farmers Meat Shop. Ito po ay sa Malate, U.N. Avenue, Manila. Ang Farmers Premium Meat Shop ay may sariling poultry sa Pangasinan at mayroong two branches doon. Ako po’y nag-invest ng malaking amount, and then naging partner po ako ng Farmers Meat Shop.”


Tanong ni Karen, “Ano ang ibinebenta ng Farmers Meat Shop?”

Sagot ni Mark, “Lahat po ng kailangan natin everyday — steak, pork, beef, at chicken, pati na rin siomai.”


Tanong uli ni Karen, “So, ang tagal mong artista, ang tagal mo sa showbiz, ano ang kaibahan mo sa business at showbizness?”


Sagot ni Mark, “Ah, dito po, ‘di ako umaarte. Dito, talagang totoong tao ‘yung mga humaharap at kinakausap mo. Nagbebenta ka ng mga produktong kailangan.


“Natutuwa ako sa sarili ko kasi sa showbiz, easy life. Aarte ka lang, punta sa set, susuweldo ka. Ito kasi, kaya s’ya mahalaga sa akin, s’ya ‘yung bumubuhay sa pamilya ko.


“Ang target ko kasi sa buhay is to provide, to be the provider of my family. Medyo hindi ganu’n kasuwerte sa showbiz, so ‘di ako puwedeng magpahinga o mag-relax. Iba ‘yung meron kang business na kayang bumuhay ng pamilya mo.


“Financially, hindi na ako kinakabahan. ‘Yung mga monthly bills, ‘yung mga bayarin, panganay ko, nag-aaral na ‘yung mga bata ngayon — ang mahal ng tuition. So ngayon, nagkaroon ako ng sandalan, sa totoo lang po.”


Tanong ni Karen, “Ano’ng nangyari sa ‘yo sa showbiz?”


Sagot ni Mark, “Actually, sa showbiz kasi, parang sinasabi nila, ‘Laos na ‘yan, nalalaos ka na,’ ganu’n! Hindi ka kasi nag-improve. Ako kasi, Ma’am, parang I’m very thankful and contented ako doon sa narating ko, like StarStruck. Mag-peak ng career, hindi ko na hinahangad na habang buhay akong nasa itaas. 


“Kumbaga, medyo mahirap din ‘yung buhay na ganu’n sa showbiz. But I’m really thankful for everything na nagawa sa akin ng GMA at nai-provide sa akin. ‘Di ko s’ya tinitingnan na parang failure. 


“Kumbaga, kung marami man ang umangat na, I’m happy for them. Mga kaibigan ko naman ‘yun. Basta ako, kuntento ako sa narating ko. Ang goal ko talaga until now is to have work, trabaho para makapag-provide sa family ko.”


Tanong ni Karen, “What was the lowest point in your life?”


Sagot ni Mark, “Dumating ako sa point na talagang kung provider ka, masakit sa loob mong manghiram ng pera, kahit kaibigan mo o hindi mo kaibigan. Dumating ako sa point na ganu’n, na nangutang ako. “S’yempre, nu’ng una, masama sa loob ko. Ayaw ko ito, ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Hanggang sa gagawin mo lahat para sa pamilya mo.”

Tanong pa ni Karen, “Ano ang mga nagawa mo para sa pamilya mo?”


Sagot ni Mark, “Nagsayaw ako sa Apollo, pero I mean ‘yung Apollo po na ‘yun ay ‘di ko s’ya ginawa para magpaingay na naman. Manonood ako naman kasi talaga, trabaho ako, eh, kumbaga raket ‘yan. Game, ginawa ko ‘yan. Kayang-kaya kong isakripisyo kahit ano’ng puwede kong isakripisyo para sa pamilya ko. Kumbaga, family man po talaga ako. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.”


Very well said, Mark! Bongga ka d’yan! Ipagpatuloy mo lang ang business mo — sure si yours truly, marami ang bibili ng mga paninda mo. 

Pak, as in tumpak, Mark Herras!



NAPAPANAHON ang usapan ng success coach na si John Calub sa ilang miyembro

ng media.


Napag-usapan ang tungkol sa biohacking at frequency healing na maaaring maging susi sa paggaling ng cancer, diabetes, at iba pang sakit nang hindi gumagastos ng malaki sa tradisyonal na gamot at operasyon.

Natanong si Coach John Calub tungkol sa sakit ni Kris Aquino na autoimmune condition.


Sagot ni Coach John, “That can be traced through energy blocking kung bakit nagkaroon ng autoimmune.”


Kuwento ni Coach John, noong 2020, dumaan din siya sa mabigat na pagsubok nang dalhin siya sa ospital at ma-diagnose na may matinding gut health issues at isang bihirang kondisyon. Ito ay isang incurable condition, kaya araw-araw siyang nakararanas ng tinatawag na non-bacterial chronic pelvic pain syndrome (CPPS) — na ayon sa mga doktor, isang matinding sakit. 


Ngunit bilang isang “never give-up” success coach, nagsaliksik si John ng iba’t ibang solusyon at natuklasan ang larangan ng biohacking, ang sining at agham ng pagbabago ng kapaligiran sa loob at labas ng katawan upang magkaroon ng ganap na kontrol sa sariling biyolohiya. 


Ang biohacking ay gumagamit ng kombinasyon ng sinaunang karunungan at makabagong teknolohiya upang muling paganahin ang likas na kakayahan ng katawan na mabilis na magpagaling.


Kasama sa mga pinag-aralan ni John ang breathwork, ayurvedic herbs, biotechnology, ice bathing, red light therapy, grounding or earthing, frequency healing, genetic testing, at detoxing.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page