ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 17, 2025

Photo: YT Rainbow Rumble
Bilib talaga si yours truly sa aktor-TV host ng Rainbow Rumble (RR) na si Luis Manzano.
Sa simple niyang salita ay matatawa ka na lang talaga lalo na ‘pag nag-dialogue na siya nang bongga.
Kamakailan lang ay nag-guest ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Esnyr sa game show at sa sobrang saya niya dahil nakasagot siya nang tama, natawag niyang ‘Kuya Wil’ si Luis, kaya nag-walkout kunwari ang mister ni Jessy Mendiola, pero bumalik din agad at sabay dialogue ng “Esnyr, may nakikita kang jacket?” at humirit pa ng, “Okay, moving forward, kayong apat na lang ang maglalaro dahil gagawin kong co-host si Esnyr,” na ikinagulat naman ng co-host niyang si Negi. Natawa na lang ang host sa pagkakamali ni Esnyr.
Bumawi naman si Esnyr at nag-dialogue ng, “Kuya (Luis), will you be my lucky charm tonight?”
In fairness, napakagaling na host ni Luis dahil magaling siyang komedyante. Tawang-tawa ang mga netizens sa mga banat niya pati na rin kay Esnyr.
Paano kaya kung sa iba nasabi nito ang maling pangalan? Ano kaya ang magiging reaksiyon ng host?
Samantala, sa social media post ng mahusay na TV host ay nagbahagi siya ng video kung saan kumakanta siya para sa Station ID ng ABS-CBN.
Kuwento ni Luis, “Isang masayang Pasko mula sa Howhows na first time naming magkasama sa Station ID ng ABS. Medyo binitin nga lang ni Howhow (tawag niya sa misis niyang si Jessy Mendiola) ‘yung pagkanta ko. Okey lang, may lambingan naman (heart emoji).”
Well, napaka-sweet talaga ni Luis Manzano. Nagmana sa kanyang ina na aktres at kilalang-kilala bilang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.
Super sexy, naka-lima na pala…
AJ, HAPPY NA ‘DI NA KAILANGANG ITAGO ANG MGA ANAK

NAGPASALAMAT ang aktres na si AJ Raval sa kanyang sarili dahil ngayon ay nagawa na niyang ibulgar na may lima na siyang anak. In fairness ay magandang-maganda at sexy pa rin siya na tipong dalaga pa.
Sey ni AJ, “The best decision I ever made was to stay quiet. Protecting my peace feels too good. And thank you to those who understood me without me having to explain.”
Maraming netizens ang pinusuan ang post niya at nagpahayag ng kanilang saloobin.
Sey ng isa, “Hindi mo kailangang magpaliwanag sa iba. Importante maging good mom ka sa mga kiddos mo at naaalagaan mo sila at maging strong always para sa kanila.”
Korek! Hindi kailangan ni AJ Raval ang magpaliwanag kung ano ang nangyayari sa life niya. Mas maganda kung ituturo n’ya ang sikreto kung paano maging sexy kahit may 5 nang anak. ‘Di ba naman, Aljur Abrenica?
HINDI nagpahuli ang aktor na si Jake Ejercito para magbigay-pugay sa former senator na si Juan Ponce Enrile (RIP).
Kuwento ni Jake sa kanyang Facebook (FB) page, “It was 2011. He was already around 90 years old then.
“Seated close to him, I was casually flipping through my younger brother’s grade school history book. He noticed me and asked if he could take a look as I happened to be in the chapter about the Japanese invasion.
“After reading a few lines, he quipped, ‘The date here is wrong.’ I looked at him, confused about how someone could dispute a history book. He then handed it back to me and said, ‘I know better—because I was there.’
“A lot has been said and will be said about the man. But one thing’s for sure: he has found his own place in our history books, one that history itself will continue to examine.
“Paalam, Manong JPE (Juan Ponce Enrile).”
Matatandaan na pumanaw si Senator Juan Ponce Enrile sa edad na 101 noong Huwebes, Nobyembre 13, 2025.
‘Yun lang, and I thank you.






