top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 21, 2025



Maine Mendoza - Eat Bulaga TVJ

Photo: Maine Mendoza at Alden Richards - File


Naging kontrobersiyal ang recent episode ng Tamang Panahon EP 1 podcast na napapanood sa YouTube (YT) ng aktres at TV host na si Maine Mendoza nang magkuwento siya tungkol sa Kapuso actor na si Alden Richards.


Sa social media post ng asawa ng number one congressman ng District 1 ng Quezon City na si Congressman Arjo Atayde, nagpahayag siya ng kanyang saloobin tungkol sa last podcast episode.


Saad ng Eat…Bulaga! (EB!) host na si Maine, “Okay, so about the last podcast episode... Una sa lahat, I didn’t think the part about my story with Alden would spark controversy, let alone be a big deal, considering that everyone had already moved on from Kalyeserye and AlDub. From the start, I hoped the clashes between fans on both sides would end, at least, even though the hate train aimed at me was nonstop then and apparently still remains so.


“The point of our podcast is to look back on Kalyeserye and to discuss and share behind-the-scenes stories—the untold ones, and that can include personal experiences, narratives, and sentiments. I believe it’s acceptable to reflect and openly discuss them for this podcast, especially now that it’s been a decade and all is well between the individuals involved, particularly me and Alden. 


“There is no reason to exclude him from the story/our stories, despite his absence, because he was a big part of Kalyeserye, and it would have felt strange to leave him out. That said, there was no intention to provoke criticism or negativity towards him or anyone else. I was asked, I answered, and I shared a short anecdote.


“All is well among the dabarkads. We’ve all moved on, and the past remains there. We can revisit and reflect on the good and the bad with a peaceful heart. Ten years on, we are all living the lives we chose, and I hope we can keep moving forward without nurturing hate because what’s the point? What do we gain from hostility?”


Dagdag pa ni Maine, “Please don’t throw hate on Alden. Regardless of what he meant by his words, it was really for the best for both of us and our situation at that time. Don’t read too much into it.”


Maraming netizens ang nagpahayag ng kani-kanilang saloobin tungkol sa pahayag ni Mrs. Maine Atayde.


Sey ng isang netizen, “I’m an AlDub fan since day 1 nu’ng ‘di pa kasal si Menggay (Maine), hoping pa rin ako na sila ang endgame. Pero Arjo chose to marry her kasi nga sino ba namang hindi gugustuhin na makasama s’ya? Like, hello, it’s Maine. So ‘yun, broken talaga ako na hindi sila ang endgame pero hindi ibig sabihin nu’n hindi ako magiging masaya kay Maine. At least sa era namin, meron kaming AlDub na babalikan at marami kaming napulot na aral sa Kalyeserye.”


Sabi naman ng isa pang netizen, “Very well said! Just leave the past behind and smile for the happy moments of Kalyeserye that gave us kilig and excitement. Leave those negative from the past, that’s why they call it the past. Let’s look at the day ahead of us as we wait for more of what the Dabarkads can give.”


Korek kayo d’yan, mga Dabarkads! Basta ang importante, masaya na si Yaya Dub, ay, este Maine, sa kanyang simpatiko at guwapong asawa. 

Pak, ganern!


‘Yun lang and I thank you.



Du’n na lang daw kumukuha ng lakas…

KRIS SA MGA FANS: ‘WAG KAYO SUMUKO SA PAGDARASAL



MULING nagbigay ng update sa Instagram (IG) ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan kung saan makikita siyang nakahiga sa ospital habang binabantayan ng kanyang bunsong anak na si Bimby.


Humingi uli ng panalangin si Kris sa publiko para makaligtas sa kanyang kasalukuyang sakit.


Saad ni Kris, “I came in for the 2nd dose of my RITUXIMAB. I was prepared in the sense that we already knew all the protocols we would all need to follow. I have to give a big shoutout to @ging.md because she saw something in my blood panel results that she found alarming. 

“She convinced me to have an ultrasound done yesterday; with all my hospitalizations I can already tell na dapat na kong kabahan ‘pag umakyat na ‘yung senior technician...


“I had more tests today and 3 different specialists (I want to protect their privacy kaya very general ang pagbigay ko ng info) came to explain things to me and how important it was to not delay because I would be endangering my life further. (Parang kulang pa ‘yung mahirap nang bilangin na ‘life threatening’ autoimmune diseases ko.)


“Since the night before my confinement, Bimb hasn’t been sleeping well. Sunday, Kuya came to visit me (I’ll share those pictures when I am discharged). Doctor NC told me that he doesn’t do procedures unless they are necessary but this is something all my doctors discussed—why does Kris Aquino get these difficult-to-detect possible health time bombs not once but twice in her lifetime and because of the first, we now all know she’s allergic to all blood thinners.


“I had the non-invasive option explained to me, but I chose to literally trust Filipino doctors with my life rather than take medicine that I am unsure of especially because I just finished a big dose of a strong immunosuppressant and I am continuing with 2 immunosuppressants and so much more supplements, antihistamines, and important vitamins.


“Please pray for all my doctors, those assisting them in the OR, all the nurses (especially mine) and technicians. ‘Wag sana kayo sumuko sa pagdasal dahil kumukuha ako ng lakas galing sa kabutihang loob ninyo. #pleasewagsumuko #tuloyparinanglaban.”


God bless you, Kris Aquino. May our heavenly Father, Lord God Jesus Christ, grant you His great miraculous healing power. Amen.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 20, 2025



Maine Mendoza - Eat Bulaga TVJ

Photo: Maine Mendoza - Eat Bulaga TVJ


Inamin ng aktres at TV host na si Maine Mendoza sa YouTube (YT) ng Eat…Bulaga! (EB) TVJ na may title na Tamang Panahon EP 1: Ang Simula ang tungkol sa kanyang nararamdaman sa aktor na si Alden Richards noong panahon ng Kalyeserye.


Natanong si Maine sa vlog kung minahal ba nila ni Alden genuinely noon ang isa’t isa, na more than pagmamahal ng magkaibigan.


Sagot ni Maine, “Ako, na-in love talaga ‘ko kay Alden, vocal naman ako. Kahit sino naman ‘yung magtanong sa akin, sasagutin ko naman nang diretso. Na-in love ako sa kanya pero hindi siya nanligaw. Walang ganu’n.


“Alam din n’ya, kasi kung vocal ako sa lahat ng tao, pati kay Alden din mismo. Alam ni Alden ‘yun, sinabi ko naman sa kanya nang rekta (direkta), pero hindi s’ya nanligaw.


“Tinanong ko s’ya noon, eh, kasi ang straightforward ko naman na tao. Tinanong ko s’ya rekta, ‘Sabihin mo na sa ‘kin, ano ba’ng nararamdaman mo for me?’ Direkta kong tinanong sa kanya, gusto ko lang malaman. Sabi ko, ‘Kung ano man ‘yan, tatanggapin ko naman. Kailangan ko lang malaman.’ Tapos ‘yun, ang sabi lang n’ya, ‘‘Di ko puwedeng sabihin sa ‘yo kasi mawawala ‘yung magic.’


“Grabe ‘yung relationship namin ni Alden off-cam. Pero may closure naman kaming dalawa, napag-usapan namin ang lahat.”


Marami ang napahanga ni Maine sa pagiging straightforward nito. 

Well, kahit hindi nagkatuluyan sina Maine at Alden ay super lucky pa rin siya dahil nagkatuluyan naman sila ng anak ng multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez at No. 1 congressman ng District 1 ng Quezon City na si Cong. Arjo Atayde.


Pak, ganern!


‘Yun lang and I thank you.

 


Mister, 12 yrs. naghintay… 

SHAIRA, TINULUGAN LANG SI EA SA UNANG GABI AFTER NG KASAL NILA



SA hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy ng 12 long years relationship nina Shaira Diaz at EA Guzman at ngayon ay husband and wife na nga sila.


Nang mag-guest sa Unang Hirit (UH) ang Kapuso actor na si EA kasama ang misis niyang co-host mismo sa nasabing show na si Shaira, 

tanong sa kanila ng kanilang Ninong Arnold Clavio, “Ano’ng masasabi ninyo sa kasal n’yo?”


Sinagot ito nang naka-all-smiles ni Shaira ng “Worth it, worth the wait, worth the money, lahat at s’yempre, iniisa-isa namin ‘yung mga taong nag-stay, nagpunta, naglaan ng oras para sa amin. Talagang sabi namin, we’re very blessed dahil ‘yung mga taong ‘yun talaga ang tunay na nagmamahal sa amin. 


“At s’yempre, ‘yung weather na before and after umulan, nilagpasan nila ‘yung araw ng kasal namin.”


Tinanong din ni Arnold si Shaira ng, “Ano ang pakiramdam mo habang naglalakad ka papunta sa altar?”


Sagot ni Shaira, “Ay, grabe! Kabadung-kabado ako. Sabi ko, hindi talaga ‘ko puwedeng mag-trip. ‘Yun talaga ang ipinagdarasal ko. At saka, pinipigilan ko talagang umiyak, kasi ‘pag umiyak ako, diretsong pangit, eh, kaya dasal ako nang dasal na gabayan ako ni Lord. Samahan N’ya akong maglakad talaga.”


Tinanong din ni Arnold si EA, “Hindi mo napigilan na umiyak nu’ng moment na naglalakad na si Shaira. Ano ‘yung tumatakbo sa isip mo nu’ng mga panahon na ‘yun?”


Sagot ni EA, “Nasabi ko lang nu’ng time na ‘yun ay ‘Oh, my God! Oh, my God!’ ‘Yun lang ‘yung paulit-ulit na sinasabi ko. Tapos, nu’ng pagkabukas kasi nu’ng door, para s’yang anghel. Para s’yang anghel na papalapit sa ‘yo na ang ganda-ganda ng mapapangasawa ko. So ‘yun lang.”

Naikuwento rin ni Arnold ‘yung tungkol sa nasabi ni Shaira kay EA na “Magiging masaya ka na mamaya.” 


Kaya naman, tinanong na rin niya at ng kanyang co-host na si Susan Enriquez si EA ng “Naging masaya nga ba, EA? Kumusta ka naman?”


Sagot ni EA, “Ako, magiging honest ako, ah, pero grabe ang ngiti ko talaga. Pero ‘yung first night, tinulugan ako. Tinulugan ako, oo.”


Natatawang sumagot din si Mrs. Shaira Guzman ng, “It’s a scam.”

Sagot ni EA, “Pero naiintindihan ko naman kasi, talagang ang aga n’yang nagising.”


Kuwento pa ni Shaira, “Kasi ‘di ko na maramdaman ang buong katawan ko.”


Tanong pa ulit ni Arnold, “Ano ang kaibahan nu’ng 12 years sa 1 night?” 


Sagot ni EA na lalong lumabas ang kaguwapuhan dahil sa magandang ngiti at nagniningning na mga mata, “Magical, magical.”


Naikuwento rin ni Susan, “Ito ang pinakamagandang reception na napuntahan kong wedding.”


Sabi naman ng TV host na si Arnold, “Parang ibang mundo.”

Ang nasabi naman ni Shaira, “‘Yan po talaga ‘yung dream namin. So, pumasok po tayo sa mundo ng dream namin.”


Congratulations, Mr. EA and Mrs. Shaira Guzman. 

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 19, 2025



Vilma Santos-Recto - IG

Photo: Vilma Santos-Recto - IG



Marami ang napabilib sa Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa ginagawa niyang pagtatrabaho bilang governor ng Batangas.


Hindi makikita ang tunay na edad ng magaling na aktres sa ginagawa niyang pag-aasikaso sa mga Batangueño, na daig pa ni Vilma ang mga batang governors sa sipag at malasakit sa mamamayan.


Kamakailan lang ay nag-share sa kanyang Instagram (IG) account ang mother dearest ng host ng Rainbow Rumble (RR) na si Luis Manzano at congressman ng Lipa City na si Ryan Recto.


Makikita sa larawang ibinahagi ni Gov. Vilma na nasa bahay na siya, nakauwi galing sa trabaho bilang governor at nakaupo na sa kanyang kama. Gayunpaman, nagtatrabaho pa rin siya, pumipirma ng mga kailangan kahit hatinggabi na. 


Makikita rin sa larawan ang magandang ngiti ni Gov. Vilma.


Saad niya, “Talino at Puso: Mula Agoncillo hanggang San Nicolas, puno ang araw sa kuwentuhan at kumustahan kasama ang mga kababayan. Pag-uwi sa gabi, trabaho pa rin.

Nagpipirma kahit 9:20 PM na, para masigurong tuluy-tuloy ang serbisyong kailangan ng mga Batangueño.”


Maraming netizens ang bumilib sa sipag ng governor ng Batangas at isa na nga rito ang media personality na si Christine Bersola-Babao.


Aniya, “Ala, eh! Love you, Ate Vi. Praying for your extraordinary strength & good health to carry out your mission.”


Sagot naman ni Gov. Vilma, “@christinebbabao Thankssss, Tins!! I miss and love you both! Tins/Julius! May utang pa akong interview kay Julius (tell him hindi ko nakakalimutan! Forgive a friend! Once I am done with our housekeeping in the capitol, I will invite you there!!!!!! Love you guys, God bless.”


Ala, eh! Suwerte naman ng mga Batangueño sa kanilang Gov. Vilma Santos-Recto.



Ngayong 50 na ang madir…

IBINULGAR NI MAVY: CARMINA, MAY MGA GABING ‘DI NAKAKATULOG



SUPER lucky naman ang aktres na si Carmina Villarroel sa pagkakaroon ng anak na sweet and loving tulad ni Mavy Legaspi.


Nagpahayag kasi ng pagbati si Mavy sa kanyang social media para sa ika-50th na kaarawan ng kanyang mother dearest noong August 17, 2025.


Saad niya, “50, looking 21. To the heart of our family, @mina_villarroel happy birthday, Momma! Your love simply makes everything better.


“Thank you for the sleepless nights, the sacrifices you never spoke of, and the unconditional love that never wavered even when I didn’t deserve it... You are the heart of our family, the soul of our home, and the greatest blessing I’ve ever known.

“You are the hardest working, kindest & most loving person in this world. She is what we call ‘HOME’ and she is the glue that holds and keeps this family together. Her patience, understanding, guidance, and perseverance are just a few of many things that describe this wonderful human being. God-fearing and a child of God.

“Cheers to 5 beautiful decades of success, tears, love, faith and dedication, the dedication to being the best actress and mother you could ever be. Cheers to you today and always.


“I’ll love you forever, I’ll love you for always, for as long as I’m living, my momma you’ll be.”


Happy Birthday, Carmina. Enjoy your special day!



SANIB-PUWERSA ang tatlong pinakamababangis na kontrabida sa mundo ng pelikula na sina Rez Cortez, Bembol Roco, at Dindo Arroyo sa isang action-comedy-drama film na Kontrabida, kung saan sila ang bida. Mapapanood ito worldwide sa iWant ngayong Martes (Agosto 19), 8 PM.


Ibang atake ang ihahain ng trio sa Kontrabida sa kabila ng pagiging kilala sa kanilang matitinding papel bilang sindikato, hitman, at kalaban ng bida sa ilang mga sikat at premyadong pelikula sa Pilipinas.


Gaganap si Rez bilang isang dating action star na gustong makuha ang loob ng kanyang apo, si Bembol bilang dating movie syndicate boss na ngayon ay plantito at wellness advocate, habang si Dindo ay dating real-life kontrabida na naging public servant at ngayon ay panadero na inspirasyon ng kabataan.


Magbabago ang lahat nang madukot sila ng mga rebeldeng tagahanga ng kanilang pagiging kontrabida on-screen. Pero imbes na magturo ng kasamaan, haharapin nila ang mas malaking misyon, ang iligtas ang isang bayan laban sa totoong mga terorista.

Sa direksiyon ni JR Reyes at hatid ng iWant at MAVX Productions, tampok ang umaatikabong aksiyon at riot na katatawanan ng trio kasama sina Pekto, Tito Abdul, Tito Marsy, Andrew Bongat, Denise Joaquin, Buchoy Ubaldo, Richmond Geraldo, Imy Bantog, at Papa Ahwel.


‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page