top of page
Heart Evangelista.jpg
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 8, 2026



TALKIES - ION KAY VICE: MAMAHALIN KITA ARAW-ARAW/IG @praybeytbenjamin

Photo: File / IG @praybeytbenjamin



Punumpuno ng pagmamahal ang mensahe ng aktor at It’s Showtime (IS) host na si Ion Perez para sa kaarawan ng kanyang asawang si Vice Ganda.


Saad ni Ion, “‘Di ko hawak ang buhay ko sa araw-araw, pero ang sigurado ako na mamahalin kita araw-araw.”


Saad naman ni Vice, “Pupunuin natin ng pagmamahal bawat araw na ibibigay. Walang sasayangin.”


In fairness kay Ion, super sweet siya sa kanyang love na si Vice. 

Happy birthday, Meme Vice Ganda!





Todo-pasalamat si Sen. Robin Padilla sa aktres na si Dina Bonnevie dahil kinilala at ipinagmalaki nito ang Eddie Garcia Law nang mabanggit sa vlog nilang House of D (HOD) sa YouTube (YT). 


Dati raw kasi ay napupuyat ang aktres sa taping, pero ngayon ay may istriktong oras na para makauwi nang maaga.


Saad ni Sen. Robin, “Maraming salamat po, Binibining Dina Bonnevie, sa pagkilala at pagpapahalaga sa Eddie Garcia Law.


“Ikinagagalak ko po na ito ay napapakinabangan na sa ngayon ng ating mga kasama sa industriya ng pelikula at telebisyon.


“Nang atin pong inihain ang Senate Bill 2505 o ang ‘An Act Protecting the Welfare of Workers in the Movie and Television Industry’, ang nag-iisang hangarin ko po ay mabigyang-proteksiyon ang ating mga kasama sa industriya.


“Kaya’t nang lagdaan ito ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang isang ganap na batas (RA 11996) noong May 24, 2024, wala pong pagsidlan ang ating kasiyahan.


“Nangangahulugan ito ng ligtas na working environment, makatarungang oras ng trabaho, at tamang sahod at benepisyo sa lahat ng mga nagtatrabaho sa industriya ng pelikula, telebisyon, at radyo.


“Dahil sa likod ng bawat eksena, may manggagawang dapat pinapahalagahan at pinoprotektahan.”


Ang Eddie Garcia Law (Republic Act No. 11996) ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong protektahan ang kaligtasan, karapatan, at kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula, telebisyon, at entertainment. Isinabatas ito kasunod ng pagkamatay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia noong 2019 upang masigurong ligtas ang working conditions at patas ang trato sa mga artista at crew.





HANGO sa sariling kuwento ng pagsubok ni Jace Roque ang bago niyang awitin na Pagbangon na ilulunsad sa ilalim ng Star Music sa Abril 10 (Biyernes).

Pagbangon is the story of my rebirth. How I used pain and despair as fuel to reignite my burning passion,” ani Jace.


Nakatulong sa kanya ang pagsulat ng kanta para matanggap nang tuluyan ang pagpanaw ng kanyang uncle, ang aktor na si Boy Roque.


“I wrote this track as a way to come to terms with the loss of my beloved uncle, Direk Boy Roque. He was my father figure, mentor, and unofficial manager. But I didn’t let my grief drown me in sorrow. My uncle prepared me for this. He made sure I am able to walk on my own when he’s not here anymore. So I picked myself up and fought harder than ever before,” pagbabahagi niya.


Si Jace rin mismo ang nag-areglo ng kanta katulong si ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo, na nagsilbi namang producer nito.





IPINAGMALAKI ng aktor-TV host na si Dingdong Dantes na nakapagpa-picture siya sa National Artist na si Kidlat Tahimik.


Kung ang ibang netizen ay gustong magpa-picture sa guwapong mister ng aktres na si Marian Rivera, si Dingdong naman ay masayang nagpa-picture sa film director-writer na si Kidlat Tahimik.


Saad ni Dingdong sa post niya, “AKTOR represent! Last weekend, the creative community came together for the Luzon Guild Summit, organized by the Film Academy of the Philippines. Grateful to be in a room filled with artists, sharing real stories about what it takes to build a guild here in the Philippines. It is not easy work. More often than not, it is challenging. But it is deeply fulfilling because it allows us to serve a greater purpose: to organize, uplift, and empower our community.


“Our sincere thanks to the revitalized Film Academy of the Philippines for its strong and continuing support of the guilds and the industry. We now open our doors to actors across Luzon, welcoming our regional artists into one growing, united community.


At siyempre, nakapagpa-picture pa ako kay National Artist Kidlat Tahimik.”

Well, happy for you, Dingdong Dantes, at may picture na kayo ng National Artist na si Kidlat Tahimik.


‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 31, 2026



Ate Gay Gil Aducal Morales

Photo: File / Ate Gay / Gil Aducal Morales



Kuwento na may kinalaman sa pag-asa at pagkapit sa Diyos ang naging ganap sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ng GMA Network nang mag-guest ang komedyanteng si Ate Gay kamakailan.


Sa panayam ay napag-usapan ng King of Talk na si Boy Abunda at ni Ate Gay ang tungkol sa pareho nilang iniidolo na si Superstar Nora Aunor (RIP).


Inamin ni Ate Gay na ang hindi niya makakalimutan sa kanyang idolo ay nang mag-guest ito sa kanyang solo concert sa Mall of Asia (MOA) Arena. 


“‘Yun ang ‘di ko makakalimutan na umoo agad s’ya. Umakyat s’ya sa stage,” kuwento niya kay Boy.


Tinanong siya ni Boy kung ano’ng paborito niyang linya sa pelikula ni Ate Guy.

Saad ni Ate Gay, “‘My brother is not a pig! ‘Di baboy ang kapatid ko,’ pati ‘Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao. Tayo ang gumagawa ng himala, tayo ang gumagawa ng sumpa. Walang himala!’”


Naikuwento rin ni Ate Gay na bilang impersonator, pinapanood din siya ni Nora noon.

Pinapanood n’ya kaming mga impersonators n’ya at ayaw na ayaw n’yang gumaganu’n kami (itinataas ang hintuturo). Ayaw n’ya, ‘di naman daw s’ya gumaganu’n.”

Tanong ni Boy, “Naniniwala ka sa himala?”


Saad ni Ate Gay, “Naniniwala po ako dahil kung gusto ko nang mamatay, puwede akong mamatay ‘pag nilabanan ko s’ya. Tayo ang gumagawa ng himala.”


Pag-amin din ni Ate Gay, sobra siyang kumapit sa Diyos mapagaling lang siya at mas tumibay ang kanyang pananampalataya.


Tanong ni Boy, “Paano ka noon magdasal at paano ka ngayon magdasal sa Diyos?”


Saad ni Ate Gay, “Noon, tatlong simbahan ang nilalakad ko (San Juan, Don Bosco, Sto. Niño, Tondo at Quiapo). Nilalakad ko lang po ‘yun para magkaroon ako ng magandang buhay at ibinigay naman ni Lord sa akin. Wala naman sa lahi namin ang mag-artista. Ibinigay sa akin ni Lord. Idinadasal ko na magkaroon ng magandang trabaho, magkaroon ng magandang buhay.”


Hanggang ngayon ay nagpupunta pa rin daw siya sa Quiapo at Baclaran Church.

Tanong ni Boy, “Kahit kailan, nagtanong ka ba sa Panginoon kung bakit ka nagkasakit?”

Saad ni Ate Gay, “‘Di po. ‘Di ko po Siya sinisi. ‘Di ko po puwedeng sisihin ang Lord. Sinabi ko lang, ‘Pagalingin N’yo lang po ako.’”


Sa panayam ay pinasalamatan ni Ate Gay ang mga nakatulong sa kanya noong panahon na nagpapagamot siya sa kanyang cancer.


Tanong ni Boy, “‘Di alam ng marami, pero ang sumasagot sa iyong pang-araw-araw ay ang ating kaibigang si Heart Evangelista.”


Saad ni Ate Gay, “Napakabuti ni Heart. Siya ang nakilala kong ipinanganak na may gintong kutsara sa labi. Bata pa lang ako, nakita ko na s’ya noong nag-work ako sa Ihaw-Ihaw Kalde-Kaldero (Singing Cooks and Waiters). Ang babait nila, si Ms. Love, si Ms. Soen, si Ms. Happy, si Ms. Heart.”


Tinawagan daw ng P.A. ni Heart si RJ Franco, manager ni Allan K. at du’n na sila nakonek para matulungan siya nito sa kanyang mga pangangailangan sa kanyang sakit.


Saad ni Ate Gay, “Opo, tapos monthly n’ya po akong binibiyayaan. Miss Heart, thank you so much. Noong si Miss Chaye (Cabal) na nag-offer ng Asian Hospital, si Miss Heart in-offer-an n’ya ako pumunta sa Singapore. Nauna si Miss Chaye kaya ‘yun na lang ang ginawa ni Miss Heart.”


Ibinahagi ni Ate Gay na kahit may sakit siya ay kaya pa rin niyang magtrabaho at may go signal naman ‘yun ng doktor. Pinasalamatan din niya ang TV host na si Allan K sa pagbibigay sa kanya ng trabaho.


Nawa’y pagalingin pa si Ate Gay, at salamat kay Heart Evangelista sa pagtulong sa kanya.



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 31, 2026



Regine Velasquez

Photo: File / Regine Velasquez



Malapit na palang magretiro ang singer-actress na si Regine Velasquez-Alcasid. Ibinahagi ito ng loving wife ni Ogie Alcasid sa kanyang interview sa Billboard Philippines.

Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa mga naging mentor ni Regine tulad nina Cesar Aguilar, Lorrie Ilustre at Louie Ocampo na mga naging musical director niya.


Tanong kay Regine, “Ano ‘yung mga moments that opened the biggest door for you?”

Sey ni Regine, “Siguro for me, Boss Vic, Vic Del Rosario is like my biggest godfather. He opened a lot of doors for me like movies, even in hosting, you know? Kasi s’ya ‘yung unang-unang recording company... Well, not the first but he opened a lot of doors for me like movies and recordings.”


Tanong kay Regine, “Is there anything that would make you stop singing or performing?”

Sey ni Regine, “Actually, papunta na ‘ko ru’n. I’m celebrating my 40th year in the business and to celebrate that, I’m going to have a concert sometime in October, pero wala pa kaming date, wala pa kaming venue, but it’s going to be my last big concert. Yes, to celebrate my 40th year. It’s going to be my last big concert.


“Although I still have some projects next year, this will be my last big solo concert.”

Dagdag na tanong kay Regine, “One final big show concert in October, after that, what’s next?”


Sey ni Regine, “I still have mga projects next year and then eventually, I’ll retire. Simple lang, and sabi ng asawa ko, ‘Retirement means not really stopping all together.’ It means doing whatever it is that you want to do, but it will free me from ‘yung pressure of trying to please everyone. Parang ‘di naman daw kasi, ‘di ba, ‘yung concept natin ng retirement is ‘yung tutunganga ka na lang sa bahay mo?


“Parang ayoko rin naman ‘yun, ‘no? Parang, ‘Ha, ano’ng gagawin ko?’ Parang ‘di rin ako sanay nu’n. But kasi, I kept thinking what am I gonna do next if I retire? Parang I have to find something to do. Parang mananahi ba ako? Kailangan kong bumili ng sewing machine.


Tapos mag-apply ako kay Ryan bilang mananahi. I don’t know, but I have to find something to do. But I guess I don’t have to completely stop. Sabi ng asawa ko, ‘Retirement means ‘di ka totally kailangan tumigil. You just have to free yourself of the pressure.’”

Well, sure si yours truly na maraming tagahanga si Regine Velasquez-Alcasid na malulungkot kapag tuluyan na siyang nagretiro, ‘di ba naman, Ogie Alcasid?





“HINDI lang dugo ang sukatan ng pagiging totoo sa pagmamahal,” ang pahayag ng aktres na si Lotlot De Leon sa kanyang social media post.


Simple pero makatotohanan ang pahayag ng anak ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.


Saad ni Lotlot, “Putting this out here. Ang pagiging adopted ay ‘di nakakabawas ng halaga, pagkatao, o pagiging tunay na pamilya.


“‘Di rin ito dahilan ng paghinto ng pagbibigay ng opinyon o ng saloobin sa mga tama o mali. ‘Di rin ito sapat na dahilan para ‘di masaktan dahil ‘di tunay na anak.


“‘Di lang dugo ang sukatan ng pagiging totoo sa pagmamahal.”

Sagot ito ni Lotlot sa ilang netizens na walang pakundangan at ipinagdidiinan pang hindi siya tunay na anak ni Nora.


In fairness, kahit kailan ay hindi tinawag na ampon ni Bok or Ate Guy si Lotlot sa harap ni yours truly. Ang alam ko lang ay mahal na mahal ni Nora ang kanyang mga anak.





PATULOY ang pag-angat ng global storytelling ng ABS-CBN matapos magtala ng malakas na debut sa Prime Video Philippines. Eksklusibong mapapanood ang 10-episode mystery-thriller limited series na The Silent Noise (TSN) sa plataporma bago ang nakatakda nitong international release.


Binigyang-diin ng ABS-CBN Chief Operating Officer na si Cory V. Vidanes ang kahalagahan na dalhin ang serye sa iba’t ibang bansa.


Pahayag nito, “Nakakaengganyo ang mga komento para sa The Silent Noise habang inihahanda namin itong ipalabas sa global market. Patuloy pa rin ang commitment namin na iparating ang mga kuwentong Pilipino sa aming manonood sa iba’t ibang panig ng mundo.”


Ibinida rin ng Creative Head na si Tanya Bautista na nilikha ang serye na parehong lokal at international audiences ang nasa isip.


Aniya pa, “Gusto naming gumawa ng kuwentong fresh at totoo, something na makaka-relate ang mga manonood kahit saan man sila naroroon.”


Ang TSN ang kauna-unahang Filipino limited series ng ABS-CBN na ilulunsad sa global market, na magkakaroon ng iba’t ibang language versions upang mas maabot ang mga manonood worldwide.


Sinusundan ng kuwento ang isang pamilya na may anak na bingi at unti-unting babalutin ng misteryo at suspetsa matapos ang isang trahedya.

Itinatakda ng The Silent Noise ang ika-limang pagtatambal nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. 


Introducing dito si KD Omalin at kasama sina Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia, Mylene Dizon, Joem Bascon, Karina Bautista, Tommy Alejandrino, Ramon Christopher Gutierrez, Junjun Quintana, Joel Saracho, at Kakki Teodoro.


Mapapanood ang mga bagong episodes tuwing Biyernes, 6 PM, eksklusibo sa Prime Video.


‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page