top of page
Heart Evangelista.jpg
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 12, 2026



Heart Evangelista sa Fast Talk with Boy Abunda

Photo: Heart Evangelista sa Fast Talk with Boy Abunda



Kuwentuhan tungkol sa magkaibigan ang naging ganap sa programang Fast Talk with Boy Abunda ng GMA Network nang mag-guest ang aktres na si Heart Evangelista.

Sa panayam ng mahusay na TV host na si Boy ay napag-usapan kung gaano kalalim ang pagiging magkaibigan nina Heart at Angelica Panganiban.


Sey ni Heart, "If I had mom, if I had a Miriam Defensor, I had also Angelica Panganiban. I'm always attracted sa mga strong girls.


"And isa siya sa alam mo 'yun, hindi ako mapakali na bakit hindi kami magtugma? ‘Yung ang arte-arte ko kasi, not in a bad way.


"Pero s'ya kasi, ‘Ang arte-arte mo’, so, ayun, hindi kami magtugma. Ayun, nagkaroon siya ng anak na napakaarte. So ngayon, naiintindihan n'ya na ‘ko. Ngayon, love na love na ‘ko ni Bean (anak ni Angelica Panganiban). Sabi ko, 'Ako talaga ang nanay niya.' 


"The circle of life. But I'm so happy na okay kami (Angelica Panganiban) kasi ganu’n ako magmahal. Naiyak naman ako, ganu'n ako magmahal ng kaibigan. As in every napkin or everything, I treasure every moment. So, I'm very, very sentimental and isa siya talaga. 

"Alam mo 'yung naalala ko nu’ng bata ako? ‘Yung mga letters namin, 'yung mga diary entries ko, lahat kini-keep ko 'yun kasi parang feeling ko, ebidensiya 'yun 'pag nag-usap kami ulit na talaga, 'Pal, mahal na mahal kita. Tingnan mo, oh!' So, nu'ng nagkita kami, lahat 'yun, dinala ko sa kanya, 'di niya expect. 


"Nagulat siya! And I think that's what really made it special na alam niyang hindi siya nagkamali dahil ako pa rin 'yung pal niya nu’ng mga times na 'yun. Hindi ako nagbago."

Tanong ni Boy, "What do you most appreciate about Angelica?"


Sey ni Heart, "Na never namin pinag-awayan 'yung fame. Dito kasi sa showbiz, it's always parang pagandahan… kumpitensiya. 


"Never naming naging problema 'yun. And 'yun 'yung talagang sukatan ng true friend. Sa mata ng true friendship sa show business. 


"She's so happy for me and I'm so happy for her. Talagang genuine happiness. Ito talaga si pal ‘pag nakikita n'ya ‘ko sa fashion week, kahit nu’ng magkaaway kami. Ito talaga si pal, ito talaga s'ya. Nakakatuwa na naa-appreciate talaga n'ya 'yung may narating ang kaartehan ni pal.


"I love her, totoong tao siya."


Sa panayam ay napag-usapan din ang tungkol sa pagpapasalamat ng komedyanteng si Ate Gay kay Heart dahil sa tulong na ibinigay niya.


Sey ni Heart, "Actually, nagulat ako na binanggit niya (Ate Gay). Kasi we've never met, like, after, and never kami nag-usap talaga. Trivia, 'yung sinabi niyang nag-usap kami, kausap niya 'yung assistant ko, tapos after that, kinausap niya ako. Gusto lang niyang magpasalamat, pero hindi niya alam na ako 'yun.


"Kasi, Tito Boy, for me, it's sad but I've not given so much thought of it, but there's always going to be color in whatever we do as public people. But my points in heaven are far more important... Pero salamat din kasi iba rin pala marinig na nagpapasalamat sa iyo 'yung tao, kasi most of the time, people don't really know it's me. 


"So, I really appreciate and in fact never ko ini-inform sa kanya na ako 'yun. So, na-touched ako kasi yeah, I work hard and not just for me, but for a purpose and for me to write a story that would be so great to read one day when I'm no longer here. But for now, I'll leave it at that. 


"Kasi 'yung points ko talaga in heaven, pinakaimportante sa lahat."


Well, in fairness kay Heart ay puwedeng-puwede naman siyang mag-inarte dahil may K naman siya, as in karapatan. Ang importante, matulungin siya sa kapwa.

'Di ba naman, madlang people?





GANAP nang recording artist ang singer-songwriter na si Sofi Fermazi matapos niyang ilunsad ang debut extended play (EP) na u4me sa ilalim ng Star Music.


“I honestly can’t explain the happiness in my heart right now. This moment feels surreal. From dreaming about it to finally living it, it’s all worth it,” saad ni Sofi sa Facebook post.


Mula sa orihinal na komposisyon ni Sofi ang anim na awitin na Beep, Dito, ‘Di Na Bale, U 4 Me, Places Where We Hug, at Candy.


Nagsilbing producers nito sina ALAS, Hans Jason Canteras, at Lian Kyla.

Tampok bilang key track ng EP ang Beep na sumasalamin sa tibok ng pusong nahuhulog sa pag-ibig at sa nakakakilig na excitement na dulot nito.


Bago ang kanyang recording debut, nakilala ang Kapamilya singer sa kanyang viral song covers ng mga awitin nina  Adele, Taylor Swift, Olivia Rodrigo, Sharon Cuneta, at Ben&Ben, at umani na siya ng mahigit sa 143,000 followers at 1.3 million likes sa TikTok. Naging bahagi rin si Sofi ng segment na Expecially For You sa It’s Showtime noong nakaraang taon.


Napapakinggan ang U4me EP ni Sofi sa iba’t ibang digital streaming platforms. 

'Yun lang and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 11, 2026



John Pratts at Heart Evangelista - Instagram

Photo: File / John Pratts at Heart Evangelista - Instagram




“I was confused. So, parang iniisip ko, parang pagmamahal ba ‘yun?” ang tanong ng aktres na si Heart Evangelista nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang first love na si John Prats nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Sa panayam ay ibinulgar ni Heart na pinaiyak siya noon ng kanyang first love at former love team na si John Prats.


Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “John Prats, let’s talk about Praty (John). First love?”


Saad ni Heart, “You can say that, yes. Actually, never kong naibigay naman sa kanya ‘yung koronang ‘yun kasi, ewan ko, looking back, parang siguro naisip ko, sobrang bata namin.”

Sey naman ni Boy, “Nakita ko kayong dalawa noon.”

Saad ni Heart, “Oo, ang lilikot at ang haharot.”


Dagdag pa ni Heart, “I was confused. So, parang iniisip ko, parang pagmamahal ba ‘yun? Pero looking back and when I saw him again, I realized that I think I dethroned him by giving him the title of first love kasi pinaiyak n’ya ‘ko. As in pinakabrutal na iyak! You know Wuthering Heights?”


Sey ni Boy, “Yes.”


Saad ni Heart, “Para kaming dalawang bata ru’n. Brutal kami sa isa’t isa. So, iniisip ko, ‘di naman ‘yun pagmamahal kasi parang brutal kami. We grew up together, 6 years of my life from 13 to 19, kami ‘yung love team. So, I never really thought kung work ba talaga s’ya or love. So maybe, that’s why I was confused for the longest time. But maybe, tanungin natin s’ya.”


Hirit na tanong ni Boy, “Napag-usapan n’yo ‘yun?”

Saad ni Heart, “Yes, sa Heart World. Nagulat ako sa sagot n’ya. Sabi n’ya, ‘Love.’ Ikinagulat ko.”


Well, kantahan na lang natin si Heart Evangelista ng makabagbag-damdaming awitin that goes… “Sana’y maaaring ibalik ang kahapon… At doon ay magising na ang pag-ibig mo… Sa dalangin ay hinihiling kong… Lumakad sanang pabalik ang panahon…


“Sana’y maaaring ibalik ang kahapon… At iguhit na muli ang nakaraan… Sana’y kaya kong baguhing lahat… Sa nakalipas nating kasaysayan… O sayang…”

Boom, ganern!





Proud na proud na may magandang anak…

HIRIT NI POKWANG: MALIA, BAGONG ANGELICA PANGANIBAN



“GUSTO ko ‘yung mga anak ko, lahat makatapos ng pag-aaral,” ang pahayag ng komedyanang si Pokwang nang mag-guest siya sa YouTube (YT) channel ng komedyanteng si Chad Kinis.


Sa panayam ay napag-usapan nila ang tungkol sa kagandahang taglay ng bunsong anak ni Pokwang na si Malia.


Tanong ni Chad, “Sa tingin mo, ano ‘yung traits na nakuha ni Malia sa ‘yo?”

Sey ni Pokwang, “S’ya ‘yung bagong henerasyon ng Angelica Panganiban. Kasi sinabi ko talaga dati, lagi kong sinasabi, sana magkaroon ako ng anak na parang Angelica.”


Dagdag na tanong ni Chad, “So, na-manifest mo?”


Sey ni Pokwang, “Oo, during the Wowowee days pa, sabi ko, sana magkaroon ako ng anak na parang Angelica, parang Bea Alonzo, ganu’n.”


Dagdag na tanong ni Chad, “Sa physical attributes, ano sa tingin mo ang nakuha ni Malia sa ‘yo?”


Mabilis na sagot ni Pokwang na may kasamang ngiti, “Wala.”

Dagdag na sey ni Pokwang, “Malia is such a very beautiful blessing na galing sa maling tao.”


Tanong ni Chad, “Dahil maganda si Malia, gusto mo s’yang mag-artista?”

Sey ni Pokwang, “Ako naman kasi, nakikita ko papunta na s’ya ru’n. Gusto kong nag-e-enjoy s’ya. Pero ako, as much as possible, kasi kulang ako sa pag-aaral, wala kaming perang pang-aral, gusto ko ‘yung mga anak ko, makatapos. Hangga’t maaari, gusto kong makatapos sila ng pag-aaral.”


Hirit na tanong ni Chad, “Bago mag-artista?”


Sey ni Pokwang, “Oo, puwede naman siguro kung mag-aartista s’ya basta ‘yung pag-aaral, nandu’n.”


Well, korek ka riyan, Pokwang. Mas maganda pa rin ang may pinag-aralan dahil education is the most powerful weapon.

Pak, ganern!

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 9, 2026



Barbie Imperial at Richard Gutierrez

Photo: File / IG Barbie at Richard



“Natutuwa ako kay Barbie (Barbie Imperial) talaga dahil ‘yung energy n’ya, ‘di nagbabago,” ang pahayag ng veteran actor at direktor na si Direk Edgar ‘Bobot’ Mortiz sa preskon ng teleseryeng Blood vs. Duty (BVD) na ginanap sa Dolphy Theater kamakailan.


Napansin ni Direk Bobot ang pagiging sweet ng aktres sa set ng kanilang bagong teleserye.


Saad ni Direk Bobot habang natatawang nakatingin kay Barbie, “Sabi ko, ang tagal pa ba? Ano’ng oras na ba? ‘Darating po si Richard, direk. Darating na, tatawagan ko.’”

Dagdag pa ni Direk Bobot, “Natutuwa ako kay Barbie talaga dahil ‘yung energy n’ya, ‘di nagbabago. Maganda kay Barbie, ‘di s’ya napapagod. Alas-dos na ng madaling-araw, ‘di pa rin s’ya napapagod, kasi lilipat sa set namin si Richard. Maganda pala talaga ‘pag gagawa ka ng project, alam mo na excited sila magkita ni Richard.”


Sa panayam, tinanong si Barbie kung ano ang masasabi niya sa pahayag ni Direk Bobot.

Sey ni Barbie na may kasamang magandang ngiti, “Mataas naman talaga ang energy ko sa lahat, palagi.”


Sey naman ng guwapong aktor na si Richard, “Minsan napapataas ko ‘yung energy n’ya, minsan blood pressure.”


Well, sa taglay na karisma ni Richard Gutierrez, sino ba naman ang hindi tataas ang energy. ‘Di ba naman, my dear friend, Jun Lalin?





NAPAG-USAPAN sa YouTube (YT) channel na House of D (HOD) nina Dina Bonnevie, Danica Sotto-Pingris, Marc Pingris, Kristine Hermosa-Sotto at Oyo Sotto ang kahalagahan ng tamang oras ng pagtulog nang mag-guest ang sleep and burnout

specialist na si Dina Salonga.


Saad ni Ms. Dina Salonga kay Danica, “‘Yung nanay mo (Dina Bonnevie), 3:00 AM daw natutulog, eh.”


Wika naman ni Dina Bonnevie, “Ayoko na nga. Nakakapangit.”

Parang hindi naman naapektuhan ang ganda ng mother dearest nina Oyo at

Danica dahil until now, beauty pa rin siya.


Saad pa ni Dina Salonga, “Alam mo, Dina, sa tingin ko, ito ay carry over sa panahon na very active ka pa sa showbiz. Na ‘yung very irregular din ang oras mo ru’n. Nagte-taping kayo nang hanggang madaling-araw.”


Wika naman ni Dina Bonnevie, “Pero ngayon, thanks to the Eddie Garcia Law, ‘di naman ako masyadong pinupuyat. Pero ‘pag minsan, inabot nang 3 AM, wala na kahit dumating ako sa bahay, ‘di na talaga ako makatulog.”


Samantala, dahil sa nabanggit ni Dina at nagpasalamat pa siya sa Eddie Garcia Law, hindi pinalagpas ng aktor na si Sen. Robin Padilla na pasalamatan si Dina dahil sa pagkilala at pagpapahalaga sa batas.


Ang Eddie Garcia Law (Republic Act No. 11996) ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong protektahan ang kaligtasan, karapatan, at kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula, telebisyon at entertainment. Isinabatas ito kasunod ng pagkamatay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia noong 2019 upang siguraduhing ligtas ang working conditions at patas ang trato sa mga artista at crew.





“EVERY child deserves to feel safe, heard, and protected,” ang pahayag ng aktres na si Yasmien Kurdi sa kanyang social media post.


Saad ni Yasmien, “We are deeply grateful to Atty. Ade, Atty. Paeng, Atty. Rej, and Atty. Jojo for their unwavering support and guidance to our family. And to all my professors in law school, thank you for your advice and guidance. We would also like to extend our sincere thanks to DepEd Secretary @sonnyangara, Mrs. Tootsie Angara, and Ms. Fatima for their support and concern. 


“Last year, upon @ayeshazarasoldevilla’s request, we formally filed our complaint with @depedphilippines with complete and factual evidence. As her parents, we will always stand by her and protect her. This is not just about one child, it is about accountability! 


“Under the Anti-Bullying Act (R.A. 10627), schools are required to act, and when they fail, DepEd has the authority to investigate and impose sanctions. Thank you, DepEd, for listening to Ayesha and prioritizing the welfare of victims. Parents and kids, SPEAK UP! If schools do not act, you have the right to elevate your concerns: TeleSafe Hotline: 33733 (SMART/PLDT), Email: weprotectlearners@deped.gov.ph, Telephone numbers: 8638-1782 / 8632-1372. Every child deserves to feel safe, heard, and protected.”

Korek ka r’yan, Yasmien Kurdi. Say no to bullying.





HANDA nang gumawa ng kasaysayan ang girl group ng ABS-CBN na BINI sa Coachella Valley Music and Arts Festival para sa kanilang inaabangang performance ngayong Sabado (Abril 11), 7:15 AM PHT, na isang malaking milestone para sa musikang Pilipino sa world stage.


Maaaring magbigay ng suporta ang mga Pilipino sa BINI sa panonood nang libre sa Coachella YouTube (YT) channel. Hanapin lang ang Mojave Stage livestream.


Ibibida nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang OPM sa isa sa pinakamalaking music festivals sa buong mundo, na magaganap nang live sa Indio, California. 


Nakatakda naman ang ikalawa nilang performance sa umaga ng April 18 (PHT). 

Susundan ng Coachella debut ng grupo ang paglunsad ng kanilang Signals EP, na magaganap na ngayong Huwebes (Abril 9), 9 PM PHT. 


Nakapaloob dito ang anim na kanta, kasama ang mga inaabangang Blush, Tic Tac Toe, Sugar Rush, at Step Back, at ang mga nauna nang inilabas na Unang Kilig at Honey Honey na umani na nang milyun-milyong streams sa Spotify.


Pagkatapos naman ng kanilang Coachella performance, magiging bahagi ang BINI ng Global Spin Live ng GRAMMY Museum sa Abril 21.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page