top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 14, 2025



Photo: Robin Padilla - FB


Nag-share ang senador at aktor na si Sen. Robin Padilla ng kanyang saloobin tungkol sa pagdalaw sa kanya ng mga anak ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor (RIP) at nagbahagi rin siya ng makabuluhan niyang araw sa Senado.


Dumalaw ang aktres na si Lotlot De Leon kasama ang kapatid na si Kenneth De Leon kay Sen. Robin sa Senado noong August 11, 2025.


Saad ni Sen. Robin, “Isa na naman pong makabuluhang araw sa Senado.

“Isang kagalakan pong mabisita ng mga anak ng nag-iisang Superstar at Pambansang Alagad ng Sining, Gng. Nora Aunor, upang kumonsulta at makipag-ugnayan sa atin. Binisita rin po tayo ng ating mga kapwa lingkod-bayan mula sa Philippine Air Force.


“Tayo po ay nagtungo rin sa Session Hall upang talakayin ang mga isyu patungkol sa healthcare system ng bansa. Ako po’y nananawagan sa mga opisyal ng gobyerno na ‘wag gawing personal na pakinabang ang pondong nakalaan para sa kalusugan ng ating mga kababayan. Ang bawat sentimo nito ay dapat gamitin para sa serbisyong medikal at maayos na pangangalaga para sa lahat.


“Matapos ang sesyon sa plenaryo, nakipagdiskusyon naman po ako sa aking mga staff ukol sa mga panukalang batas na kasalukuyan nating isinusulong.


“Nagsagawa rin po tayo ng mga panawagan kaugnay sa mga usaping nais nating tugunan

para sa kapakanan ng ating mga kapatid na Muslim.


“Isang produktibong araw para sa kapakanan ng bayan. Maraming salamat po sa inyong tuluy-tuloy na suporta.”


Nagpapasalamat ang mga Noranians sa pagmamahal at pagmamalasakit ni Sen. Robin Padilla sa namayapang Superstar na si Ate Guy.


Kahit tumira pa raw siya sa kalye…

JOEY, AYAW MAGING PABIGAT SA MGA ANAK


NAKAKATUWA ang kuwentuhan na naganap nang mag-guest ang dating basketball player at aktor na si Joey Marquez sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan lang.


Sa umpisa pa lang ng show ay sinabi na agad ng mahusay na TV host na si Boy Abunda na guwapo pa rin si Joey at hindi nagbabago.


Sa unang tanong ni Boy, “‘Pag sinasabihan kang guwapo, ano ang reaksiyon mo?”

Sinagot naman ni Joey ng “S’yempre, proud. Dalawa na lang ang nagsasabi sa ‘kin nu’n, nanay ko at saka ikaw.”


Naitanong din ng mahusay na host kung kumusta siyang kapatid lalo na kay Melanie.


Sagot ni Joey, “Kapatid sa lahat, wala akong pinipili. Lahat, kasi sabi ko, ang sarap magkaroon ng kapatid, ‘di ba? Bakit gagawa ka ng kaaway?”


Sinundan pa ng tanong ni Boy, “Walang half-brother, half-sister?”

Sagot ni Joey na halatang naging seryoso sa naging sagot ay “Walang ganu’n, wala ‘yung half-hearted, eh. Kailangan it’s either mahal mo o hindi mo mahal, hindi nahahati. Ang paghahati lang kasi, binigyan mo ng division, eh. Sabi ko, everything will be successful as a whole.”


Kuwento pa ni Kuya Boy, “In one of your controversies, hindi ko malilimutan ‘yung when she was trying to defend you (referring to Melanie Marquez), ‘Do not judge my brother, because he’s not a book.’”


Kuwento rin ni Joey, “I’ve seen that. Nahulog ako sa kama. Sabi ko, ‘That’s my sister.’”

Tanong din ni Boy, “Kumusta ka bilang tito kina Michelle halimbawa?”


Sagot ni Joey, “Si Michelle kasi, last time na nakita ko s’ya, bata pa, eh. Ah, I think she was just 12 years old or 13 years old. But I realized din kasi nakita ko maganda s’ya. Sabi ko, ‘One day, magiging beauty queen ‘to.’”


Tanong ulit ni Boy, “Ano’ng klaseng tatay ka?”


Sagot ni Joey, “Tatay na dapat gawin ang responsibility without asking anything back. Kasi sabi ko nga, eh, I just want to remind some children here, sa mga sons and daughters, na ang tatay, ibibigay n’ya lahat kahit nahihirapan na s’ya but he will never ask anything back. Kahit nahihirapan s’ya, hindi kikibo ‘yan, kaya sabi ko, always love your parents. Especially your father.”


Dagdag na tanong ni Boy, “May responsibilidad ba ang anak na alagaan ang magulang?”


Sagot ni Joey, “Para sa akin, wala. Kasi bilang magulang, ako kasi, ‘di ko itinuring na investment ang mga anak ko, itinuturing ko s’yang responsibilidad. Na kailangan, gawin ko lahat para sa magandang future nila. Kung sumikat sila, yumaman sila, I promise myself kahit may sakit ako, kahit nasa kalye na ako, I will never burden them.


“May pride ako, eh. Oo, siguro mali. Pero sinasabi ko lang sa kanila, do best in life and be successful and that’s more than enough. ‘Yun lang ang kaligayahan ko.” 


Huwarang ama talaga si Joey Marquez, nakakabilib ang ginawa niyang pagpapalaki sa mga anak niya. ‘Yung mga ama na tumalikod sa responsibilidad sa kanilang anak, sure si yours truly na may karma ring darating sa kanila. 

Pak, ganern!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 13, 2025



Photo: Joey Marquez sa Fast Talk with Boy Abunda


Nanalo ang TV host na si Boy Abunda ng Best Celebrity Talk Show Host para sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Nagpasalamat ang mahusay na TV host sa Tag Awards Chicago para sa karangalan na ibinigay sa kanya.


Saad ni Boy, “Hindi lamang po ito para sa akin. Para po ito sa lahat ng narito. I share this with the men and women of Fast Talk. Maraming salamat po, Tag Awards Chicago.

“I’m Boy Abunda and I’m Tag Victorious.”


Well, kamakailan lang ay nag-guest ang dating basketball player at aktor na si Joey Marquez sa FTWBA.


Tanong ni Boy kay Joey, “Kung ‘yung pagiging babaero mo ba ay… was that an image or how real was that?”


Sagot ni Joey, “Sa mga babae, ‘yun ang tawag sa amin, babaero, pero sa mga lalaki, idol.

“Hindi ako babaero, mapagmahal lang ako. I remember my mother once told me, never say no to a woman, kabastusan ‘yan. Kailangang irespeto ang mga babae. Whatever they like, whatever they want, always yes.”


Dagdag na tanong ni Boy, “Kung nagkakasabay-sabay ang request, paano naman ‘yun?”

Sagot ni Joey sabay tawa nang malakas, “Time management!”


Natawa nang bonggang-bongga si Boy, sabay dialogue ng “Hindi ko kinaya ‘yun.”

Tanong pa ulit ni Boy, “Ano ang art of time management?”


Sagot ni Joey, “You have to differentiate breakfast, lunch and dinner, kailangan lang na nama-manage nang maayos ang oras sa bawat babaeng ide-date.”


Sa ngayon ay payapa na si Joey sa non-showbiz partner na si Malu Quintana.

Kuwento pa ni Joey, “I just probably thought of having many options until I found the one. And I found the one. That’s why I stopped.


“Very understanding and she listens. She accepted me for what I am. Sabi ko nga sa kanya, ‘Malu, don’t make the mistake of changing me. Let me change, just don’t dictate the change. Kasi one day, I will realize that I have to change.’”


Tanong pa ni Boy, “Napanatili ninyo ni Alma Moreno ang inyong magandang relasyon bilang magkaibigan?”


Sagot ni Joey habang may magandang ngiti, “Best friend ko s’ya kasi siguro na-realize namin pareho na kailangang i-consider namin ‘yung mga anak namin, kung whatever mag-away kami, maapektuhan ang mga bata. So what we did, sabi ko, hindi man tayo tumagal na husband and wife but we can be friends or best friends by doing that para naman ma-compensate ‘yung lungkot ng mga anak natin na naghiwalay tayo.”


Tanong ni Boy, “‘Pag nagbibigay ka ng tulong o regalo, idinadaan mo kay Malu Quintana, your partner today?”


Sagot ni Joey, “S’yempre, respect din. Respeto sa lahat, kung ka-partner mo, ‘wag mo s’yang i-blind side. Kailangan na alam din ‘yan because that are partners for, eh.”

Congratulations, Joey, dahil nakita mo na ang the one mo. 


And congratulations also sa magaling na TV host na si Boy Abunda for winning Best Celebrity Talk Show Host para sa Fast Talk with Boy Abunda!



MARAMI ang matututunan sa pelikulang Mga Munting Tala sa Sinagtala (MMTSS) ni Direk Errol Ropero dahil bukod sa mahusay ang mga artistang kasama ay napakaganda ng pagkakagawa ng pelikula. 


Ito ay puno ng moral values na itinuturo sa kabataan ang katatagan sa mata ng inosenteng buhay, at kung paano natin dapat lutasin ang isang problema.


Ang movie ay produced by Mamu’s Talent House Agency and Camerrol Entertainment Productions, sa direksiyon ni Errol Ropero, at pinagbibidahan nina Ryrie Sophia, Richard Kuan, Jeffrey Santos, Miles Poblete, Shira Tweg, Potchi Angeles, Francis Saagundo, Scarlet Alaba, Dray Lampago, at Yassi Ibasco.


Isa ito sa pinakamahusay na pelikula ni Direk Errol — mula sa acting showdown, cinematography, scoring at kahit color layout, production design na masasabi mong well-budgeted, at tama ang target audience — ang mga estudyante mula elementarya hanggang senior high.


Sa panayam sa mahusay na director ay sinabi niya, “Itong pelikula ay isang kuwento pero magkaibang pelikula. Ginawa namin para sa mga elementary at mas batang edad, 11 pababa, kasi magkakaroon kami ng Campus Tour, iiikot namin ito sa buong Pilipinas.


“So, may iba-iba kaming ino-offer sa kanila. So, ang Munting Tala ay para sa mga mas batang audience. Ito po ‘yung mga kuwento ng kabutihang asal na madaling maka-relate ang mga batang audience, mas magaan ang kuwento.


“‘Di tulad sa Sinagtala na nag-focus about family sa gitna ng kahirapan, ‘yun ang makikita natin.


“Ang importante po sa dalawang version nito, ‘yung kahalagahan ng edukasyon.”

Showing ngayong September sa iba’t ibang paaralan sa bansa, kasabay ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.


Ang nasabing pelikula ay magbibigay ng realisasyon kung gaano kalalim ang koneksiyon mula sa pamilya, pananampalataya at kaibigan.

‘Yun lang and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 12, 2025



Photo: Kris Aquino - IG


Muling nagparamdam si Kris Aquino sa Instagram (IG) nitong Agosto 11 nang madaling-araw, humiling siya ng patuloy na panalangin mula sa publiko upang malampasan ang matinding pagsubok sa kanyang kalusugan.


Saad ni Kris, “On purpose, matagal akong hindi nag-upload. I have to admit if I told you what was happening, some of you may stop praying because my autoimmune diseases were increasing in number & my life-threatening ailments needed me to make a brave choice. Trust me, it’s difficult to accept every night when I sleep that there may be no tomorrow for me.


“My almost 2 months stay in this private beach property owned by a kind & generous family who want me to regain my health as well as strengthen my faith in God’s merciful healing power, I came to a decision, I have another 6–8 hr. infusion session in 6 days. It’s one of the strongest autoimmune immunosuppressants together with my 2 other, 1 taken daily, and 1 given via injection that will totally wipe out my immunity. I will be in preventive isolation for 6 months.


“I’ll live in our compound in Tarlac; my Cojuangco cousins and I fondly call it Alto.

“Where is Kuya? Since the deaths of his Lola Cory, Lola P, and Tito Noy, seeing me frail, weak, often attached to my IV drip, Kuya is traumatized, visibly shaking, repeating ‘Mama, get well. I love you…’ For now, he’s living with my genuinely super loving cousin.


“Bimb, now 18, has sacrificed much to take care of me. He is heaven’s gift, my optimistic adult who reminds me I should never surrender.


“After a few more scheduled tests & treatments, and my recuperation, Bimb & I are ready to reveal all & show you everything for the first time. PLEASE CONTINUE PRAYING, kailangan na kailangan ko.


“Thank you to both Makati Med and St. Luke’s BGC, my doctors, their fellows & residents, the nurses assigned to me in the hospitals, my personal nurses, the many skilled technicians operating the high-tech machinery, and all who continue to believe na gagaling pa rin ako #tuloyanglaban.”


God bless you, Kris Aquino. May our heavenly Father, Lord God Jesus Christ grant you His great miraculous healing power. Amen.


Kaya naka-6 na anak na… 

OYO, KAHIT PAGOD, DAPAT PAGBIGYAN SI KRISTINE SA SEX


MASAYANG usapang-mag-asawa ang umikot sa online show na House of D (HOD) ni Dina Bonnevie, kasama sina Oyo Sotto, Danica Sotto-Pingris, Kristine Hermosa-Sotto at Marc Pingris.


Sa question and answer portion ng HOD, tanong ni Dina, “Totoo ba na hindi dapat nawawala ang sex sa marriage para hindi mamatay ‘yung spark?”

Mabilis na sinagot ni Marc habang nakangiti, “Yes.”


Tanong ulit ng mahusay na aktres, “Kailangan ba, every day, may ganap?”

Sagot ng basketball player na si Marc, “Part naman ng mag-asawa ‘yun, hindi nawawala.”


Tanong ulit ng mother dearest nina Oyo at Danica, “Kailangan ba, every week, may ganap, at least?”


Sumagot si Kristine na may paalala, “Yes, that’s only for married couples lang ‘yun.”

Dagdag pa ni Kristine, “Kung gaano kakayanin, kung hanggang saan.”


Tanong ulit ni Ms. D, “Paano halimbawa kung in the mood ka, pero pagod si hubby?”

Sagot ni Kristine, “Kailangan nilang respetuhin ‘yun, kailangan nilang pagbigyan ka.”

Natawa nang malakas si Ms. D sa naging sagot ni Kristine at nakapag-dialogue na lang ng “Akala ko, kailangan nilang respetuhin ‘yung pagod na. ‘Yun pala, kailangan, pagbigyan pa.”


Tinanong ni Ms. D si Oyo, “Paano mo nalalaman ‘pag gusto ni Tin?”

Sumagot si Kristine sa tanong ni Ms. D kay Oyo ng “‘Wag mo sabihin ‘yan, secret natin ‘yan.”


Kinilig nang bongga si Ms. D sa biruan at lambingan ng mag-asawa.

Sagot ni Oyo, “O basta ‘yan, nakita n’yo, anim na ‘yung anak namin.


“As different naman ako, in serious ano naman, I think it’s different kada sa mag-asawa kasi I think there are couples na they can really do it every single day. Mayroon din namang couples na one week, or next week na ulit. May mga ganu’n.”

Sabi nga ni Dr. Prem Jagyasi, “Sex is a complete therapy in itself when done in the right sense.” 


Pak, ganern!


‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page