top of page
IG alfredvargasofficial.jpg
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 4, 2026



TALKIES - BEA MILLAN-WINDORSKI, PAMBATO NG ‘PINAS SA MISS U 2026-FB Beatrice Millan Windorski

Photo: FB Beatrice Millan Windorski



Kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2026 si Bea Millan-Windorski mula sa La Union noong Mayo 2, 2026. 


Tipong hindi narinig ni Bea na ang pangalan niya ang itinanghal na 2026 Miss Universe Philippines noong gabi ng patimpalak dahil matapos ianunsiyo ang kanyang pangalan ay makikitang pumapalakpak pa siya katabi ang mga naggagandahang kandidata at tila hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang mga pangyayari.


Na-realize lang ni Bea na siya ang nanalo nang batiin siya ng kasamang kandidata at sinabing siya ang nagwagi ng korona bilang Miss Universe Philippines 2026.


Si Bea ang magiging representative ng Pilipinas para sa 75th Miss Universe na gaganapin sa San Juan, Puerto Rico sa November 2026.

Isang malaking congratulations, Bea Millan-Windorski.





Nagbahagi si Lara Quigaman ng throwback photo niya kasama ang asawa na si Marco Alcaraz at mga anak na sina Noah, Tobin at Moses noong panahon na nag-migrate sila sa Canada.


Sey ni Lara, “Three years ago today, we walked away from everything familiar, our careers, our home, our family, our friends, our comfort—and started over in Canada.

“Noah was 10, Tobin was 4 and Moses was just 2 years old. It wasn’t easy, but we were together, and that was what made it worth it.


“Our prayer was that God would bring us closer to each other, closer to Him, and use us for His purpose. And He has answered every single one of those—and more.


“We don’t know what’s ahead but we trust that He goes before us and will be with us. He will never leave us nor forsake us so we will face each day without fear knowing our God is a God who keeps His promises.”


Amen to that, Lara. God is good all the time.





“INAAYAWAN ko ‘yung pila, baka maapakan ako,” ang pahayag ng komedyante at forever Goin’ Bulilit (GB) living legend na si Dagul sa game show na Ang Tanong.


Sa panayam ng mahusay na TV host na si Toni Gonzaga, napag-usapan nila ni Dagul ang tungkol sa ayuda na puwedeng makuha ng isang senior citizen.

Tanong ni Toni, “Nagso-social media ka ba?”


Saad ni Dagul, “Sa TikTok kaming dalawa ng anak ko, pinipilit n’ya ako. Ayaw ko talaga. ‘Yan, nasubukan namin, okay naman kahit paano, may nanonood.”

Dagdag na tanong ni Toni, “Pero nu’ng nag-start kayo sa showbiz, paano kayo napasok sa pag-aartista?”


Saad ni Dagul, “Namili lang ako ng paninda namin ni misis dito sa Maynila, tapos sinubukan kong manood ng Sang Linggo nAPO Sila (SLNS) dati.


“Tapos, nagpa-picture ako kay Sir Willie Revillame, itinuro n’ya ako kay Randy Santiago, sabi n’ya, ‘Du’n ka magpa-picture rin.’


“Eh, kakaumpisa pa lang ng Kool Ka Lang. Sabi n’ya, ‘Gusto mo bang mag-artista?’ Sabi ko, ‘Sige, subukan ko.’ Sabi n’ya, ‘Kaya lang du’n ka sa kabila.’ Sabi ko, ‘Kahit saan.’ ‘Yun, sa Kool Ka Lang noong 1998 ako nag-umpisa.”


Tanong ni Toni, “Saan kayo pinakanahirapan sa showbiz?”


Saad ni Dagul, “Nahihirapan talaga ako ‘pag mahaba ‘yung lines ko. Mahina ako mag-memory, pero sa mag-acting, kahit ano, kahit ibalibag, kaya ko ‘yun nu’ng bata-bata pa ako.”

Sa panayam ay tinanong ni Toni kung ilang taon na si Dagul.


Saad ni Dagul, “Sixty-five (years old). Sabi ng kapitan namin, may allowance na raw ako. Sabi ko, ‘Ano’ng allowance ‘yun?’ Dapat 60 o 65.”


Hirit na tanong ni Toni, “Ang mga senior, may pensiyon?”

Saad ni Dagul, “Meron, may pensiyon ata.”


Sey naman ni Toni, “Dapat kinukuha n’yo ‘yung pensiyon n’yo.”

Saad ni Dagul, “Inaayawan ko ‘yung pila, baka maapakan ako.”

Tanong ni Toni, “Kumusta ang buhay ng isang senior, Kuya Dagul?”


Saad ni Dagul, “Napakahirap minsan. Naalala ko nu’ng kabataan ko, ‘pag tumakbo ako, nadadapa, ang bilis kong tumayo, takbo pa rin.


“Pero ngayon, ‘pag nadapa, wala na. Sisigaw na lang ako, ‘Darna.’ ‘Di na ako makatayo.”

Well, in fairness kay Dagul, mahusay pa ring magpatawa kahit sa mga simpleng bitaw ng dialogue.





MULING kinilala ang ABS-CBN News para sa mga development-oriented nitong programa sa Gandingan Awards 2026, kung saan nagwagi rin si senior reporter Michael Delizo.


Pinangalanang Best Field Reporter si Michael Delizo para sa kanyang makabuluhang pagbabalita ng mga isyung seguridad, polisiya at militar sa siyudad.


Pinarangalan din ang ilang programa ng ABS-CBN News kabilang ang Tao Po (TP) na ginawaran bilang Most Development-Oriented Magazine Program at ang

My Puhunan: Kaya Mo! (MPKM) na itinanghal bilang Most Development-Oriented Livelihood Program.


Ang digital feature naman ng NXT na ‘Reshaping the Future of Farming Through Renewable Energy’ ay nagkamit ng parangal na Most Development-Oriented Online Video.


Ang Gandingan Awards ng University of the Philippines Community Broadcasters’ Society (UPCBS) ay nagbibigay-pagkilala sa mga bukod-tanging personalidad, organisasyon, kumpanya, eskuwelahan at programa sa bansa.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 3, 2026



Vice Ganda - IG

Photo: Vice Ganda - IG



Nagsalita na ang Unkabogable Star na si Vice Ganda tungkol sa hindi patas na sahod ng mga manggagawang Pilipino.


Saad ni Vice, “Ang sakit (mabuhay) sa Pilipinas, ang daming nagtatrabaho pero ‘di sumusuweldo nang sapat.


“Merong ‘di pumapasok, pero ang laki ng suweldo. Tapos, wala tayong magagawa?

“Imagine mo, mamamayang Pilipino, nagtrabaho ng 8 oras, nag-jeep, nag-LRT (Light Rail Transit), binaybay ang tanghali, ang araw, ‘di nakakain, minimum ang suweldo.


“Merong ‘di pumapasok, daang-libo ang suweldo. It’s just not fair. It’s so alarming.”

Well, sad to say, mahirap maging mahirap.





Hawak ang urn ng kanyang ama na si Ricky Davao, nagbahagi ang aktres na si Ara Davao ng larawan sa kanyang Facebook (FB) post na may kalakip na mensahe para sa first death anniversary ng magaling na aktor.


Saad ni Ara, “Dear Pa, I can’t believe we made it through one whole year without you.

“Some days, it just feels like yesterday because the pain never left. I’ll miss and love you forever, Pa.


“I’ll keep trying to live in a way that will honor you and make you proud.

“One year and a lifetime to go. Miss you so much, Pa.”


Matatandaang pumanaw ang mahusay na aktor na si Ricky Davao noong Mayo 1, 2025, sa edad na 63. Siya ay isang batikang aktor at direktor sa Pilipinas na pumanaw dahil sa kanser.





BONGGANG Santacruzan ang magaganap sa Barangay Libid, Pista ng Krus sa Binangonan ngayong May 3, 6 PM.


Inaabangan na rito ang beauty queen-TV host na si Rabiya Mateo bilang Reyna Elena at ang kanyang konsorte na si Ryke Reyes, na gumaganap sa programang Pepito Manaloto (PM) at Sparkle artist ng GMA Network.


Lalahukan din ito ng mga naggagandahan at nagguguwapuhang konsorte.

Ito ay sa pamumuno ni Bgy. Chairman Gil ‘Aga’ Anore at ng project director na si Gomer Celestial.


Kalahok din sa nasabing sagala ang Reyna at Konsorte ng Santacruzan 2026.





“SA bawat manggagawang Pilipino, kayo ang tunay na lakas ng ating bayan,” ang pahayag ng aktor na si Robin Padilla sa kanyang social media post.


Dagdag pa niya, “Ang inyong pawis at sakripisyo ang nagpapatakbo ng ating ekonomiya at nagbibigay-dignidad sa bawat pamilya.


“Sa araw na ito, naninindigan tayo: makatarungang sahod, ligtas na trabaho, at respeto sa karapatan ng manggagawa.


“Mabuhay ang uring manggagawa. Mabuhay ang Pilipinas.

“Wa alaikum assalam wa rahmatullahi wa barakatuh.”


Anyway, salamat, Sen. Robin Padilla, sa pagpapahalaga sa manggagawang Pilipino.





Kahit break na… ENRIQUE, UMAMING MAY KONTAK PA RIN SILA NI LIZA



Ibinulgar ni Enrique Girl na matapos ang kanilang breakup ni Liza Soberano ay may bahagi ng kanilang bond na nanatili.


Sa panayam ay kinumusta ni Karen Davila kay Enrique ang ex-girlfriend nitong si Liza.


Tanong ni Karen, “How are you today, both of you? Are you in touch? Are you on good terms?”


Sey ni Enrique, “Yeah, I would say we’re not that in touch, but we are still in touch at times, especially when important things happen in our lives.


“Maybe just to check on each other. But yeah, I mean my life is all here and her life is there, and I just really wish her all the best, of course.


“And I really hope everything works out for her there and all her dreams will come true. I’m happy for whatever is going on for her right now. But yeah, we’re just not as in touch as before. We’re just so busy.”


Well, at least, naging maayos ang kanilang paghihiwalay.

‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 2, 2026



Chito Miranda at Anne Curtis - Instagram

Photo: Chito Miranda at Anne Curtis - Instagram



Todo-puri ang lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa aktres na si Anne Curtis.


Wika ni Chito, “Matagal ko nang kilala si Anne, siguro ay mga almost 20 years na rin.

“Ever since, ‘Pare’ ‘yung tawag ko sa kanya kasi para s’yang one of the boys at ang gaan-gaan n’ya lang kasama.


“Dati, madalas kami tumambay. May parang group kasi kami, ‘yung Tuesday Group. Wala lang, magkikita-kita lang tapos tatambay sa bar o sa bahay ng friends namin hanggang madaling-araw.


“Nu’ng tumanda na kami, s’yempre, ‘di na masyado. Once every few years na lang siguro kami magkita, ‘pag may mga special occasion tulad ng recent birthday ni Angel Locsin, at ‘yung mga usapan namin, tungkol na sa buhay-may-asawa at pamilya.

“Pero ang ‘di nagbago ay kung gaano s’ya kabait at kung gaano s’ya kasimple at down-to-earth.


“First time makatambay ni Neri si Anne last Sunday nu’ng birthday ni Gel. Matagal ko nang naikukuwento kay Neri kung gaano s’ya kabait kasi super-fan siya ni Anne, pero na-amaze pa rin s’ya kung gaano ka-warm at ka-accommodating si Anne. Perfect nga raw si Anne, sabi ng asawa ko.


“Sabi ng iba, never meet your heroes, but I’m glad Neri met one of hers. Sobrang tuwang-tuwa talaga s’ya.”


Samantala, sa social media post naman ng aktres na si Anne Curtis ay nagpahayag siya ng kaligayahan dahil nakasama niya uli ang kanyang dabarkads na sina Chito Miranda at Angel Locsin.


Say ni Anne, “Paaaaareeeeee! Awwww Tuesday Group!


“Kaka-miss. Sobrang saya. Na-miss kita at I’m happy I got to meet your wais na misis. Let’s not wait too long till we get together again, ‘di ba, mars? Ulitin natin ‘to!”


In fairness sa friendship nina Angel, Anne at Chito, talagang solid ang kanilang samahan, parang kami lang ng mother dearest ni Chito na si Nora Yanga Miranda.





“YOU bring so much joy and light into our lives. We love you,” pahayag ng aktres na si Yasmien Kurdi sa kanyang Facebook (FB) page post para sa bunsong anak na si Raya Layla na nagdiwang ng kaarawan kamakailan lang.


Ani Yasmien, “Late post. Gusto ko lang ito i-post para someday makita ni baby Raya Layla kung gaano namin s’ya kamahal at kung paano namin isinelebrate ang 2nd birthday n’ya.

“Two nights ago (April 28), we celebrated Baby Raya Layla’s 2nd birthday dahil ‘yun ang araw na ‘yun talaga ang birthday n’ya. Simple lang, dinner, kami-kami lang.


“Humabol lang din ako galing exam. Thank you sa pagtulong sa paghahanda para sa birthday kasi wala akong time magluto.


“Buong linggo akong nahihilo dahil sa vertigo na first time kong naranasan, pero ‘di naman namin puwedeng palagpasin na ‘di i-celebrate ang birthday ni Raya Layla.


“Happy 2nd birthday, baby Raya Layla. ‘Di kami makapaniwala na 2 years old ka na. Ang bilis mo lumaki. You bring so much joy and light into our lives. We love you more than words can explain.


“Thank you for making everything worth it. Love na love ka ni Mama, Papa at Ate Ayesha.”

Makiki-happy birthday, Raya Layla na rin kami!

‘Yun lang, and I thank you.





Charges ng Meralco, kinuwestiyon… SUSAN, P31K ANG BILL SA KURYENTE, LOKANG-LOKA



Hindi raw maintindihan ng broadcast journalist na si Susan Enriquez ang biglaang pagtaas ng singil sa kanyang electric bill na umabot sa mahigit P31,000.


Saad ni Susan sa post niya, “‘Di ko rin maintindihan ‘tong mga charges na ‘to. System loss. Bakit ‘di naman ako nag-o-operate ng Meralco? Government taxes, nagbabayad naman ako, pero hinihingi ko ba sa Meralco? Etong universal, FIT-All, GEA All at lifeline—ano ba ‘to?”


Tanong pa ni Susan, “‘Pag lifeline, ano ba ‘yun? Saan gagamitin, sa game show ba na merong lifeline? Other charges, ano pa ‘yung mga charges na ‘yun, please?”


Well, pakisagot na nga lang, madlang people, ang katanungan ni Susan. 

Basta si yours truly, ang masasabi ko lang ay “Kay Susan tayo!”

‘Yun na!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page