top of page
Search

ni Lolet Abania | June 4, 2021



Makararanas ng pagkawala ng serbisyo ng tubig ang mga kustomer ng Maynilad Water Services, Inc. sa bahagi ng Makati, Pasay, Parañaque, Quezon City at Valenzuela simula sa Lunes (Hunyo 7) hanggang Huwebes (Hunyo 10).


Sa isang advisory, ayon sa Maynilad, ang Bangkal, Magallanes, Pio del Pilar at San Isidro sa Makati ay mawawalan ng tubig simula 11 PM ng Lunes (Hunyo 7) hanggang 7 AM ng Martes (Hunyo 8).


Ayon sa Maynilad, ang water interruption ay dahil sa pagkakabit ng isang 1.3 feet diameter flowmeter sa Arnaiz corner Manila South Diversion Road sa Barangay Pio Del Pilar.


Ang Don Bosco, Marcelo Green Village, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Isidro, San Martin De Porres, at Sun Valley sa Parañaque ay walang supply ng tubig mula 7 PM ng Hunyo 7 hanggang 7 AM ng Hunyo 8, habang sa Barangays 181 hanggang 185 at Barangay 201 sa Pasay City ay may water interruptions sa pareho ring oras at petsa.


Sinabi ng Maynilad na magsasagawa sila ng mga repairs ng isang leak sa 3 feet diameter water pipeline sa kahabaan ng West Service Road at maintenance activities para sa Villamor Pumping Station sa Barangay 183.


Samantala, ilang kustomer sa Quezon City at Ugong, Valenzuela City ang mawawalan ng supply ng tubig simula 9 PM ng Martes (Hunyo 8 hanggang 1 AM ng Huwebes (Hunyo 10).


Apektado ang mga lugar sa Quezon City kabilang ang Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Gulod, Holy Spirit, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Payatas, San Bartolome, Santa Lucia, Santa Monica, Sauyo, at Talipapa dahil sa water interruptions.


Pansamantalang isa-shutdown ng Maynilad ang kanilang North C Pumping Station at North C Annex sa Quezon City para sa gagawing leak repair, kasabay ng maintenance works sa naturang pasilidad.


Magsasagawa rin ng interconnection sa mga bagong installed water pipelines sa Barangay Batasan Hills, Commonwealth at Payatas, gayundin, ang decommissioning ng mga kasalukuyang water pipeline sa Barangay Santa Lucia, Quezon City.


Pinapayuhan ng Maynilad ang lahat ng kustomer na mag-ipon ng sapat na tubig.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 27, 2021




Limampung bahay ang tinupok ng apoy sa Barangay Tanyag, Taguig City kaninang madaling-araw, kung saan mahigit 100 pamilya ang apektado.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa bahay ng pamilya Briones pasado ala-una ng madaling-araw.


Mabilis 'yung kumalat sa mga katabing-bahay kaya kaagad ding itinaas sa ikatlong alarma ang sunog.


Salaysay pa ni barangay official Ricardo Bala Nueco, naging pahirapan ang pag-apula ng mga bumbero sa apoy dahil nasabay iyon sa water interruption kaya kinailangan pa nilang mag-request sa Maynilad upang pabuksan ang water supply.


Idineklarang fire under control pasado alas-4 kaninang madaling-araw at tinatayang P500,000 ang halaga ng mga napinsala.


Sa ngayon ay nag-evacuate muna sa covered court ang mga residenteng nawalan ng tirahan.


Samantala, isang bumbero ang iniulat na nakuryente habang rumeresponde sa sunog. Kaagad naman itong dinala sa pagamutan upang gamutin.




 
 

ni Twincle Esquierdo | December 6, 2020



Nag-anunsiyo ang Maynilad Water Services Inc. na mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Valenzuela, Bulacan at Quezon City.


Ibinaba ng kumpanya ang produksiyon ng tubig sa La Mesa Treatment Plant 2 para maibalik ang nahintong trabaho (anong ibig sabihin ng nahintong trabaho? Nino) dahil sa bagyong Ulysses.


Sa Valenzuela City, magsisimulang mawalan ng tubig mula Disyembre 5 - 7 nang alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng umaga sa: • Brgy. Arkong Bato • Brgy. Balangkas • Brgy. Bisig • Brgy. Coloong • Brgy. Dalandanan • Brgy. Gen T. De Leon • Brgy. Isla • Brgy. Karuhatan • Brgy. Mabolo • Brgy. Malanday • Brgy. Malinta • Brgy. Marulas • Brgy. Maysan • Brgy. Palasan • Brgy. Parada • Brgy. Parancillo Villa • Brgy. Pasolo • Brgy. Poblacion • Brgy. Polo • Brgy. Rincon • Brgy. Tagalag • Brgy. Viente Reales • Brgy. Wawang Pulo • Brgy. Ugong


Samantala, simula Disyembre 5 - 6, alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa: • Brgy. Bagbaguin • Brgy. Bignay • Brgy. Gen T. De Leon • Brgy. Lingunan • Brgy. Mapulang Lupa • Brgy. Parada • Brgy. Ugong • Brgy. West Canumay sa Bulacan.


Makararanas ng kawalan ng tubig simula Disyembre 5 - 7, alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng umaga sa Brgy. Catanghalan (Obando Water District), ngunit alas-10 ng umaga – alas-6 ng gabi sa Brgy. Meycauayan Water District (Langka).


Samantala, sa Caloocan City ay simula sa Disyembre 5 - 7 mula alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng umaga. • Barangays 166 to 168


Ngunit, Disyembre 5 – 6, mula alas-10 umaga hanggang alas-10 ng gabi mawawalan ng tubig sa ilang lugar sa: • Brgy. 168 • Brgy. 170 • Brgy. 171 • Brgy. 172 • Brgy. 174 • Brgy. 176 • Brgy. 177 • Brgy. 178


Naiba naman sa Brgy. 165 at Brgy. 166 dahil simula Disyembre 5 – 6, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 gabi ito mawawalan ng tubig.


Samantala, sa Quezon City, Disyembre 5 – 7, mula alas-4 hanggang alas-6 ng umaga sa: • Brgy. 170 • Brgy. Bagbag • Brgy. Greater Fairview • Brgy. Gulod • Brgy. Nagkaisang-Nayon (Damong Maliit, Influence, Fb Influence, Jordan Heights, Queensland, Sitio Dormitory, Villa Nova) • Brgy. North Fairview • Brgy. San Bartolome • Brgy. Sauyo • Brgy. Sta. Lucia • Brgy. Sta. Monica (Palmera IV) • Brgy. Talipapa • Brgy. Kaligayahan • Brgy. Greater Lagro • Brgy. San Agustin Ngunit, Disyembre 5 – 6, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi mawawalan ng tubig ang mga lugar sa: • Brgy. Holy Spirit • Brgy. Payatas • Brgy. Nagkaisang-Nayon • Brgy. Nova Proper • Brgy. San Agustin (Susano-Gen. Luis) • Brgy. Sta. Monica (Jordan Plaines 1&2, Susano-Gen. Luis)


Ngunit, Disyembre 5 – 6, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi mawawalan ng tubig ang mga lugar sa: • Brgy. 172 • Brgy. Kaligayan • Brgy. Pasong Putik


Kapag naibalik na ang supply ng tubig, asahan na malabo ito ngunit unti-unti naman ding lilinaw. “Kapag bumalik na ang supply sa inyong lugar, posible ang pansamantalang discoloration o paglabo ng tubig. Padaluyin ito ng panandalian hanggang sa luminaw,” sabi ng Maynilad.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page