top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc
Search

ni Mylene Alfonso @News | October 9, 2026



Mark VIllar - Senate of the Philippines

Photo: Mark Villar - Senate of the Philippines



Walang kinalaman sa botohan para sa conviction ni Vice President Sara Duterte ang pagbalik ni Sen. Mark Villar sa mayorya mula sa minority group, ayon kay Senate Majority Floor Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri.


“No, not at all. You know, Senator Mark has always been with the majority anyways from the very beginning. When we started, kalilipat lang niya sa minority but we had a heart-to-heart discussion with Senator Mark. Gusto niya talagang magtrabaho at gusto niya ng mga committees na pwede siya makatrabaho, makaikot and be a productive member of the Senate,” sabi ni Zubiri.


“So, this for me is just welcoming back a member of the majority once again, and he’s raring to go. As a matter of fact, kausap namin siya kanina, ang dami niya mga panukalang gustong ipasa, ang dami niya gustong magkaroon po siya ng consensus building sa buong bansa…” dagdag pa niya.


Ayon pa kay Zubiri, wala ring kinalaman ang pagbalik ni Villar sa mayorya para mabuo ang kinakailangan 14 o 16 boto para sa conviction ng Bise Presidente.


“No, nothing to do whatsoever. You know, being a member of the majority, doesn’t automatically mean that you will vote for conviction or for acquittal? Hindi po ibig sabihin yun. Baka may members kami sa majority, biglang mag-vote for acquittal din,” ani Zubiri.


“At baka may members din ng minority that will vote for conviction. It all has to do with evidence. Evidence presented,” dagdag pa niya.

 
 

by BRT @News | March 3, 2026



Pamilya Villar - Manny Villar

Photo FIle: Manny VIllar / FB



Naglabas na ng subpoena ang prosecutors ng Department of Justice (DOJ) laban sa Villar Holdings Corporation at ilang executive nito kaugnay sa reklamong inihain ng Securities and Exchange Commission (SEC).


Kabilang sa mga ipina-subpoena sina Villar Land Chair at dating Senador Manuel Villar, Jr., dating Senadora Cynthia Villar, at ang kanilang mga anak na sina Manuel Paolo, Camille, at Mark.


Ayon sa DOJ, dumaan na sa paunang pagsusuri ang reklamo at isasailalim na ito sa preliminary investigation na itinakda sa Marso 16, alas-2:30 ng hapon.


Nauna nang inihayag ng SEC na nagsampa sila ng criminal complaint sa DOJ noong Enero 30 laban sa Villar Land at ilang opisyal nito, pati na rin sa mga kaugnay na kumpanya, dahil sa umano’y market manipulation, insider trading, at misleading disclosures na diumano’y nag-distort sa presyo ng shares ng kumpanya.


 
 

ni Mylene Alfonso | June 1, 2023




Upang maunawaan ng pangkaraniwang Pilipino ang panukalang Maharlika Investment Fund Act, isinusulong ni Sen. Robinhood 'Robin' C. Padilla ang pagsalin sa Filipino ng panukalang batas at ang kaugnay nitong dokumento.


Ginawa ni Padilla ang pahayag na nagsusulong sa paggamit ng wikang Filipino sa opisyal na dokumento ng pamahalaan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng pagmungkahi ng pag-amyenda sa Maharlika bill sa Senado, Miyerkules ng madaling-araw.


Tinanggap ito ni Sen. Mark Villar, ang sponsor ng Maharlika bill.


"Magmula kaninang umaga, marami na po tayong kababayang nand'yan sa labas at sila nagpoprotesta at sa kanila pong sinasabi hindi nila naintindihan ang atin pong panukala na Maharlika bill. Kanina din pong tanghali meron tayong bisitang barangay captain.


Nang sinabi po natin sa kanila tungkol sa Maharlika bill na ito, ating panukala, sila po ay (nagsabi), 'di namin naintindihan 'yan," paliwanag ni Padilla.


Ipinunto rin ni Padilla na sa Sec. 6, Art. XVI ng 1987 Constitution, ang pamahalaan ay gagawa ng hakbang para gamitin ang Filipino bilang "medium of official communication and as language of instruction in the educational system".


Unang tinanggap ni Villar ang panukala ni Padilla sa seksyon tungkol sa right to freedom of information of the public: "All documents of the MIF (Maharlika Investment Fund) and MIC (Maharlika Investment Corp.) shall be open, available and accessible to the public in both English and Filipino".


Isa pang panukala ni Padilla na tinanggap ni Villar ay sa "Effectivity" kung saan ang pagsalin ng batas sa Filipino ay ilalathala sa Official Gazette o sa dyaryong may general circulation sa Pilipinas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page