top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 15, 2025



Serrano at Caluya

Photo: Nagkampeon sa 25km run sina Aldrin Serrano at Anisha Caluya sa Takbo Para sa Kalikasan Earth Run na nagsimula at nagtapos sa Quirino Grandstand kahapon.    (Gen Villota)



Bumida sina Aldrin Serrano at Anisha Caluya sa Earth Run, ang ika-apat at huling yugto ng seryeng Takbo Para Sa Kalikasan 2025 kahapon umaga sa Quirino Grandstand. Lumipas muli ang isang taon ng pagsulong sa pag-alaga sa Inang Kalikasan at kalusugan ng katawan.


Umoras si Serrano sa tampok na 25 kilometro karera sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa dominanteng 1:44:00. Ito malapit na sa 10 minutong agwat sa pumangalawang si Richard Romero (1:53:31) at pangatlong si Ramil Nucup (1:56:53)


Sa kabaihan, madaling nakuha ni Caluya ang kampeonato sa 2:03:38. Sumunod sina Angeline Limbaco (2:20:00) at Diana Grace Galindez (2:21:53).


Sa 10 kilometro, nagpakita ng sportsmanship si Jay Fernandez at kusang ibinigay ang panalo kay Mark Biagtan. Sabay silang tumawid sa 36:12 at pangatlo si Crifankreadel Indapan sa 38:23.


Walang duda na si Jessica Blakeley ang bida sa mga babae sa 47:24. Sinundan siya nina Carizza Joy Sotalbo (50:34) at Sheila Hernandez (53:02).


Pinakamabilis sa limang kilometro si Neil Christopher Maramba (17:42), King Agas (17:43) at Rhainer Simbajan (20:08). Umakyat din sa entablo sina Syzel Gabriel (24:36), Jhazelyn Lapuz (25:31) at Rona Amad (32:28).


Ihahayag ng Green Media Events ang kalendaryo ng TPSK sa 2026. Ang BULGAR ay nagsilbing media partner ng serye at nakatanggap ng plaque of appreciation mula sa organizer ng GME na tinanggap ng cute na mascot na si Bulgarito.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 18, 2025



Bryan Baginas

Photo : Kampeon sa 21km ng TPSK Air Run si Julmaddin Saipuddin habang pinakamabilis sa 5km si Jaren Ganan sa 3rd leg series na idinaos sa MOA, Pasay City. BULGAR ang official media partner ng Takbo Para sa Kalikasan. (fbpix)



Kinoronahan si Julmaddin Saipuddin bilang kampeon sa Half-Marathon ng Air Run, ang pangatlong yugto ng serye ng Takbo Para Sa Kalikasan 2025, sa MOA.  

Mahigit 6,000 mananakbo ang sumagot sa hamon na isulong ang pag-aalaga sa Inang Kalikasan na pangunahing layunin ng karera.


Umoras si Saipuddin ng 1:20:39 sa 21.1 kilometro na umikot sa Roxas Boulevard.  Pumangalawa si Neil Kristopher Maramba (1:21:51) na isang segundo lang ang agwat sa pumangatlong si Mark Biagtan (1:21:52).


Sa panig ng kababaihan, pinakamabilis si Marilee Tambilo sa 1:47:18.  Malayong pangal6awa si Rachel de Guzman (1:59:26) at pangatlo si Diana Grace Galindez (2:03:10).

Sa 10 kilometro, nanaig si Mark John Castro (36:44), Jun Faduhilao (40:02) ay Crifankreadel Indapan (40:05).  Sina Dennese Lagac (54:18), Marikit Gomez (54:36) at Carizza Joy Sotalbo (54:57) ang umakyat sa entablo sa kababaihan.


Wagi sa limang kilometro sina Jaren Ganan (16:48), King Agas (17:20) at Kean Gutierrez (19:00).  Kampeon sa kababaihan sina Seande Gallardo (22:50), Kamille Mendoza (26:58) at Asher Dabu (27:00).


Ang ika-apat at huling yugto ng TPSK -Earth Run - ay sa Disyembre 14 sa Quirino Grandstand kung saan 25 kilometro ang pangunahing karera.  Ang BULGAR ang opisyal na media partner ng serye at namigay ng tubig mula sa Maynilad at mga diyaryo sa mga tumakbo kasabay ng paglahok ng ilang mga ka-BULGAR.


Abangan din ang isa pang handog ng Green Media Events na UTOL Family Fun Run sa Disyembre 7 sa Luneta.  Tampok ang 16, 10 at limang kilometro. 

 
 

ni VA @Sports | November 6, 2025



Taduran vs Balunan boxing

Photo: Ang team ng Trans Luzon Endurance Run na sina (mula kaliwa) running coach Nick Gandeza, Mr. Tony at misis na si 63-year old ultramarathoner Marlene Gomez Doneza at Melanie Malihan sa Aparri, Cagayan. (fbpix)   



Adbikasiya sa kalusugan, pagbibigay inspirasyon sa kabataan at  komunidad ang sentro ng makabuluhang talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports. Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’  ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila

Buhay na patotoo na hindi hadlang ang katayuan at edad upang maging simbolo ng katatagan at maging inspirasyon ng sambayanan ang 63-anyos na si Marlene Gomez Doneza, ang tinaguriang ‘Running Inay’, na tampok na panauhin sa programa ganap na 10:30 ng umaga.


Umani ng papuri si Gomez-Doneza matapos magawa ang 'di pangkaraniwang tagumpay sa sports nang makumpleto niya ang 1,461-kilometro ‘Trans Luzon Endurance Run’ – mula Matnog, Sorsogon hanggang Pagudpud, Ilocos Norte -- isang social awareness campaign upang itulak ang kalusugan sa mga senior citizens.


Nagawa ito ni Gomez-Doneza sa loob lamang ng 36 na araw. Bunsod nito, ginawaran siya ng pagkilala ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas bilang pagkilala sa kanyang tagumpay na magsisilbing gabay ng bawat Pilipino na bigyan ng halaga ang kalusugan.

Iniimbitahan ni TOPS president Nympha Miano-Ang ng pahayagang Bulgar ang mga miyembro at opisyal na makilahok sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Lila Premium Healthy Coffee at livestream sa TOPS Usapang Facebook page, Bulgar Sports at Sports Corner. (VA)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page