top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports News | May 20, 2025



Photo: Manny Pacquiao at Eddie Hearn - FB


Naniniwala ang isang kilalang boxing promoter na mahihirapang magwagi ang nag-iisang 8th-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao laban sa mas batang si reigning World Boxing Council (WBC) welterweight titlist Mario “El Azteca” Barrios sa Hulyo.


Bagamat nagsimula ng sumabak sa ensayo ang Filipino boxing legend at kahapon ay dumating na ito sa Los Angeles kasama ang kanyang misis na si Jinkeey Pacquiao para ituloy ang ensayo sa Wildcard gym nakahanay siyang iupo sa International Boxing Hall of Fame sa Hunyo sa New York City,  patuloy namang hindi pumapabor si Matchroom Boxing Promotions head Eddie Hearn na hindi mananalo si Pacquiao kontra Barrios dahil na rin sa edad nito.


I mean one, he won’t beat Barrios,” pahayag ni Hearn. “And two, I’m not gonna stand here with my righteous hat on and say it’s an absolute disgrace that Pacquiao's fighting, but I just can’t believe you can just literally disappear from boxing for five years, be 46 years old, and be – I think ‘shot’ is disrespectful, but by no means a fighter you were – and just phone up the governing body and go, ‘Stick me in at number five mate.’ It's like, at least put him in at 14, do you know what I mean? Why would you put him at five? Why would you put him in at all?”


Hindi lamang nagdududa si Hearn sa kasalukuyang kapasidad ni Pacquiao laban sa mas batang katunggali. Huli niyang naging laban sa pro  noong Agosto 2021 nang matalo kay Yordenis Ugas ng Cuba sa unanimous decision. Pero hindi niya agad  tinalikuran ang boksing, sumagupa sa magkasunod na exhibition bouts kontra  Korean vlogger DK Yoo at Japanese kickboxer Rukiya Anpo noong 2022 at 2024.   

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 21, 2025



Photo: Manny Pacquiao - IG


Hindi apektado ang senatorial candidate na under ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na si Sen. Manny Pacquiao sa ibinubutas sa kanyang pamilya na political dynasty. 


Bukod kasi kay Manny, tumatakbo rin ngang partylist representative ngayon ng MPBL ang misis ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao at ang pangalawang anak nilang si Michael Pacquiao ay kumakandidato namang konsehal sa GenSan.


Nang makapanayam namin si Manny sa mediacon ng mga candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, hiningi namin ang opinion niya sa isyu ng political dynasty na madalas ibinabato sa mga magkakapamilyang kumakandidato tuwing eleksiyon.


Paliwanag ni Pacquiao, “Ako, wala naman akong problema d’yan basta maisabatas, di susundin natin. As long as wala namang batas, ano naman tayo, demokrasya naman tayo, ang taumbayan ang pipili, ang boboto, so respetuhin muna natin ngayon. ‘Pag may batas na, we must follow and submit.” 


Hindi pa raw niya masabi kung babalik pa siya sa showbiz sakaling manalong muli sa pagka-senador dahil sa ngayon, sa kampanya muna ang kanyang focus.

Well, let’s see kung ano’ng magiging kapalaran ng Pambansang Kamao this 2025 elections.


Fiancée, after dyombagin ng ex ni Karla…

JAM, TODO-PAKIUSAP NA ITULOY PA RIN NILA NI JELLIE AW ANG KASAL



Lumantad at nagbigay na ng pahayag ang controversial ex-BF ni Karla Estrada na si Jam Ignacio na matatandaang kamakailan ay inireklamo ng pambubugbog ng fiancée nitong DJ na si Jellie Aw.


Sa isang exclusive interview kay Jam ng GMA Integrated News nu’ng Feb. 19, sinabi nitong hindi siya nagtatago at naghanap lang ng tamang panahon para magsalita.

Humingi ito ng sorry sa ina at mga kapatid ni Jellie dahil pagod lang daw siya sa maghapong lakad nila nu’ng araw na mangyari ang pananakit niya sa fiancée.


"Tao lang din ako, Sir. Baka napuno lang din siguro ako. Hindi ko naman sinasabi na tama pero hindi ko para i-tolerate na gawin ulit. Humihingi ako ng tawad. Pasensiya na talaga. Sorry. Sorry sa lahat,” sabi ni Jam sa panayam sa kanya ni John Consulta ng GMA Integrated News.


Nagbigay din ito ng mensahe para kay Jellie Aw, "Hon, alam mo ‘yan kung gaano kita kamahal. Alam mo ‘yan kung gaano kita protektahan at bantayan. Sa lahat ng ginagawa mo, lagi akong nakasuporta sa 'yo.


"Sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay, nakasuporta ako lagi sa 'yo. Sorry sa mga nangyari. Ipinapangako ko sa 'yo na hindi na mauulit ito. Sana, bigyan mo ako ng pagkakataon na ayusin natin ito pareho nang pribado at sa ating dalawa," pakiusap pa ni Jam kay Jellie.


Sa huli ay nakiusap itong ayusin pa nila ang gulo at gustong ituloy nila ang naplano nang kasal.


"Alam ko naman at alam mo din na mahal natin ang isa't isa. Marami tayong gustong gawin at pangarap. Sana, maayos natin at matupad natin. ‘Yun lang naman. Mahal na mahal kita.


"Alam mo na ikaw na ang gusto kong makasama na talaga. Alam mo ‘yan na may plano tayo na bumuo ng pamilya. Tuparin natin ‘yun. Nagmamakaawa ako sa 'yo. Sana, ayusin natin ito. Sorry sa lahat. Hindi na mauulit ito," dagdag pang pakiusap ng ex-BF ni Karla sa nabugbog na fiancée.


Hmmm… Dapat pa nga bang bigyan ng second chance? 

Vote now! Vote now daw talaga, oh! Char lang! Hayaan natin sila, buhay nila ‘yan!



MAGBABALIK na simula sa March 1 ang original Videoke Kantawanan Show ng bansa pagkatapos ng dalawang taon, ang Sing Galing, at handa na itong maghatid muli ng saya at katatawanan sa telebisyon.


Humarap sa entertainment press ang mga dati pa ring Singmasters ng show na sina Randy Santiago at K Brosas (via Zoom naman si Donita Nose) kasama ang mga OG Jukebosses na sina Jessa Zaragoza at Ethel Booba at ang mga bagong nadagdag sa show na sina Vehnee Saturno, Mitoy Yonting at Ella May Saison. 

Kasama rin si Nina na hindi nakarating sa mediacon. 


Muli ring aabutin ng Sing Galing ang mga kabataan sa pamamagitan ng Singtokers nilang social media sensations na sina Queenay, Gab Pascual, Ari G, at Yanyan De Jesus. Dapat ding abangan ang pagbabalik ng first-ever grand champion nitong si Marimar bilang co-host sa companion online show na NOW ZENDING, kasama si Zendee. Silang dalawa ang magbibigay ng eksklusibong digital content, backstage interactions, at special features na mas maglalapit ng mga kaganapan sa show sa mga manonood.


Tinanong namin ang mga Jukebosses kung ano bang hinahanap nilang mananalo sa Sing Galing sa bagong season nito.


Ani Mitoy, gusto niya ‘yung mas magaling sa kanya. ‘Yun din naman ang hanap ni Ella May na nagbabalik-music scene para sa Sing Galing dahil excited siya sa mga bagong breed of singers ngayon. Si Vehnee, ‘yung may distinct quality ang voice ang hanap.


Pero sabi ni Ethel, ‘di naman kailangang super-galing ng boses, ang importante ay may confidence sa pagkanta at magaling mag-perform para manalo. 


Magsisimula na ang Sing Galing ngayong March 1, 2025, at mapapanood tuwing SABADO, 5:45PM sa TV5. 


Maging updated sa mga pinakabagong ganap at exclusive content sa pag-follow sa Sing Galing on Facebook, Instagram, TikTok, X (@SingGalingTayo), at YouTube (@SingGaling).

 
 

ni Gina Pleñago @News | Feb. 17, 2025



Bataan Nuclear Power Plant - Manny Pacquiao - FB

Photo: Bataan Nuclear Power Plant


Iginiit ni dating Senador Manny Pacquiao na dapat magkaroon ng malinaw at pangmatagalang solusyon sa problems sa power supply.


Binigyang-diin ni Pacquiao na malaking sagabal sa paglago ng ekonomiya ang pagkakaroon ng 'di maaasahang power supply na nagreresulta sa pagkadismaya ng mga mamumuhunan na nagbabalak magtayo ng negosyo sa bansa.


“Dito sa ating bansa ang number one na problema natin ‘yung power supply. At kaya nagdadalawang isip ‘yung mga namumuhunan na pumasok dahil nga may problema tayo sa power supply. Siyempre alam naman natin pagka problema ‘yan, malaking kawalan o disadvantage sa negosyo 'pag laging brownout,” ani Pacquiao sa isang press conference.

Para matugunan ang problemang ito, isusulong umano ni Pacquiao ang pagbuhay at pagtatayo ng Bataan Nuclear Power Plant.


"Sa akin, dapat mayroon tayong talagang sarili nating nuclear power plant like 'yung sa Bataan kasi kung ganito nang ganito tayo, mabagal talaga, mabagal pa sa pagong ‘yung magiging development ng ating bansa," ani Pacquiao.


"Not like other countries na 'yung talagang progresibo at developed talaga 'yung country nila because talagang doon sila naka-focus. Sabi ko nga, talagang kailangan saanmang sulok ng bansa natin, lalo na sa mga highly organized city, 'yung mga fiber optic cable, papalitan na para hindi na magkakaroon ng problema."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page