top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 27, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 27, 2026 (Miyerkules): Gamitin mo ang lakas ng loob mo sa pagpaparami ng kabuhayan at huwag mo itong gamitin sa iba pang aspeto ng iyong buhay, lalo na sa inggitan at siraan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mo na buo ang loob mo. Gawin mo ito dahil may regalo sa iyo ang langit na dagdag-suwerte upang lalo kang magkaroon ng tiwala sa iyong kakayahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-21-27-30-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipinapaalala sa iyo ng araw na ito na ang mga duwag ay talo na agad kahit hindi pa nagsisimula ang anumang laban. Kaya alam muna ang gagawin mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-26-29-37-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na higit kailanman ay dapat kang maging alisto upang hindi makalagpas ang naggagandahang oportunidad na ilalagay sa iyong harapan. Kaya samantalahin mo na agad ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-28-33-38-44.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi totoo ang akala mo na ikaw ay pinagdaramutan ng iyong kapalaran dahil ang totoo, simula ngayon ay dadagsa na sa buhay mo ang mga magagandang bagay na hindi mo inaasahang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-14-22-39-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magmumula mismo sa hawak mong suwerte ang iba pang suwerte na mapapasaiyo. Ibig sabihin, mamuhunan ka at makaaasa kang lalago nang husto ang iyong puhunan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-18-24-28-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit ba pinipigilan mo ang sarili mo? Paano mo makukuha ang gusto mo kung ikaw mismo ay hadlang sa pangarap mo? Kumilos ka lang nang suwabeng-suwabe, makikita mo, gaganda ang buhay mo ngayon dahil ibibigay sa iyo ng langit ang mga suwerteng noon pa man ay inilaan na sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-13-25-33-35-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit hindi mo maunawaan ang dahilan, sumunod ka lang sa gusto ng nagmamahal sa iyo. Sa huli, matutuwa ka. dahil ang mga bagay na noon mo pa gustung-gustong makamit ay mapapasaiyo na. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-14-20-26-32-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Biru-biruan lang sa simula, pero sa huli ay totohanan na pala. Sa biro dinadaan ng may gusto sa iyo ang pagpaparamdam niya, sakyan mo lang at magiging maganda ang lahat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-23-28-31-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bakit ka magpapaalipin sa kagustuhan ng iba? Mas maganda kung magpapaalipin ka sa sarili mo at mas lalo pang maganda kung magpapaalipin ka sa mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-11-16-27-29.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sa panahong ito ng tag-araw, tulad ng mga bulaklak, unti-unti nang mamumukadkad ang iyong suwerte at magagandang kapalaran. Narito ka ngayon upang lalo pang diligan hanggang sa tuluyan kang yumaman. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-17-22-26-31-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sapat na ang talino mo para mapaunlad ang sarili mo, kaya lang ginagamit mo sa ngayon ang iyong talino sa pagsalungat sa mga suhestiyon na ikagaganda ng buhay mo. Ibig sabihin, nabobobo ka! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-17-20-22-33-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Napagmasdan mo ba ang mga alon na masayang naglalaro sa dalampasigan? Ito ang susi mo sa tagumpay. Kaya makipaglaro ka lang sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-25-30-36-38-45.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 26, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 26, 2026 (Martes): Magdaratingan na ang mga suwerte mo, pero may suwerte ka rin na dahan-dahang guguhit sa iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Metal ang pampasuwerte mo sa ngayon. Kahit hindi mo dalhin sa iyong pupuntahan, sapat nang masalat lamang ito ng iyong kamay bago ka umalis ng iyong bahay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-18-29-36-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakagulat at mahirap paniwalaan, pero ang iyong pampabuwenas ay ang ngiti ng iyong kapitbahay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-15-21-25-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi tao at hindi rin bagay ang iyong pampasuwerte, alam mo kung ano? Bilis na pag-aksyon ang daan upang hindi ka na mag-isip nang sobrang tagal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-23-31-37-43.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag nilambing ka ng iyong karelasyon, ang mga suwerte ay darating sa iyong harapan at maging ang panalo ay iyo ring matitikman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-27-32-35-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pasayahin mo ang hindi mo kilala. Hindi mahalaga kung maliit lang na saya ang maibibigay mo. Magugulat ka at hindi makapaniwala na ang magagandang kapalaran ay darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-20-34-39-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaiba ang paraan para suwertehin. Ito ay nagsasabing huwag kang darating sa eksakto sa oras. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-19-24-33-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magkunwari kang ayaw mo sa bagay na gusto mo, dahil ito ang sikreto para mapasaiyo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-22-28-36-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipakita mong matapang ka, hindi sa pamamagitan ng away kundi sa pagharap mo sa mga hamon ng iyong kapalaran. Gawin mo ito upang ang malalaking pangarap mo ay mapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-21-27-34-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag matigas ang paninindigan mo, hahangaan ka at ang langit ay sasaludo sa iyo. Tatanggap ka ng malalaking suwerte sa buhay dahil napahanga mo ang langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-25-30-35-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kalimutan mo muna na ikaw ay mahiyain. Sa ganitong paraan, masusumpungan mo ang sarili mo na nasa tabi na mismo ang iyong suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-18-23-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng kuwintas o palawit sa katawan, dahil ito ang magsisilbi mong pampabuwenas. Gawin mo ito kahit pa nag-aalinlangan ka. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-4-11-13-26-31-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang paraan para ka suwertehin sa mga araw na ito. Ito ay nagsasabing dalasan mo lang ang pagtingin sa malayo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-18-20-33-45.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 25, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 25, 2026 (Lunes): Kumuha ka ng lakas mula sa mga karanasang nagbigay sa iyo ng mahahalagang aral. Dahil ang bawat karanasan ay instrumento ng langit upang may matutunan ang tao.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sa araw na ito, hindi mo mamamalayan na mula sa malayo ay nagmamadaling pumasok sa buhay mo ang mga suwerte. Dala-dala ng mga ito ang katuparan ng malalaki mong pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-20-24-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang mga darating na araw nang may positibong pananaw. Sa ganitong paraan, mababago ang iyong kapalaran at lalo pa itong gaganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-14-18-27-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Kapag kulang, dapat punan, at kapag sobra, dapat bawasan. Kulang ka sa pagkilos at sobra ka naman sa salita. Kaya alamin mo muna kung ano talaga ang kailangan mong gawin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-23-26-34-42.


CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo ang nasa isip mo dahil ito mismo ang makakabuti sa buhay mo. Huwag kang magbabago ng desisyon, sapagkat hindi ito makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-19-21-30-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi lahat ay aayon sa kagustuhan mo. Ngunit, ang mga taong sasalungat sa iyo ay isa-isang mawawala sa landas mo. Kaya sa bandang huli, unti-unti na ring matutupad ang mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-13-24-28-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalabas ngayon ang iyong pagiging malikhain. Dahil dito, ikaw mismo ay hahanga sa sarili mo, kaya lalo pang gaganda ang iyong mga gagawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-22-25-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbang-timbangin mo ang mga oportunidad na nasa iyong harapan. Marami sa mga ito ay hindi mo naman kailangan, kaya huwag mo ring panghinayangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-14-26-33-35-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nawawala ang haring araw kahit makapal ang mga ulap. Ganu’n din, hindi mawawala ang iyong sigla kahit ulanin ka pa ng suliranin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-12-18-21-29-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang maiingay, dahil ang lalagyang walang laman ay talagang maingay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-10-27-30-38-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suntok sa buwan man ang iyong pangarap at tila mahirap matupad, ang payo sa iyo ay makipagsapalaran at lakasan mo ang iyong loob. Dahil kahit tila imposible ang iyong inaabot, mapapasaiyo pa rin ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-20-25-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mamasyal ka. Ang pamamasyal ay isa sa mga lihim ng iyong kapalaran upang muling sumigla at magkaroon ng lakas na harapin kahit ang mabibigat na problema. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-28-31-37-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pahalagahan mo ang mga turo ng iyong mga magulang dahil ito ang magiging panlaban mo sa tukso at sa mga taong nais kang ipahamak. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-19-25-34-40.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page