top of page
Search

by Info @Brand Zone | May 12, 2023



Nag-uumapaw na instant cash prizes. Multi milyong panalo, multi milyong papremyo ang naghihintay sainyo sa gaganaping lotto draw ngayong ika-12 ng Mayo, 2023.


Kaya tara na, sugod na sa mga lotto outlets at bumili ng mga tickets ninyo.


Ang pangarap ninyong bahay, lupa, at magarang sasakyan ay maaaring matupad kung ang maswerteng anim na numerong napili mo ang siyang mabobola sa nasabing lotto draw.


At kalakip ng iyong pangarap na maging instant milyonaryo ay ang pagkakataon mong makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan.


PCSO, Hindi Umuurong Sa Pagtulong!

 
 

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 16, 2023



Magkaparehong mga numero ang tinayaan ng mag-ama sa Laguna na mahigit P11 milyon ang jackpot prize sa MegaLotto 6/45 draw noong February 27, 2023.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, kinuha na ng mag-ama ang pinaghatian nilang premyo na P11,631,365.60

Ibinahagi ng anak na ang kanyang tinayaang numero ay ang kanilang petsa ng kaarawan at edad na tumama; 25-4-11-35-15-09.

Base naman sa ama, una niyang tinayaan ang mga numero sa isang lotto outlet sa plaza ala-1 ng hapon.

“Tapos pagbalik ko sa sasakyan ko bandang 3:00 pm, tumaya ulit ako ng parehong number. Pag-uwi ko sa bahay ibinigay ko sa kanya (sa anak ko), sabi ko, tig-isa tayo.


Kapag tumama hati tayo,” kuwento ng ama sa pahayag ng PCSO.

Naniniwala rin ang ama sa kanyang horoscope na sasagana umano ang kanilang buhay ngayong taon.

“Sabi sa horoscope ko ang 2023 daw ay year of abundance para sa lahat ng ipinanganak ng 1959 at malaki ang chance na yumaman ngayong taon kaya taya lang po ako ng taya ng lotto,” sabi ng ama.

Samantala, wala pa raw plano ang mag-ama kung ano ang gagawin nila sa napanalunan na kung kaya’t ilalagay muna raw nila ito sa bangko.


 
 

ni Lolet Abania | June 1, 2022



Wagi ang tatlong mananaya sa jackpot prize ng Lotto 6/42 draw, nitong Martes ng gabi, Mayo 31, 2022.


Batay sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), maghahati ang tatlong winners na nasungkit ang winning number combination na 25-20-29-07-21-02, na may jackpot prize na P43,912,343.80.


Wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49 na may winning number combination na 33-19-41-46-36-12 at may jackpot prize na P28,029,483.60.


Bigo ring makuha ang Ultra Lotto 6/58 draw na may winning number combination na 28-56-12-43-25-31, at may jackpot prize na P49,500,000.00.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page