top of page
Search

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 16, 2023



Magkaparehong mga numero ang tinayaan ng mag-ama sa Laguna na mahigit P11 milyon ang jackpot prize sa MegaLotto 6/45 draw noong February 27, 2023.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, kinuha na ng mag-ama ang pinaghatian nilang premyo na P11,631,365.60

Ibinahagi ng anak na ang kanyang tinayaang numero ay ang kanilang petsa ng kaarawan at edad na tumama; 25-4-11-35-15-09.

Base naman sa ama, una niyang tinayaan ang mga numero sa isang lotto outlet sa plaza ala-1 ng hapon.

“Tapos pagbalik ko sa sasakyan ko bandang 3:00 pm, tumaya ulit ako ng parehong number. Pag-uwi ko sa bahay ibinigay ko sa kanya (sa anak ko), sabi ko, tig-isa tayo.


Kapag tumama hati tayo,” kuwento ng ama sa pahayag ng PCSO.

Naniniwala rin ang ama sa kanyang horoscope na sasagana umano ang kanilang buhay ngayong taon.

“Sabi sa horoscope ko ang 2023 daw ay year of abundance para sa lahat ng ipinanganak ng 1959 at malaki ang chance na yumaman ngayong taon kaya taya lang po ako ng taya ng lotto,” sabi ng ama.

Samantala, wala pa raw plano ang mag-ama kung ano ang gagawin nila sa napanalunan na kung kaya’t ilalagay muna raw nila ito sa bangko.


 
 

ni Lolet Abania | June 1, 2022



Wagi ang tatlong mananaya sa jackpot prize ng Lotto 6/42 draw, nitong Martes ng gabi, Mayo 31, 2022.


Batay sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), maghahati ang tatlong winners na nasungkit ang winning number combination na 25-20-29-07-21-02, na may jackpot prize na P43,912,343.80.


Wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49 na may winning number combination na 33-19-41-46-36-12 at may jackpot prize na P28,029,483.60.


Bigo ring makuha ang Ultra Lotto 6/58 draw na may winning number combination na 28-56-12-43-25-31, at may jackpot prize na P49,500,000.00.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 7, 2022



Masuwerteng nasungkit ng isang mananaya mula sa Rizal ang P12.5-million jackpot ng Lotto 6/42 noong Sabado ng gabi.


Sa advisory na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nasapul ng jackpot winner ang kombinasyon ng mga numerong 18-34-33-39-11-36 at may premyong P12,537,017.20.


Nabili umano ang ticket sa Taytay.


Maaaring i-claim ng naturang bettor ang tseke ng kanyang napanalunan sa PCSO main office sa Mandaluyong City dala ang winning ticket at dalawang ID.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page