top of page
Search

ni Lolet Abania | November 15, 2020



Binisita ni Vice-President Leni Robredo ngayong Linggo ang mga residente sa Cagayan at namahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.


“We arrived in Cagayan this morning. Our team arrived a few hours earlier with supplies,” ayon sa post sa Twitter ni VP Robredo.


“Situation is so much better. Many areas still flooded but water receded already,” sabi niya.


Sa isa namang video post sa Facebook, nasa boundary si Robredo ng Linao Norte at Annafunan sa Tuguegarao City. Aniya, marami sa mga itinawag na rescue sa kanyang opisina ay mula sa Linao East.


"May parts pa rin na mataas pa rin ang tubig," sabi ng bise-presidente.


"Makikita natin 'yung bakas ng baha. Kaka-recede pa lang ng tubig. Parang mayroon pa siyang residue. May putik pa ang mga bahay. Naglilinis ang mga tao," aniya.


Ayon kay Robredo, may mga kababayan na humihingi ng pagkain at tubig. "Marami tayong tinawagan na initially nagpapa-rescue. Sabi nila, hindi na sila lilikas. Karamihan, nagre-request ng pagkain at tubig, kasi may mga parts na nawalan ng water at may mga parts na hindi makalabas ang mga tao," ani Robredo.


Sinabi ni Robredo na patungo na ang kanyang team sa evacuation center para magbigay ng mga relief goods. "Aside sa relief goods, may dala rin kaming mattresses," sabi pa ni Robredo.

 
 

ni Lolet Abania | November 15, 2020



Dumating ngayong Linggo nang tanghali si Pangulong Rodrigo Duterte sa Tuguegarao City, Cagayan upang personal na alamin ang kalagayan ng mga kababayang napinsala ng Bagyong Ulysses.


Kasama rin ni Pangulong Duterte si Sen. Christopher “Bong” Go sa isang aerial inspection sa mga lugar na binaha sa Cagayan Valley, kung saan nai-post ito sa Facebook account ni Department of Transportation (DOTr) Asst. Sec. Goddes Hope Libiran.


Nagkaroon ng briefing si P-Duterte kasama ang mga government officials sa Cagayan para sa isasagawang tulong sa lugar.

 
 

ni Lolet Abania | November 15, 2020




Tatlong ahensiya ng gobyerno ang inatasan na magpautang sa lahat ng miyembro na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.


Una ang Pag-IBIG Fund na may P4.4 bilyong inilaang halaga para sa calamity loan ng mga members na apektado ng magkakasunod na bagyo.


"Kung wala po tayong internet connection o kuryente, puwede pong physical ang pag-avail ng loan, nag-coordinate na po kami sa mga local government units sa Bicol para makapag-setup po kami ng service desk kung saan puwedeng tanggapin ang loan application," sabi ng spokesman ng Pag-IBIG Fund na si Kalin Franco-Garcia.


Pinag-aaralan naman ng Social Security System (SSS) ang muling pagkakaroon ng calamity loan dahil umabot sa P28 bilyon na ang nailabas ng ahensiya sa naunang pautang noong unang quarter ng taon sanhi ng pandemya ng COVID-19.


Subalit, ayon sa SSS, maaaring mag-salary loan online nang hanggang P40,000.


"Kailangan lang magrehistro sa my.sss at 'yun nga pong disbursement account na puwedeng savings account o PayMaya o M Lhuillier, puwede pong piliin ninyo 'yun at i-e-enroll n'yo sa inyong my.sss para ru’n n’yo maa-avail ang ating salary loan online," sabi ni SSS Spokesman Fernan Nicolas.


Magbibigay naman ng P20,000 emergency o calamity loan ang Government Service Insurance System (GSIS).


Gayunman, kung mas malaki ang kailangan, maaari pang mag-apply ng multi-purpose loan kung saan kakayanin ang pagbabayad mula sa sahod ng isang miyembro ang dalawang sabay na utang.

"Basta kaya pa ng kanyang paying capacity, basta ang kanyang net take home pay ay huwag bababa ng P5,000 kasi 'yan ang GAA requirement 'yan," sabi ni Executive Vice-President Nora Malubay ng GSIS.


Samantala, sakaling walang internet o kuryente sa lugar ng isang miyembro, mag-over-the-counter o idaan na lang sa mobile kiosks ang pag-a-apply ng kanilang loan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page