top of page
Anjo Yllana vs TVJ - Ogie Diaz Inteview - YT.jpg
Search

ni Mylene Alfonso @News | September 11, 2023




Nagsalita na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nitong Sabado sa mga espekulasyon kaugnay sa larawan nila kasama si dating Bise Presidente Leni Robredo.


Sa isang pahayag, sinabi ni Arroyo na dumalo lamang siya sa isang social dinner kasama si Robredo.


"I recently had a social dinner with former Vice President Leni Robredo and mutual friends from Bicol," ani Arroyo.


"We chatted about Bicol politics," wika pa ng House Deputy Speaker.


Nagpatibay umano kasi ang naturang larawan na umikot sa social media tungkol sa mga usapan sa diumano'y pagkakaugnay ni Arroyo kay Robredo, na nabigo sa karera sa pagka-pangulo laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Nabatid na si Arroyo ay kilalang kaalyado ng kasalukuyang Vice President na si Sara Duterte-Carpio, ang running mate ni Marcos.




 
 

ni Lolet Abania | May 29, 2022



Nakabalik na sa bansa si ooutgoing Vice President Leni Robredo mula sa United States nitong Sabado, na dumalo sa graduation ng kanyang bunsong anak na babae.


Si Robredo, kasama ang kanyang mga anak na babae ay dumating sa Ninoy Aquino Terminal 1 bandang alas-10:30 ng gabi.


Nag-alok naman ang mga airport authorities kay Robredo ng courtesy assistance subalit tinanggihan niya ito habang dumaan siya sa karaniwang arrival process kasama ng iba pang mga pasahero.


Ang mga airline workers at passengers ay nagpakuha naman ng mga larawan o selfies kasama si Robredo. Isang driver ang nag-pick up sa pamilya Robredo matapos ang airport arrival procedure.


Matatandaang ang anak ni VP Leni na si Jillian ay nagtapos kamakailan mula sa New York University na may double major sa economics at mathematics. Ang pamilya lumipad patungon US para sa naturang event noong Mayo 14.


Bago ang kanilang two-week trip, ipinahayag ni Robredo na siya ang mangunguna sa preparasyon para sa paglulunsad ng Angat Buhay program, isang non-government organization (NGO) na binubuo ng karamihan sa mga volunteers na nakasama niya sa kampanya sa katatapos na 2022 elections.


 
 

ni Lolet Abania | May 17, 2022



Inanyayahan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga top officials na pinangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa proklamasyon ng 12 nagwaging senators sa 2022 national elections na nakatakda sa Miyerkules, Mayo 18, ayon kay Comelec Commissioner George Garcia.


“Officially, we have invited the President, Vice President, Senate President, Speaker of the House and the Chief Justice for [the proclamation] tomorrow,” ani Garcia sa isang press conference ngayong Martes.


“In the event that they are available to attend, there might be changes in prior arrangements,” dagdag ni Garcia. Bukod kay Pangulong Duterte, ang iba pang top officials na inimbita ng Comelec ay sina Vice President Leni Robredo, Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Lord Allan Velasco at Chief Justice Alexander Gesmundo.


Si Robredo ay kasalukuyang nasa United States kung saan dadalo siya sa New York University graduation ng kanyang pinakabatang anak na babae na si Jillian sa Yankee Stadium sa New York City.


Gayunman, ayon kay Garcia, ang mga naturang top level officials ay walang pang ibinigay na kumpirmasyon ng kanilang pagdalo sa proklamasyon. Batay sa Comelec guidelines, bawat nagwaging senador ay maaaring magbitbit ng limang bisita.


Habang ang dress code para sa mga guests at winning candidates ay Kasuotang Filipino. Hindi naman required para sa mga attendees ang magbigay ng negative antigen o RT-PCR-COVID-19 test results habang ang kailangan lamang ng mga ito ay magprisinta ng kanilang COVID-19 vaccination card.


Base sa partial and official count ng Comelec hanggang nitong Mayo 16, ang aktor na si Robin Padilla ang nangunguna pa rin sa 2022 Senate race.


Narito ang Senate Magic 12:


• Padilla, Robin -- 26,494,737

• Legarda, Loren, - 24,183,946

• Tulfo, Raffy - 23,345,261

• Gatchalian, Sherwin - 20,547,045

• Escudero, Chiz - 20,240,923

• Villar, Mark – 19,402,685

• Cayetano, Allan Peter - 19,262,353

• Zubiri, Juan Miguel – 18,663,253

• Villanueva, Joel - 18,439,806

• Ejercito, JV - 15,803,416

• Hontiveros, Risa - 15,385,566

• Estrada, Jinggoy - 15,071,213


Samantala, ang certificate of canvass na lamang mula sa Lanao del Sur, ang hindi pa nabibilang dahil sa tinatawag na failure of elections sa 14 na barangay sa gitna ng naganap na election violence.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page