top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 3, 2024

Photo: Kathryn Bernardo at Dominic Roque - Instagram

Mukhang waley talagang pag-asa si Alden Richards kay Kathryn Bernardo dahil ultimo sa nakaraang Halloween celebration ay iba ang kasama ni Kathryn sa piktyur na nag-viral sa socmed (social media).

Instead of Alden na leading man ni Kathryn sa movie nila under Direk Cathy Garcia-Sampana ang kasama niya sa piktyur, ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na si Dominic Roque ang ka-party ng ex-GF naman ni Daniel Padilla.

Naka-motorcycle driver jacket si Dominic sa piktyur. Si Kathryn naman ay naka-color green na wig. Nakapatong ang isang braso ni Kathryn sa balikat ni Dominic habang may hawak na babasaging baso na may laman na either tubig o ‘di kaya ay white wine.

Caption sa picture nina Kathryn at Dominic na lumabas sa X (dating Twitter), “Happy Halloween with Kathryn Bernardo and Dominic Roque #halloween2024.”

Mixed ang naging reaction ng mga netizens sa piktyur nina Kathryn at Dominic:

“Nako, paps @aldenrichards02!”

“BAL_W! Anong paki ni Alden sa landian n’yang dalawang ‘yan (vomiting emoji).”

May pabor naman kay Dominic for Kathryn.

“For me, wala namang malisya. They are good friends since then pa talaga. And if ever, if ever, ha! Wala namang masama.”

“Bagay sila, sobrang tander (matanda) nga lang ni Dominic.”

“Grabe sa sobrang tander. He's only 34 tapos 28 naman si Mikay.”

Naniniwala naman ang ibang mga netizens na sina Kathryn at Dominic na. 

Si Dominic na nga kaya ang dahilan kaya happy na si Kathryn gaya ng sinabi niya kay Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda?

Sey pa ng ibang mga fans:

“I think parang feeling ko, sila ang tunay na nagde-date kasi laging magkasama ‘pag walang work at parehong single. Well, kung si Dom ang pipiliin ni Kath, eh, wala na tayong magagawang mga KathDens (Kathryn at Alden fans).”

“OMG! confirmed.”

Sabeeee

MAY hawig kay Heart Evangelista ang baguhang artista ng AQ Prime na si Bianca Tan. 

Nakausap namin si Bianca during an intimate tsikahan recently.

Pahayag ni Bianca, “Mayroon naman pong nakapagsabi pero nakakahiya po, mas maganda po si Ms. Heart.”

Naha-happy naman daw siya kapag sinasabihan siya na hawig kay Heart.

Idolo rin kasi ni Bianca si Heart, kaya wish niya na umalagwa rin ang kanyang career sa showbiz like Heart at pati na sa fashion industry na sobrang in-demand din ng misis ni Sen. Chiz Escudero. 

Keri naman ni Bianca na maging next Heart Evangelista. Bukod sa may hawig siya kay Heart, may kaya rin ang pamilya ni Bianca. Naging modelo rin si Bianca bago pasukin ang showbiz, nakapag-ramp modeling and product shoot na raw siya. 

But unlike Heart na ‘di nakapagtapos sa kolehiyo, Bianca is a graduate from Enderun Colleges with degree in business major Operational Management. Pumasok siya sa showbiz when she heard na may audition ang AQ Prime para sa pelikula nila na Believe It Or Not (BION). Pumasa siya sa audition at napasama sa pelikula. And now, pumirma na siya ng kontrata sa AQ Prime to be their exclusive artist for two years. Isang “queen bully” ang role ni Bianca. 

In real life kaya ay isang bully din si Bianca?

“Sa totoong buhay po, ‘di ko naman po masasabing nakapag-bully na ako, pero I’m also human, so meron din po akong mga downside, like ‘pag minsan, like mataray, mga ganu’n po,” tugon niya.

Pangarap ni Bianca na maka-partner on screen ang favorite male star na sina Paulo Avelino at Dingdong Dantes. 

Samantala, sa ngayon ay walang love life si Bianca. Focused daw muna siya sa kanyang career sa showbiz. 

Actually, three years ago na nu’ng nakipaghiwalay siya sa kanyang last boyfriend.

Anyway, kasalukuyang nag-iikot at ipinapalabas ang BION sa mga eskuwelahan nationwide. Mula sa direksiyon ni Errol Ropero at sa producer na si Atty. Aldwin Alegre ng AFA Entertainment at A and Q Film Productions, Inc., tampok din sa pelikula sina Potchi Angeles, Jhassy Busran, Shira Tweg, Dwayne Garcia, Daffne Louise, Niño Vergara, Jared Miguel, Duna Duncan, Niño Vergara, Christian Villanueva, Christa Jocson, Artan Akthar at marami pang iba.

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 30, 2024

Photo: Kathryb Bernardo / IG

“Don’t use your pain as a reason to hurt others,” ang payo ni Kathryn Bernardo sa kanyang magiging anak in the future.

Sa panayam sa aktres sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Monday ay isa sa mga naitanong sa kanya ng host na si Boy Abunda ay kung ano ang ipapayo niya sa magiging anak tungkol sa pag-ibig.

“Just because you’re in pain, you’re hurting, it doesn’t mean na you have to do the same,” sey ng aktres.

Dagdag pa niya, hahayaan niyang ma-experience ng anak ang pain because that’s something na hindi niya makokontrol.

“Kindness, you can never go wrong with kindness. If something bad happens, or kung may mangyayari sa ‘yo, I’ll let you experience it because I can’t protect you from it.

“But, siguro, ‘yung mako-control ko lang, is how you will handle yourself when you’re in pain, and I want you to know na, basta alam mo ‘yung values mo, alam mong wala kang naapakan na ibang tao, then you shouldn’t be afraid of anything kasi lahat, kakayanin mo. ‘Yun ‘yung ginawa ko sa sarili ko,” pahayag ng leading lady ni Alden Richards sa Hello, Love, Again (HLA).

Napag-usapan din nina Kathryn and Kuya Boy kung paano siya nagpatawad matapos ang kanyang 11 taong relasyon kay Daniel Padilla.

“You should forgive yourself and forgive the person. But I think, personally, ang nangyari sa ‘kin, una kong napatawad ‘yung sarili ko, saka ako natutong magpatawad ng ibang tao,” pahayag ni Kath.

“Parang I had to gauge everything that was happening last year, and then when I was ready, du’n ko inayos lahat. Pero ‘yung iba kasi, baligtad, or ‘yung iba, sabay.

“Sa ‘kin lang, sinabi ko lang, this is the time for me to be selfish. And I want to give this time to myself. You feel everything, all the emotions you have to feel, and then harapin mo. Kailangan mo 'tong harapin, basta ready ka,” dagdag niya.

PILOT episode pa lang ng Lutong Bahay, busog na agad ang mga viewers dahil sa masarap na pagkain at chika na dala ng pinakabagong paboritong kapitbahay na si Mikee Quintos.

Kasama niya sa GMA Public Affairs program ang mga social media foodie na sina Chef Hazel Anonuevo, Chef Ylyt Manaig, at Kuya Dudut.

Kumatok si Mikee sa sikat na kusina ni Ninong Ry para makakuha ng maaanghang na chika at matutunan ang napakasarap na sinampalukang manok at tinolang manok.

Samantala, bago pa ipalabas ang masayang chikahan nina Mikee at Ninong Ry last Saturday ay nasaksihan muna ang Lutong Bahay host na tumutulong sa Operation

Bayanihan: Bagyong Kristine Telethon ng GMA noong Friday.

Totoo nga naman kasing mas masarap umuwi kapag nakatulong sa iba.

Napapanood ang Lutong Bahay from Mondays to Fridays, 5:45 PM sa GTV.

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 6, 2024

Showbiz News

Makakasama na si Alden Richards ni Kathryn Bernardo bilang Bench endorser. 

Tinapos muna ni Alden ang kontrata niya sa Boardwalk. In fairness sa kanya, hindi niya iniwan ang Boardwalk kahit may ibang clothing line na ini-offer sa kanya. 

Pasasalamat at pagtanaw niya ito ng utang na loob sa brand na kumuha sa kanya noong hindi pa siya sikat. Nanatili siyang endorser kahit naba-bash dahil siya na lang daw ang A-lister na wala sa Bench.

Well, heto na nga, Bench endorser na siya at masaya ang mga fans nila ni Kathryn dahil malaki ang chance na magkasama sila sa ad campaign. 

Looking forward din ang KathDen fans na magtataas ng billboard ang Bench in support of the November 13, 2024 showing of Hello, Love, Again (HLA).

And speaking of the movie, bago ang regular screening ng 10:00 AM, may midnight screenings sa cinemas sa Megaworld, Ayala Malls, Robinsons Malls at SM Malls. 

Sa gustong maunang makapanood ng HLA, maghanda sa 12:01 AM screening.

Tama ba kami na last time nagkaroon ng midnight screening ay sa Twilight pa dahil din sa big demand ng mga fans?

Ngayon lang naulit, kaya mali ang sinasabi ng mga bashers nina Alden at Kathryn na kaya may midnight screening at may pre-ticket selling ay dahil walang gustong manood ng HLA.

Birthday ni Rhian Ramos noong October 3, at simpleng birthday greetings ang bati sa kanya ng boyfriend na si Sam Verzosa. Hawak ang isang slice ng cake, kinantahan ni Sam ng birthday song ang girlfriend. May kasamang birthday greetings na: “Happy Birthday boo @whianwamos love you!!!”

Sagot ni Rhian, “Thank you for surprising me again and again, Boo! I love you.”

Anyway, nahawa na si Rhian kay Sam dahil sa birthday niya, siya pa ang namahagi ng livelihood food carts sa 20 single moms. 

It’s the actress way of giving back at sa tulong ni Sam, naging successful ang birthday event na ‘yun at ipinangako na marami pa silang ipamimigay.

Every year, walang mintis, tuwing birthday niya ay laging may charity program si Rhian na tinawag nga niyang ‘Rhian Gives Back’.

Ang kapalit nito ay ang patuloy na magandang takbo ng career ni Rhian na after Pulang Araw (PA), mapapanood siya sa Sang’gre

Isama na natin ang maganda nilang relasyon ni Sam Verzosa at kasal na lang ang hinihintay sa kanila.

Aktor, 27 yrs. old na…  

PRINCE, HININTAY MAG-19-ANYOS SI ALTHEA BAGO LUMANTAD NA MAGDYOWA 

NAALALA namin ang isyu kay Prince Clemente na baby grabber daw ang aktor dahil at 27 years old, 19 years old ang girlfriend nitong si Althea Ablan. 

Wala pang 18 years old nang ligawan ni Prince si Althea at naging sila. In fairness to them, hinintay muna nilang mag-19 si Althea bago ang kanilang relationship reveal.

May mga bashers ang dalawa, lalo na kapag nakikita silang nagpi-PDA (public display of affection) at lagi, si Althea ang pinupuntirya ng bashing. Para bang kasalanan nito na niligawan siya ni Prince, naging sila at masaya sila sa kanilang relasyon.

Nang mainterbyu si Prince sa Regal Studio Presents (RSP), sabi nito, going strong ang relasyon nila at masaya sila, walang problema at kani-kanya ang takbo ng career. Kahit may relasyon, hindi sila laging pinagtatambal.

Si Prince nga, sa episode today ng RSP na The Heartbreak Shop, si Kazel Kinouchi ang partner. Maganda ang story niya, makaka-relate ang mga Gen Zs. Ang maganda, happy ang ending ng love story nina Epoy (Prince) at Tintin (Kazel).

RECOMMENDED
bottom of page