top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 1, 2024



Photo: Karla Estrada, KathDen - IG


Nagpahayag ng kanyang reaksiyon si Karla Estrada sa huge success ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again (HLA).


Pahayag nito, “Of course, lahat tayo masaya. Lagi naman nating sinasabi ‘yan, ‘di ba? ‘Pag magkakasama tayo sa industriya, dapat naghihilahan tayo pataas.


“Congratulations! I’m very happy. I’m very proud of Kathryn and Alden.” Pero hindi pa raw nako-congratulate ni Karla si Kathryn personally dahil hindi pa sila nagkikita uli ni Kathryn.


Nakausap namin si Karla sa red carpet ng grand mediacon ng inaabangan na action-drama series na Incognito. Bida ang anak niyang si Daniel Padilla sa bagong action series ng ABS-CBN’s  Star Creatives kasama nina Richard Gutierrez at Ian Veneracion sa direksiyon ni Lester Ong Pimentel.


Um-attend si Karla sa grand mediacon para suportahan si Daniel, pati na ang iba pang kasama ng kanyang anak sa bagong action series na mauunang mapanood sa Netflix on January 17 (Friday) at sa iWantTFC on January 18 (Saturday). And on January 20 (Monday), mapapanood ang Incognito sa Kapamilya Channel, TV5 and A2Z.


“Nandito ako for the entire cast of Incognito. Support siyempre natin sa bagong palabas, especially sa anak ko, kay Daniel,” ani Karla.


Posible raw magkaroon ng special guest appearance sa Incognito ang younger sister at anak ni Karla kay Mike Planas na si Carmela. 

“Oo, abangan natin,” nakangiting sabi ni Karla. 


Bilang ina, happy siyempre si Karla sa pagbabalik-serye ng kanyang anak na si Daniel. 


“Yes, actually, hindi lang ako ‘yung natuwa, lalo na si Daniel. Kasi, naging handa s’ya at ang tagal na nating pinaghahandaan ang isang aksiyon na palabas. Kasi ‘yan talaga actually ang halos hindi pa n’ya nagagawa. Nakagawa na s’ya ng drama, comedy and all.


“Eto kasi, all-out action. Happy s’ya with (his) Tito Ian, Richard Gutierrez and Baron Geisler. Kasi nakakahugot talaga s’ya, marami s’yang natutunan, ha, sa aksiyon.”


Wala rin daw silang problema sa billing ni Daniel with the other actors na kasama ng kanyang anak sa Incognito.


“Basta ang importante, ano ba’ng kaya mo’ng ibigay at ipakita. Okey na ‘yan, ‘di ba?”

Marami ang curious kung ano ang mga pinagkaabalahan ni Daniel after ng hiwalayan nila ni Kathryn, bukod sa pag-shoot ng Incognito sa Italy at sa El Nido, Palawan.


“Well, alam mo ‘yan, hindi naman mapakali sa buhay n’ya. Ang dami n’yang negosyong binuksan, ‘di ba, and workshop. Para ‘pag dumating ‘yung mga ganitong pagkakataon, ready ka. So, ready s’ya,” diin ni Karla.


After ng hiwalayan kay Kathryn… 

KARLA, KINUMPIRMANG WALA PANG GF SI

DANIEL 



May pa-reveal pa si Karla sa amin na abangan si Daniel sa malaking pelikula nito next year, isang action film daw ito.


Nag-share rin si Karla ng kanyang naramdaman para sa anak na si Daniel nu’ng inisplitan ni Kathryn. 


Sey niya, “Alam mo, ang nanay ang unang nalulungkot ‘pag malungkot ang mga anak. ‘Pag may pinagdaraanan ang mga anak, mas gusto mong kunin na lang ang mga pinagdaraanan nila. 


“Pero, tuturuan din natin ang mga anak natin na bumangon mag-isa because it’s not gonna be forever na kasama natin sila, ‘di ba? Paano ‘pag mamaya, mawala na tayo? 


“So, tuturuan natin ang mga anak natin na tumibay ang mga buto nila.”

Namumuhay na raw independently si Daniel. 


“Lalaki ‘yan,” sabi ni Karla. 


“Actually, kahit ‘yung mga girls ko na anak, they’re very independent,” dagdag niya.


Paalis na si Karla sa red carpet pero naihabol namin ang tanong kung true ang balitang may bagong girlfriend na si Daniel Padilla.


“Hindi. Ikaw talaga,” say ni Karla Estrada sa amin.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 1, 2024




                                                                 

Binati kahapon si Kathryn Bernardo ng kanyang solid fans ng “Maligayang Araw ng Kalayaan” dahil kahapon ang anniversary ng breakup nila ni Daniel Padilla.


Wish ng mga fans ng aktres, hindi na uli siya umiyak halimbawang makipagrelasyon uli dahiil hindi raw niya deserve masaktan.


May mga umaasang si Alden Richards na sana ang mahalin ni Kathryn, pero hindi nila ito ipe-pressure. Kung talagang hanggang magkaibigan lang ang relasyon nila, rerespetuhin ito ng KathDen fans. 


Pero, looking forward ang mga fans na magkasama ang dalawa sa Christmas at New Year at sa birthday ni Alden sa January 2, 2025. 


Matupad kaya ang wish ng KathDen fans?


Alam ng KathDen fans na may solid fans si Kathryn na ayaw si Alden para sa kanya at ngayon, tapos at kumita na ang Hello, Love, Again (HLA), sana raw, makita naman nila si Kathryn na iba ang kasama. May pa-hashtag pa nga sila na #FreeKathrynFromAlden na sinagot ng fans ni Alden ng #FreeAldenFrom KathrynsToxicFans.


May mga aktor na isina-suggest ang ilang fans ni Kathryn na gusto nilang makasama sa next project nito, gaya ni Cedric Juan na bet nilang makasama ng aktres sa gagawin nitong Elena 1944.


Anyway, nasa Dubai si Kathryn sa breakup anniversary nila ni Daniel Padilla at ang mom nitong si Min Bernardo ang kasama. Si Daniel naman ay may mediacon for Incognito, pareho na silang masaya at nakapag-move on.


Kobe, 'wag daw sanang ma-turn-off… 

KYLINE, AMINADONG ‘DI MARUNONG MAGLUTO 



Tanong ng mga fans, hindi raw ba na-turn-off si Kobe Paras sa reaction ni Kyline Alcantara na, “Hindi nga ako marunong magluto?” 


Wish kasi ni Kobe na sa Pasko ay ipagluto siya ni Kyline. 

Sabi pa nito, “Sana kahit ano’ng lutuin ni Ky.”


Paano ‘yan at hindi nga marunong magluto ang Shining Inheritance (IS) star? 

Nabahala tuloy ang mga fans nila at sana raw, hindi maging dahilan ‘yung hindi marunong magluto si Kyline para tumabang ang sweet relationship nila.


Hindi naman “fancy dish” ang wish ni Kobe, kaya okey na siguro kahit fried egg na lang, na for sure, alam lutuin ni Kyline.


Nabanggit naman ni Kobe na kung hindi niya makakasama ang family niya sa Pasko, si Kyline at ang pamilya nito ang makakasama niyang mag-celebrate.


Hindi papayag ang parents ni Kyline na magutom si Kobe lalo na sa Pasko, kaya for sure, maghahanda sila. Mas bongga kung tutulong si Kyline sa pagluluto para kahit doon, matuwa si Kobe.


Saka, kabilang sa wish nina Kobe at Kyline na handa sa Pasko ay lumpiang shanghai, lechon, bopis, at pancit. Ang lechon, mabibili sa mga litsunan, ang pancit, bopis at lumpiang shanghai na lang ang lulutuin ni Kyline and her family.


Anyway, hindi na nga naghihiwalay sina Kyline at Kobe at madalas silang magkasama sa mga kasosyalang launching ng international brand. May endorsement na rin silang magkasama, hintayin natin ang launching.   



MAY Facebook (FB) post si Ms. Nessa Valdellon tungkol sa Lost Sabungeros (LS) at kung bakit hindi muna mapapanood sa mga sinehan ang nasabing pelikula.

Pahayag niya, “It never ends. LOST SABUNGEROS applied for MTRCB review- so it can be screened on television and in select commercial cinemas. But the MTRCB will still not review us due to concerns about sub judice. They were kind enough to explain the next steps in this process, however. We will comply and hopefully get our rating someday. Meanwhile, grateful for the schools that invited the docu for special screenings. (With our director Bryan, producer Tolits and legal counsel Atty. Viney.”

Kaya habang hindi pa puwede sa commercial release, sa mga schools muna napapanood ang LS. Isa ang pelikula sa mga ipinalabas sa UP Los Baños at parte sa Pelikultura: The Calabarzon Film Festival.

Nagkaroon ng talkback after the screening of the movie with some of the team na gumawa sa pelikula. Pinasalamatan ng GMA Pictures ang mga Iskolar ng Bayan sa UPBL na nanood ng movie.

Noong isang araw, sa UP Film Institute sa UP Diliman naman ipinalabas ang docu-film. Sinundan ng talkback session hosted by Howie Severino. Present si Direk Bryan Brazil at ilang kaanak ng mga nawawala pa ring mga sabungero.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 27, 2024



Photo: Joshua Garcia at Kathryn Bernardo - Instagram


Inamin ni Joshua Garcia na pangarap niyang makatrabaho ang long-time crush niyang si Kathryn Bernardo.


“Sana! Pero wala pa namang nasabi sa ‘kin,” sey ni Joshua sa panayam sa kanya during the Star Magical Christmas Ball held recently.


“Hindi pa s’ya totoo pero sana,” dagdag pa niya.


Ni-recall nga ng aktor na matagal na niyang crush si Kathryn.


“Oo naman! PBB pa lang, crush ko na ‘yun, eh,” pagkumpirma niya.


“Parang inamin ko naman ‘yun nu’n sa PBB. Parang natutulala pa ako,” pag-alala ni Joshua.


“Malaking achievement from humahanga lang ako sa kanya to naging magkaibigan kami,” sey pa ng aktor.


Matatandaang nagsimula si Joshua sa showbiz nang maging housemate siya sa reality show na Pinoy Big Brother: All In nu’ng 2015. Hanggang ngayon nga ay makikita pa rin sa internet ang video kung saan ay bumisita si Kathryn noon sa PBB house at natulala naman talaga ang aktor.



BUMALIK ng Canada sina Kathryn Bernardo at Alden Richards kung saan sila nag-shooting ng Hello, Love, Again (HLA) para taos-pusong magpasalamat sa mga nanood ng pelikula.


As we all know, ang HLA ang may hawak na ngayon ng record na Highest Grossing Filipino Film of All Time dahil nga kasalukuyan nang mahigit sa isang bilyong piso ang kinikita nito.


Ang naturang pelikula rin ang kauna-unahang Filipino film na kumita ng isang bilyong piso sa box-office.


“We’re very grateful kasi we didn't expect much, we just wanted to tell a great story, and we are just so grateful with everything that has been happening kasi parang bonus (na po) namin ‘to,” saad ni Alden base sa panayam ng GMA-7.


Dagdag ni Kathryn, “That gives us hope na sana, magtuluy-tuloy ‘to, na sana, suportahan natin ‘yung gawang Pinoy. Nakaka-proud lang na nagiging parte tayo ng ganu’n.”


Natutuwa rin si Alden na napakaraming Pinoy ang naka-relate sa istorya ng movie.

“A lot can relate, maraming Pilipino all over the world kaya joint forces talaga tayo for this film. It’s very relatable, with the characters and the scenes that we were able to showcase within the film, one way or another, mayroong mata-touch ‘yung buhay,” sey ng aktor.


Bago pumunta sa Canada, nagkaroon muna ng Meet and Greet sina Alden at Kathryn sa Carson, California.


Deklara ni Alden, “We’re just very happy and we’re very fulfilled na the support that we’ve been getting is far beyond our expectations.”


Sabi naman ni Kath, “Every time na mami-meet kami, kita mo lang ‘yung warmth ng lahat, like masaya lahat sa nangyayari sa Philippine cinema, which is a good thing.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page