- BULGAR
- Mar 17, 2022
ni Ka Ambo - @Bistado | March 17, 2022
MAY kapansin-pansin na nagaganap sa nagdaang ilang araw.
Magkakasunod na nakatanggap si VP Leni ng endorsements.
◘◘◘
SORPRESANG inendorso ng apat na gobernador si VP Leni.
Kabilang dito sina Ben Evardone ng Eastern Samar; Edwin Ongchuan ng Northern Samar; Eugenio 'Bong' Lacson ng Negros Occidental; at Daniel Fernando ng Bulacan.
◘◘◘
NAUNA rito, inendorso rin si VP Leni ni dating Cagayan Gov. Alvaro Antonio.
Sinasabing inendorso rin siya ng 80 young politicians mula sa 31 probinsiya kasama ang Ilocos Sur, Cagayan, Isabela, Batangas, Leyte, at Pampanga.
◘◘◘
MAY nalalabi pang higit 50 araw bago ang Mayo 9.
Kumbaga, sa basketbol, bilog ang bola.
Kahit sa e-sabong, hindi lahat ng llamado ay nagwawagi sa ibabaw ng gradas.
◘◘◘
MAY nagdeklara ng Revolutionary Government sa EDSA Monument.
Hindi po totoo na samahan ito ng mga “magbabalot”.
Ayon kay presidential spokesman Martin Andanar, naghahayag lamang ng emosyon at opinyon ang mga nandun na kasama ang ilang dating heneral.
◘◘◘
MATAPOS ang COVID, may ilang grupo na nais matulad ang Pilipinas sa Ukraine.
Mas gusto nilang magkaroon ng civil war, kaysa kapayapaan.
◘◘◘
TODO-TODO na ang presyo ng petrolyo.
Wala nang makaaawat dito.
◘◘◘
NAGWAGI sa unang amateur bout ang anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel.
Idinaos ang laban sa America.
Hindi po kandidato si Jimuel.
◘◘◘
HINDI nag-i-improve ang iskor ni Sen. Ping Lacson sa serye ng mga nagdaang survey.
Hindi pa rin siya aatras.
◘◘◘
NGAYON lang ginaganahan mangampanya si Pacquiao sa mga lalawigan.
Marami kasi ang nakikinig at nanonood.
◘◘◘
WALA pa ring linaw kung kailan matatapos ang giyera ng Ukraine at Russia.
Iyan ay isang palaisipang mahirap sagutin.
◘◘◘
SA ngayon, walang masama na paghandaan ang isang lagim.
Hindi tayo makakaasa sa pamahalaan dahil batbat 'yan ng katiwalian.




