top of page
Search

ni Ka Ambo - @Bistado | March 21, 2022


ISINUSULONG ang 4-day workweek.


Huhh, mas mainam ‘yan kaysa sa 15-30.


◘◘◘


SA totoo lang, mas mainam ay 24/7 ang trabaho.


Bakit? Ibig sabihin, kahit gabi o araw — masigla ang kilos ng ekonomiya.


◘◘◘


ANG 4-day workweek ay lipas nang ideya.


Kinopya lang ito sa mga tamad.


◘◘◘


MAS mainam ay kung ipatutupad ang 6-hour day-work.


Pagkatapos ay sabayan ito ng 4-shift 24/7 daily work.


◘◘◘


SUSUMAHIN dapat ang suweldo batay sa “bilang ng oras”.


Kumbaga, per hour ang pasuweldo.


◘◘◘


ANG kailangan ay mapasigla ang ekonomiya.

Magagawa ito sa 24/7 work loads.


Kahit gabi o araw, nagtatrabaho ang mga tao.


◘◘◘


DAPAT ipatupad ito sa gobyerno upang ang serbisyo ay dire-diretso. Layunin nito na mai-decongest o maihiwalay o mabawasan ang pagdagsa ng mga kostumer, kliyente o benepisaryo sa otso-oras na “8am to 5pm” work schedule.


‘Yan ang totoong inobasyon.


◘◘◘


HINDI dapat basta-basta nangongopya ng ideya, dapat ay mga originality.


‘Yan ang problema sa mga mambabatas — senador at kongresista, mga bopol at walang bagong ideya.


◘◘◘


KARANIWANG nahahalal ay ‘yung may panggastos sa media ads tulad ngayon.

Ang mga nasa unahan sa survey ay mga may unlimited budget sa media ads.


Kaawa-awa naman ang mga mahuhusay na kandidato pero walang badyet sa media ads.


◘◘◘


BULOK ang gobyerno dahil bulok ang mga nahahalal.


Nahahalal sila kasi’y naloloko nila ang botante gamit ang media ads.


◘◘◘


WALANG kakayahan ang mga botante na makapili ng matino.


Kasi’y hindi nila gaanong kilala ang mga mahuhusay.


◘◘◘


BABAHAGYA ang media ads nina bar top notcher Gibo Teodoro at top police general Guillermo Eleazar.


Hindi sila gaanong napapansin ng mga botante, kapos kasi sa media exposure.


◘◘◘


MAHALAGANG makapasok sa Senado sina Teodoro at Eleazar sapagkat makakapagbigay sila ng enerhiya at inobasyon sa paggawa ng batas.


Pero, bakit sila nasasapawan ng mga actor, trapo at gimikero?


◘◘◘


ANG mga botante ay kapos ng kakayahan na makapili ng matinong kandidato.


Kailangan kasing magbadyet ng bilyon bago maging senador at kongresista.

 
 

ni Ka Ambo - @Bistado | March 20, 2022


NABAWASAN na raw ang mga walang trabaho.


Katiting lang po.


◘◘◘


AKTUWAL namang nabawasan ang mga walang trabaho dahil nagkaroon ng mga siksikan sa mga political rally.


Kahit nga mandurukot, nabuhayan ng loob eh.


◘◘◘


LAGANAP ang medical assistance mula sa LGU.


Isang klase rin ito ng “vote buying”.


◘◘◘


AYON kay Joe Biden, isang war criminal si Vladimir Putin dahil sa pagkamatay ng mga sibilyan sa Ukraine.


Eh, paano naman ‘yung mga namasaker na sibilyan sa pananakop sa Iraq, Afghanistan at Libya?


Sino ang mga war criminals?


◘◘◘


KAPAG ang US at NATO ang sumasalakay sa mahihinang bansa, walang war criminals.


Pero, kapag ang ibang super power ay mayroon.


◘◘◘


DAHIL daw sa hindi maawat na paglusob ng Russia sa Ukraine ay naging inutil ang UN.


Matagal na pong inutil ang UN dahil sa pananakop ng malalaking bansa sa maliliit na nasyon.


◘◘◘


HINDI patas ang international press.


Dapat itong maunawaan ng mga kabataan.


◘◘◘


NASASAKSIHAN natin ngayon ang isang malusog na eleksyon.


Napakasasaya sa ibang lugar.

◘◘◘


BINABANTAYAN nang todo ang Smartmatic at Comelec.

Baka daw mandaya uli.


Nakakalusot???


◘◘◘


SOBRA-SOBRA na ang suplay ng COVID vaccines.


Dapat nang palayain ang mga Pinoy na magpa-booster nang unlimited.


◘◘◘


HINDI na COVID ang bida ng mga “Marites”.


Ang bida ay kung sino ang ilalagay sa balota.


◘◘◘


PAGHANDAAN ang tunay na krisis matapos ang eleksyon.


Ito ay magaganap sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto — sa pagpatak ng ulan.


◘◘◘


SINO kaya ang ieendorso ni Digong?


Huhh, baka si Donald Trump.


◘◘◘


TULOY ang e-sabong.

Kakasuhan na lang daw ang mga suspek sa pagkawala ng 34 na sabungero.


Ngek!

 
 

ni Ka Ambo - @Bistado | March 18, 2022


HINDI na maawat ang paglobo ng presyo ng petrolyo.


Ito ay nagaganap sa gitna ng kampanyahan sa Mayo kaya’t dapat na maging masinop at maging matipid ang mga kandidato lalo na sa paggamit ng petrolyo at propaganda.


◘◘◘


BINASTED ni Digong ang mungkahing tanggalin ang excise tax sa petrolyo dahil kailangan ng gobyerno ang buwis.


Ibinasura rin ni Digong ang pagpapatigil sa operasyon ng e-sabong dahil malaki ang mawawalang buwis sa pamahalaan.


◘◘◘



PERO, iniutos ni Digong ang pagkakaloob ng P200 ayuda sa bawat pamilyang naghihirap.


May madarambong na naman ang mga kolokoy.


◘◘◘


IIMPLUWENSIYAHAN ng P200 ayuda ang boto ng mga naghihirap.


‘Yung mga kumakalam ang sikmura, hindi na gaanong nakakapag-isip ‘yan, kung sino ang nagbigay ng biyaya, siya ang ihahalal nila.


◘◘◘


KAILANGAN ang inobasyon sa pangangampanya.

Sa totoo lang, dapat iwasan na ang motorcade at paggamit ng propagandang nagiging basura lang matapos ang eleksyon.


◘◘◘


AKALA ng marami ay bola lang, totoo pala na puwedeng mangampanya ang isang kandidato nang hindi gagamit ng propaganda materials tulad ng plastic, tarpaulin o kahit papel.


Hindi natutunaw ang plastic, pero ang papel ay nagmumula rin sa puno kaya’t hindi ito pabor sa kapaligiran dahil libo-libong puno ang katumbas ng isang rolyong newsprint.


◘◘◘


KINAGAT kasi ng mga volunteer cyclists ang hamon ni ex-Speaker Alan Peter Cayetano sa isang eco-friendly campaign.


Pumadyak na ang may 2,100 volunteer cyclist noong Lunes bilang suporta sa eco-friendly election campaign ng dating Speaker.


◘◘◘


HINIKAYAT din ni Cayetano ang lahat na magtanim ng mga puno at mangrove, magtayo ng urban farms, at gamitin ang social media bilang mga alternatibo sa pangangampanya.


Kaya naman pinuri ng iba’t ibang environment groups ang adbokasiya ng dating Speaker tulad ng EcoWaste.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page