top of page
Search

ni Ka Ambo - @Bistado | May 8, 2022


KUNG may dark horse sa presidential race, mayroon din sa senatorial bets.


Siya si Heneral Guillermo Eleazar.


◘◘◘


TANGING si Eleazar lamang ang inendorso ng Iglesia ni Cristo na hindi kasama sa popular na Magic 12 sa serye ng mga established opinion survey.


Malaking tulong kay Eleazar ang endorsement ng INC dahil nakasingit siya sa mga bigating “pangalan” sa Magic 12 at makakahulgpos siya mula sa kumpulan ng mga nasa likuran.


◘◘◘


MASASABI nating napakaganda ng pili ng INC dahil naisama si Eleazar gayong kakaunti lang ang kanyang media ads kumpara sa iba pang pinili ng INC.


Maaaring bunga ito ng outstanding performance ni Eleazar nang siya pa ang director ng QCPD, Calabarzon, at NCRPO at nang lumaon ay naging PNP chief.


◘◘◘


HALOS tapos na ang kampanya sa election 2022.


Dapat nang mamahinga muna at magrekober ng enerhiya ang mga kandidato.


◘◘◘


PERO, alam ba n'yo na ang bisperas ng eleksyon ang pinakamahalagang petsa ng kampanya?

Sa araw na ito, puwedeng mabago kung ano ang resulta ng mga survey, bakit?


Kasi’y sa bisperas ng eleksyon, pinakakawalan o inilalabas ang bilyun-bilyong salapi ng mga kandidato.


◘◘◘


ANG listahan ay matagal nang nakahanda, kung saan ang mga block leader ay kokobrahin ang mga sobre at aktuwal na iaabot sa mga botante.

Hindi isolated ang ganyang vote buying — lantaran 'yan at malawakan.


Nagaganap ito sa buong Pilipinas, traditionally.


◘◘◘


OPO, tradisyonal na ang vote buying tulad ng sabong, jueteng at sakla.

Aminado ang Comelec na hindi nila kayang pigilin 'yan — sapagkat ang bawat kampo ay gumagawa ng kani-kanyang “vote buying scheme”.

Kumbaga, pataasan ng presyo.


◘◘◘


NAKAKATAWA kapag itinanggi ng Comelec na walang ganyang sitwasyon.


Lalabas na ang Comelec ay taga-ibang planeta tuwing eleksyon.


◘◘◘


MULA nang talunin ni Manuel L. Quezon sina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay sa unang pormal na halalan, mayroon nang vote buying.

Naging grabe ito nang todo sa mga kasunod na eleksyon.

Itinuro kasi 'yan mismo ng mga Kano upang magwagi ang kanilang manok.


Kung sino ang may “budget” — siya ang magwawagi.


◘◘◘


ANG resulta ng eleksyon sa Pilipinas ay hindi kailanman panukat kung sino ang pinakamahusay at pinakakuwalipikado.


Ang resulta ng eleksyon ay sukatan ng kung sino ang may pinakamalaking resources, makinarya at diskarte.

 
 

ni Ka Ambo - @Bistado | May 7, 2022


KALIWA’T kanan ang aktuwal na vote buying.


Natutulog sa pansitan ang Comelec.


◘◘◘


LANTARAN ang pagbibigay ng “cash” sa mga botante.


Unprecedented ini.


◘◘◘


HINDI malaman ng ordinaryong tao kung saan nanggagaling ang “unlimited cash” ng mga kandidato.


Higit ito sa mga nakaraang halalan.


◘◘◘


ALAM na ng mga botante kung anong numero ang mamarkahan sa balota.

Wala nang undecided pa, nakapagdesisyon na lahat.


Magmamarka na lamang sila ng numero sa Lunes.


◘◘◘


ANG tutok ngayon ng mga llamado ay mabilang nang maayos ang kanilang boto.

May malaking pangamba at panganib kasi, baka mai-programmed sa kompyuter ang boto nila ay mabilang pabor sa kalaban.


‘Yan ang nakakanerbiyos.


◘◘◘


ANG mass rally sa mga miting de avance ay puwedeng ulitin matapos ang eleksyon.

Palalabasing mayorya ay kontra sa naideklarang panalo.


Gulo ang kahihinatnan nito.


◘◘◘


PLURAL votes lamang ang nakuha ni FVR, GMA at Digong pero walang mass protest.

Pero, si BBM ay pinaniniwalaang makakapagtala ng majority votes.


Kung may “people power” after election, peke lang 'yan.


◘◘◘


MAHALAGA ang papel na ginagampanan ng pambansang pulisya.


Pero, puwede ba silang manghuli ng mga “vote buyer at vote seller”?


◘◘◘


BUMABAGSAK na ang newspaper industry dahil sa social media.


Malalaos na rin ang mga radio at TV programming.


◘◘◘


WALANG nakakasabay sa modernisasyon sa media.


Ang social media ay tila karagatang punumpuno ng polluted materials.


◘◘◘


KANI-KANYANG post at shares ang mga account owners.

Walang sumasala, walang nag-e-edit.


Nabababoy ang modernong media.

 
 

ni Ka Ambo - @Bistado | May 6, 2022


MAUGONG ang ulat kaugnay ng ilang kaso ng mga depektibong Voter’s Counting Machines (VCMs) at servers.


Halos tatlong araw na lang ay eleksyon na pero walang linaw kung paano ito mareresolba.


◘◘◘


DAPAT ay maaksiyunan ito agad o magbigay ng malinaw na impormasyon ang Comelec upang matiyak ang maayos at malinis na eleksyon sa Lunes.


Dapat ay garantiyahan ng mga eksperto kung genuine ang source code na ipinatago sa Bangko Sentral mula sa Smartmatic.


◘◘◘


MAY mga nagsasabing walang kakayahan ang Comelec na matiyak na garantisado o walang ibang kopya ang naturang source code na siyang “command” sa operation ng VCMs.


Hindi kasi nagbibigay ng pahayag ang komisyoner na nakatoka sa isyung ito.


◘◘◘


MARAMI ang nangangamba sakaling hindi maiayos ang mga depektibong VCMs dahil magbubunsod ito ng “failure of election”.


Delikadong magkaroon ng kaguluhan tulad sa nararanasan ng ibang bansa.


◘◘◘


PARA maiwasan ang aberya sa eleksyon, inirerekomenda ni dating Information-Communication Technology secretary Eliseo Rio na ilantad sa publiko ang Random Manual Audit (RAM).


Ipagamit sa precinct inspector-teachers digital signatures (passcodes) sa pagbubukas at pagpapatakbo ng VCMs .


◘◘◘


MAGLAAN din ng mga dropboxes para sa voter receipts (Voter-Verified Paper Audit Trail) na puwedeng magamit para sa public manual recount sakaling magkaroon ng pagdududa.


Dapat ding palayain ang print, broadcast at social media na sumaksi upang maiwasan ang electronic manipulation via quick count and exit poll.


◘◘◘


PINAKAGRABENG sitwasyon din ay sakaling magkaroon ng malawakang blackout o pagkawala ng serbisyo ng elektrisidad sa araw mismo ng eleksyon.

May nakahanda bang power generator sa lahat ng election precincts?


Dapat ay masagot ito nang maayos ng Comelec para sa isang malinis na halalan sa Lunes.


◘◘◘


ANG negatibong epekto ng pandemic at giyera ng Russia at Ukraine ay higit na magiging grabe sakaling magkaaberya sa halalan.


Maunawaan sana ito ng lahat.


◘◘◘


SINASABING hindi nagkaroon ng maayos na clearance ang electronic voting process mula sa reputable institution.

Walang maayos na paliwanag dito ang kinauukulan.


Eh,baket?


◘◘◘


IDINEKLARA na ng liderato ng Iglesia Ni Cristo ang pag-endorso sa tandem nina BBM at Meyor Sara.


Pero, tinapatan naman ito ng ulat na suportado ng daan-daang pari at Obispo si VP Leni.


◘◘◘


MAINIT na mainit na ang girian kaugnay ng eleksyon sa Lunes.


Ipagdasal nating walang dadanak na dugo at maging mapayapa ang ating bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page