- BULGAR
- Aug 5, 2022
ni Ka Ambo - @Bistado | August 5, 2022
DUMALAW na si US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.
Malaking gulo ini.
◘◘◘
NAGBANTA ng resbak ang Mainland China.
Hintayin natin kung tototohanin nila.
◘◘◘
KAPAG nagkagulo sa Taiwan strait, damay ang Babuyan Islands, Batanes at Ilocandia.
Kinumpirma na nasa bisinidad ng Philippine Sea ang US warships.
◘◘◘
NABABANGKAROTE na ang maraming negosyo sa Germany at Europe.
Biktima rin sila ng giyera ng Russia at Ukraine.
◘◘◘
MATINDI ang energy crisis sa Europe, posibleng marami ang mamatay dahil sa heatwave.
Walang magagamit na fuel para sa air conditioning units.
◘◘◘
BINUHAY ang mga coal plants dahil sa kakapusan ng natural gas at petrolyo mula Russia.
Imbento lang ng tao ang krisis, pero gumagrabe pa.
◘◘◘
MAAARING tumatakas na mula Europe ang mga bilyonaryo para maging turista sa Asya.
Isa ang Pilipinas sa mga paboritong destinasyon.
◘◘◘
SUPORTADO ng ilang sektor ang pagbabalik ng ROTC.
Babalik din kaya ang raket na “grade for sale”, tulad sa sinaunang “Yado”?
◘◘◘
SANA ay maiayos ang implementasyon ng ROTC at ipaubaya ito sa DepEd at AFP imbes na sa mga “budol-budol”.
Maganda ang mithiin ng ROTC, palpak lang sa implementasyon.
Korupsiyon ang dahilan.
◘◘◘
TUMATAAS ang presyo ng mga gulay.
Palpak ang solusyon.
Kasi’y para bumaba ang presyo ay “mag-import” imbes na magtanim.
Kitam!
◘◘◘
SA malawakang pagtatanim, tulad ng Green Revolution o industrial farming, ang makikinabang ay magsasakang Pinoy.
Sa importasyon, ang makikinabang ay mga pusakal na ismagler.




