top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | August 10, 2023



PINULONG ni P-BBM ang mga local officials ng Bulacan at Pampanga upang solusyunan ang baha.


Walang solusyon d’yan.


---$$$---


ANG irerekomenda ng mga opisyales ay ang dredging.


Bakit?

Malinaw ang dahilan, graft and corruption.


---$$$---


NILOLOKO ng mga kolokoy ang publiko.


Ang dredging projects kahit saan lugar ay garapal na “gamit sa corruption”.


Kailangan pa bang i-memorize yan?


---$$$---


PAULIT-ULIT nating binabanggit sa kolum na ito na kailangan magkaroon ng “elevated highways” sa kahabaan ng McArthur Hi-way mula Kalookan hanggang Pampanga.


‘Yan ay pangmatagalan solusyon.


---$$$---


DAPAT nating maunawaan na hangga’t may ulan ay may baha.


Gusto ng mga bopol ay hindi babaha sa “kapatagan” tulad ng McArthur Hi-way, kapag umuulan.


Imposible ‘yan.


---$$$---


HINDI abnormal ang klima o climate, ang abnormal ay mga tao partikular ang mga mangmang at corrupt na public officials.


Ang baha ay kakambal ng kasaysayan ng Pilipinas.


Epekto ito ng posisyon ng Pilipinas sa mapa.


---$$$---


DALAWA ang klima sa Pilipinas.


Ito ay ang tag-araw at ang tag-ulan.


---$$$---


ANG sinaunang Pinoy ay nauunawaan na palaging may baha tuwing tag-ulan.


Iyan ang dahilan kung bakit ang disenyo ng “Bahay Kubo” ay hindi bungalow, bagkus ay “elevated” o nakaangat mula sa lupa.


---$$$---


MALINAW kung gayon, na ang bahay ay nakadisenyo sa paulit-ulit na pagbaha.


Isang bahagi dito ay ang “batalan” na puwesto ng palikuran at paminggalan.


Walang “batalan” na nasa ground floor.


---$$$---


ANG mga arkitekto ay nangopya ng disenyo ng mga bahay at gusali mula sa ibang bansa.

Dahil sa maling disenyo, bumabaha ang ground floor — na “normal” lamang sa ating bansa.


Ito ay nararanasan kapag ang bahay mo ay nasa “kapatagan” tulad sa Bulacan at Pampanga.


---$$$---


IPINATIGIL ni P-BBM ang reclamation sa Manila Bay.


Pero hindi nito pinatigil ang pagtatambak sa Bulakan, Bulakan na pagtatayuan ng modernong airport.


---$$$---


ANG pagtatambak sa dalampasigan — ay isang abnormal na aktibidad.

Dahil abnormal ito, sanhi rin ito ng malakihang pagbaha.


---$$$---


NAKAPAGTATAKANG hindi binabanggit ng mga local na opisyal ng Bulacan ang masamang epekto ng pagtatambak sa Bulacan airport.


Isa ‘yan sa nagpapalubog ng McArthur Hi-way.


Magkano po?


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | July 26, 2023



MAAYOS naman ang SONA ni P-BBM.


Higit kalahati ng teksto ay ipinokus sa agrikultura.


Kumbaga, binoldyak ang sikmura.


◘◘◘


NAKAPOKUS ang talumpati sa pangangailangan ng ordinaryong tao.

Malaki ang tama nila.


◘◘◘


NILINAW ni P-BBM na target nila ang “100 percent” na makatikim ng elektrisidad ang bansa.


Siyempre, dapat magpokus sa mga liblib na lugar.


◘◘◘


PERO, hindi sapat na magkaroon lang ng elektrisidad, dapat ay maayos at episyenteng serbisyo.


Kumbaga, hindi tipong patay-sindi na “beerhouse” ang komunidad, bagkus ay dapat makatikim sila ng modernisasyon.


◘◘◘


MALAYA na kasi ang mga private player na makapasok sa distribusyon ng elektrisidad tulad sa More Power.


Ibinunyag naman ni Sen. Grace Poe, ang ginhawa sa Iloilo City nang palitan ang PECO ng More Power.


◘◘◘


NAG-INVEST agad ng P1.5 billion ang More Power para palitan ang ‘ageing, obsolete at dilapidated’ na power distribution facilities sa Iloilo City.


Mula sa dating P13 per kilowatt hour ay nasa P6.40 kwh na lamang ang singil sa kuryente — isa sa pinakamababang electricity rates sa buong bansa.


◘◘◘


MODERNISASYON talaga ang susi sa krisis.


Iniimbestigahan ng Senado ang rotational brownouts sa Panay, Negros, Nueva Ecija, Northern Samar, Pampanga, San Isidro at San Jose sa Nueva Ecija, Calaca sa Batangas, at Quezon province.


Patay-sindi rin ang elektrisidad sa Tabuk City sa Kalinga, South Cotabato, Maguindanao, Ozamiz, Lumban sa Laguna, Zamboanga City, Pangasinan, Tarlac, Marinduque, Camarines Norte, Echague sa Isabela, Zamboanga Sibugay, Masbate, Davao Oriental, Southern Leyte, Casiguran sa Aurora, at Bicol.


◘◘◘


NABATID na ang mga electric cooperatives ay ipinauutang ng pondo ng gobyerno at binibigyan ng incentives.


Pero, ganun pa rin, palpak pa rin ang serbisyo ng mga ito dahil sa dispalinghadong mga pasilidad.


◘◘◘


MARAMI ang natuwa sa pahayag ni P-BBM na pararamihin pa ang mga Kadiwa Center.


Mababa ang presyo sa Kadiwa dahil walang patong ang mga “middlemen”.


Gobyerno mismo ang nagsisilbing “ahente”.


◘◘◘


IBINALITA ni P-BBM ang mabilis na pagrekober ng ekonomiya.


At tinukoy niya ang Maharlika Fund na magiging giya o gulugod sa pag-unlad ng bansa.


◘◘◘


MAY ipinakilalang slogan si P-BBM, imbes na Bagong Lipunan, isinigaw niya ang Bagong Pilipinas.


Binuksan ang SONA sa saliw ng himig ng awiting Pilipinas Kong Mahal.


'Yun nga lang, hindi niya binigyan-diin ang “Ideolohiya” ng kanyang administrasyon.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | July 23, 2023



DAMANG-DAMA pa rin ang krisis sa ekonomiya.

Collateral damage dito ang larangan ng edukasyon.


----$$$---

NAPAKARAMING private school ang nagsara dahil sa pagkalugi.

Makakaya ba ng gobyerno na pasanin ang gastusin ng milyun-milyong estudyante?


----$$$---

SA totoo lang, tila isang bombang sasabog sa school system kung maisasabatas ang "No Permit, No Exam" (NPNE) Prohibition Act.

Kasi lalong mababangkarote ang mga private schools.


----$$$---

KAPAG nabangkarote ang mga pribadong eskuwelahan, hindi ba’t ang latay na maililipat ay sa mismong mga estudyante?

Hindi naman pwedeng lahat ng estudyante ay nasa public schools.


----$$$---

IMBES na magbigay ng subsidy sa pribadong eskuwelahan, dapat ay huwag nang pakialaman pa ang proseso ng mga school administrator.

Kumbaga, panatilihin ang diskresyon o diskarte ng mga eskuwelahan sa proseso sa paniningil at pagbibigay ng eksaminasyon.


----$$$---

MASYADONG one-sided ang pakikialam ng gobyerno sa proseso ng paniningil dahil may mga pagkakataon naman na pinapayagan pa rin ang mga estudyante na magbigay ng promisory note.

Isa nang tradisyon ‘yan sa mga eskuwelahan.


----$$$---

NAGLABAS kamakailan ng isang open letter na nagkukumpirma na kapag hindi nagbayad sa tamang oras ang mga estudyante at magulang, masisimot ang pondo ng school sa loob lang ng dalawang buwan.

Paano makakasuweldo ang mga guro at school personnel kapag walang “stable” na proseso ng pagbabayad?


----$$$---

NATIMBANG bang maigi ng mga senador ang buong sitwasyon o kaya’y kinausap ba nila ang mga stakeholders?

Paano ang bayarin sa utilities gaya ng kuryente, tubig, internet, at iba pa na may mga “due date” din?


----$$$---

HINDI ba’t hindi rin napipigil ng anumang batas na magputol ng suplay ng kuryente at tubig kapag hindi nakakabayad ang mga subscriber?

Pareho lang naman ang konsumo ng tubig, internet, renta sa bahay at bayad ng matrikula — malaya ang mga may-ari ng negosyo na ituloy ang proseso na nakasanayan na, hindi ba?


----$$$---


ANG mga magulang na nagdarahop ay malayang mag-enroll sa public school.


'Yung may-kaya sa private school, siyempre, dapat silang magbayad sa “due date”.


Kapag kinakapos, puwede namang makiusap sa administrator, eh, bakit babaguhin pa ang tradisyon?


----$$$---


NAKIPAGKITA si Digong kay President Xi jin Ping ng China.


May secret agenda ba?


----$$$---


HINDI na puwedeng ipatawag ng Senado ang dating president upang makapagbigay linaw sa ibang isyu.


Kasi magiging biktima siya ng mga “marites”.


----$$$---


NAGAGANAP ito sa gitna ng tuluyang pagtiwalag ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).


Kailangan ng Pilipinas ang U.S. — dahil puwedeng manghimasok o manggulo rito gamit ang ICC ang mga dayuhan kasama na ang mga taga-Europe.


----$$$---


HINDI biro ang isyu sa drug war dahil nagkakaroon ng lisensya ang ibang bansa na magdikta sa Pilipinas.


Ang pagdikit sa China ay nakakatulong upang manatiling neutral ang ating bansa.


Maunawaan sana ito ng lahat.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page