top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | June 28, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Humupa na ang gulo sa Middle East.

Iyan ang akala natin.


-----$$$---


PAREHONG umaangkin ng tagumpay ang Israel at Iran.

Sa aktuwal, pareho silang bigo.

Bakit? Parehong nawasak ang dalawang bansa.


----$$$--


MAGING ang United States ay biktima.

Nasukat ng daigdig — kung hanggang saan lang ang puwersa ng pinaniniwalaang pinakamakapangyarihan bansa.


----$$$--


IMBES na mabago ang Rehimen sa Tehran, tipong ang lider ng Israel at US ang siyang masisibak sa puwesto.

Nasa demokratikong gobyerno ang Israel at US, pero ang Iran ay mananatiling nasa ilalim ng kanilang supreme leader.


-----$$$---


NABIYAYAAN sa Israel-Iran war ang China at Russia.

Alam na nila kung paano dedepensa at didiplomasya kontra United States.


-----$$$--


ISANG malaking aral ang iniwan ng Israel at Iran.

Nasukat dito ang kapabilidad ng ballistic missile, missile defense system, drone at ng super-bunker-buster bomb ng US -- at maging ang cyber hacking.


----$$$--


SAKALING magkaroon ng totohanang giyera, walang duda — susubukan nang gamitin ang nuclear bomb.

Iyan na mismo ang hinaharap ng daigdig.


----$$$--


BAGAMAN nawasak ang ilang nuclear sites ng Iran, isang aral ito kung paano sila makakadepensa sa susunod na digmaan.

Alam na rin nilang sangkatutak ang SPY at intel ng US sa loob at labas ng kanilang pamahalaan.


-----$$$--


TALIWAS sa Russia at US, nananatiling “birhen” at hindi nagagalaw ang military arsenals ng China.

Pero, ang nakakatakot — gagamitin nila ‘yan kontra sa mga nakapaligid na bansa sa Mainland China — kasama ang Pilipinas.


----$$$--


Simple lang ang estratehiya ng China.

Hangga’t wala pang World War 3, ipinag-iibayo na nila ang pagpaparami ng armas at pagpapalakas ng puwersang military.


Iyan din mismo ang postura ng Pilipinas — ‘yun nga lang, ‘kulangot lang ito kumpara sa etsas’ ng Tsekwa.

He-he-he.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | June 26, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Nakadiskarte ng ceasefire si US President Donald Trump.

Kahit puwersado. 


----$$$--


WALA sa libro at akademya ang estilo ng international diplomacy ni Trump.

Ang tawag ng mga eksperto riyan ay “transactional”.

Sa Tagalog, ang tawag diyan ay “BALUGBOG”.


----$$$--


HINDI sila nagkakalayo ng estilo ni ex-President Digong.

Pa-balugbog din ang diskarte.


-----$$$--


NAMIHASA kasi ang mga akademisyan sa mga naunang diskarte, inuulit-ulit lang, kinokopya at nilalagyan ng inobasyon.

Kumbaga, nangopya lang sila ng ideya, konsepto at ito na ang ginawang “dissertation” ng mga doktorado.


----$$$--


SA totoo lang, lipas na ang estilo ng edukasyon dahil higit nang 2,000 taon itong luma at patuloy pang ginagasgas hanggang ngayon sa mga educational institution.

Kumbaga, ‘laspag’ na ang sinaunang “wisdom”.


----$$$--


Sa pagdating ng artificial intelligence — ang lahat ng iyan — kasama ang educational system ay malilipasan na ng talab.

Ibig sabihin, ang mga kabataan ngayon at ilang mulat na propesyonal — ay nakayakap at nakasandal na sa artificial intelligence.


----$$$--


IBIG sabihin din, hindi na ‘kakailanganin’ ang mga titser, mga doktor, mga designer, mga journalist at marami pang iba.

Napakarami ng mawawalan ng trabaho.


-----$$$--


ANG mga mawawalan ng trabaho — ay ang mga propesyonal na hindi makakasabay sa teknolohiya, inobasyon at artificial intelligence.

Pero ang mga kabataan ngayon — ay hindi mapag-iiwanan dahil sa ayaw o sa gusto ng kanilang mga magulang at titser, at mga religious leader — araw-araw ay kokonsulta sila gamit ang artificial intelligence na nakatanim sa kanilang cellphone at mga gadgets.


-----$$$--


HINDI dapat matakot sa artificial intelligence, sapagkat iyan mismo ang pundasyon ng hinaharap o ng future generation.

Ang mga kumokontra lamang sa AI — ay ang mga matatanda na ilang panahon ay ‘mamamaalam’ na rin sa ibabaw ng lupa.


----$$$--


HAYAAN nating magkompyuter at mag-cellphone ang mga kabataan — ‘yan mismo ang modernong kultura.

Tayong matatanda ang delikado — hindi na natin sila mauunawaan!


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | June 24, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Inaprubahan ng parlamento ng Iran ang pagsasarado ng Strait of Hormuz.

Presto, sintaas ng langit ang imbulog ng taas sa presyo ng petrolyo.


----$$$--


INIHAYAG ng Houthis na bobombahin nila ang mga barko ng US na maglalayag sa Red Sea.

Iyan ay epekto ng pagsawsaw ng US sa Iran-Israel War.


-----$$$--


LAHAT ng eksperto ay nagsasabi na guguho ang ekonomiya ng maraming bansa.

Siyempre, kasama riyan ang ekonomiya ng Pilipinas.


-----$$$--


MAY nagtatanong, sino raw ang nananalo sa giyerang Israel at Iran?

Malinaw ang sagot: Kung one-on-one -- ang Iran ang matibay!

Ang ebidensya?

Humingi ng saklolo ang Israel sa US -- at pinabomba ang Iran.


-----$$$--


KUMBAGA sa boksing, nang maagrabiyado ang isang boxer, pinasuntok sa referee ang kalaban.

Sa kabila ng 2 ang kalaban ng Iran, may ulat na hindi naman totally NAPULBOS ang nuclear facilities ng Iran tulad sa inilalarawan ni US President Trump.


----$$$--


ANG nakakatakot, hindi na ballistic missiles at bunker-buster bomb ang pinag-uusapan ngayon, bagkus ay ang kinatatakutang nuclear bomb.

May ulat, bagaman hindi kumpirmado, bibigyan daw ng nuclear bomb ng Russia ang Iran.

Iyan ay aktuwal nang World War 3.

Kasi kasali na rin ang Russia.


----$$$--


MARARAMDAMAN natin ang negatibong epekto ng digmaang ito bago mag-Pasko.

Pero sa Pilipinas, mas malamang ay magdahop sa buwan ng “Kawit-ang-palakol”-- Hulyo, Agosto at Setyembre.


----$$$--


Kung paralisado ang ekonomiya sa daigdig, ibig sabihin, delikadong mabangkarote ang Maharlika Fund.

Lalong magpapaguho sa ekonomiya ng Pilipinas.


----$$$--


HINDI naman masisisi si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa sitwasyong ito.

Hindi naman kasali ang Pilipinas sa digmaan.

Pero, malinaw na magdarahop ang buhay ng mga Pinoy.


----$$$--


WALA pa sa peak o hindi pa naabot ang kaigtingan ng kaguluhan sa Middle East, meaning —napakahaba ng pagdarahop.

Walang linaw kung kailan magwawakas ang krisis.


----$$$--


HINDI natin dapat asahan ang gobyerno na masasaklolohan tayo sa panahon ng krisis gaya sa COVID period.

Kanya-kanya nang diskarte dapat ang mga Pinoy.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page