- BULGAR
- Feb 21, 2022
ni Ka Ambo - @Bistado | February 21, 2022
GUMIGIRE na ang U.S., E.U. at Russia sa isang mitsa ng digmaang-pandaigdig.
Pangisi-ngise lang ang China!
◘◘◘
INILILIKAS ang mga OFW mula sa Ukraine pabalik sa Maynila.
Panibagong krisis ini!
◘◘◘
BAKIT walang contingency ang Palasyo kung sakaling biglang magkaroon ng World War III?
Tulad sa COVID-19, mangongopya lang sila ng protocol!
◘◘◘
KUNG sakaling madamay ang Pilipinas, Taiwan, China at Japan sa Ukraine War, may solusyon d’yan si P-Digong.
Posibleng ideklara ang Martial Law at ikansela ang 2022 election!
◘◘◘
LOLOBO na ang presyo ng petrolyo next week.
Indikasyon ‘yan ng napipintong digmaan!
◘◘◘
KAPAG nakipaggiyera ang U.S. kontra Russia, no choice ang Palasyo, kundi ang makisali.
‘Yan mismo ang probisyon ng Mutual Defense Act sa U.S.!
◘◘◘
HINDI itinatanong sa mga panayam kung ano ang pananaw ng mga presidentiables sa nagaganap na girian sa Europe kontra Russia.
Drama-drama at nega-nega ang alam ng mga kolokoy na nagrurunung-runungan!
◘◘◘
OPEN na ang mga sinehan.
Pero, mayroon bang nanonood?
◘◘◘
MAY bago nang normal.
‘Yan ay ang digital media.
Pero, kakaunti ang ganap na nakauunawa nito!
◘◘◘
ANG traditional TV ay nalipasan na ng panahon.
Maging ang traditional newspaper ay hindi na epektibo.
Pero, walang sinumang nagpapatupad ng inobasyon!
◘◘◘
ANG kahinaan o kamangmangan ng mga media executives ang siyang ugat ng pagkalugi.
Hindi ito maisisi sa teknolohiya, bagkus ay dapat isisi sa kahinaan ng mga decision-makers na sumabay sa modernong sibilisasyon!
◘◘◘
HINDI ba kayo nagtataka kung bakit sa gitna ng daan-daang taong pagbabago ng teknolohiya ay hindi nalalaos ang Bibliya?
Ang Bibliya ang sinaunang “Mabuting Balita”, pero patuloy itong nakakasabay sa panahon.
Ang sagot ay ito: mabuti kasi ang nilalaman ng content — at walang halong malisya at negosyo!
◘◘◘
ANG media ngayon ay 98 percent business.
Hindi ito naglilingkod para sa kabutihan ng tao sa ibabaw ng mundo!
◘◘◘
ANONG media outfit sa daigdig ang aktwal na may motibong maglingkod alang-alang sa “katotohanan”?
Karaniwan ay negosyo at may “hidden agenda”!
◘◘◘
ANG pagiging gahaman, sakim at makasarili ay nakaka-engot.
Ibig sabihin, hindi magiging matalino ang tao kapag ang “sarili lang niya” ang kanyang pinagsisilbihan!




