top of page
SPECIAL ARTICLE - ANGEL, IN-UNFOLLOW NI MARIEL-IG _therealangellocsin & FB _marieltpadilla
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | June 25, 2026



Kris Aquino - IG

Photo: Kris Aquino - IG




Inalala ni Kris Aquino ang kaarawan ng kanyang yumaong kapatid at dating presidente na si Noynoy Aquino.


Pumunta si Kris sa puntod ni PNoy. Ipinost niya ang larawang nakatalikod habang nakaupo sa wheelchair at nakaharap sa puntod ni PNoy.


Caption ni Kris: “Bimb & I had to go very early, we were in Manila Memorial at 6:30 AM. Sun exposure is a major trigger for a lupus flare.


“I’ve promised to stay true to all of you. From being strong and so close to my goal during Bimb’s birthday in April, I started feeling the full force of post-COVID fatigue syndrome around the end of May, and our weird weather has made me suffer from the worst Rheumatoid Arthritis flare.


“My right knee is so swollen and with many bone protrusions. But I keep my word, despite going through the worst body pain.”


Pinasalamatan ni Kris ang mga pumuri kay Bimby bilang host.

Say ni Kris, “Thank you for your encouraging comments about Bimb’s hosting on Eat… Bulaga!


“He’s natural because from the time he was born, ‘laking studio’ na s’ya and he’s done major endorsements from the time he was 4 months old and has been my co-host for the summer episodes of Kris TV.


“Thank you for praising him for being humble and marunong makisama. Tito Noy was a great example. Happy 5th birthday in heaven, Noy. Kuya Josh, Bimb & I love you.”


Marami rin ang hanggang ngayon ay mataas ang respeto kay PNoy.

Sey ng mga netizens:


“Death anniversary n’ya today, ‘di ba? February is his birthday. PNoy, my best President.”

“Happy birthday in heaven, PNoy. Keeping you in my prayers, Kris.”

“Happy birthday in heaven po, former President of the Philippines PNoy.”

Agree!



NAKIRAMAY si Sen. Robin Padilla sa pamilya ng pumanaw na basketbolistang si Rene Baterbonia.


Personal na nagpunta ang senador kasama ang kapatid na si BB Gandanghari sa Talacogon Gym sa Agusan del Sur. Mula roon ay inihatid ang labi ni Rene sa kanyang huling hantungan, sa Barangay Labnig Memorial Cemetery.


Present ang magkapatid sa ginanap na misa, pati na ang daan-daang nakiramay sa pamilya ni Rene. Kabilang dito ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan sa Ateneo de Davao University (ADDU).


Kani-kanyang hirit naman ang ilan sa pagpunta ni Robin sa araw ng libing ni Baterbonia.


Sey ng mga netizens:


“Kahit anong comment n’yo d’yan, panis kayo lahat kay Mr. Robin Padilla. Hahaha!”

“Robin pa rin sa 2028.”


“Pa-hype para sa eleksiyon, ‘no? Kaba?”

“Ang aga mangampanya. Diyos ko. Lahat na lamang.”

Hala!



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 24, 2026



WINNER - JED, DISMAYADO SA GOBYERNO SA ‘PINAS, TUMALAK SA SOCMED-FB Jed Madela

Photo:FB Jed Madela



Kumuda ang singer na si Jed Madela dahil sa pagkadismaya sa transportation system sa bansa. 


Nagpunta kasi si Jed sa Japan recently to do a show with co-singer na si Jona at hindi niya maiwasang maikumpara ito sa ‘Pinas.


During his free time, gumala si Jed sa iba’t ibang lugar sa Japan. At habang namamasyal, hindi niya napigilan ang kanyang disappointment sa gobyerno.


Post niya sa Facebook (FB), “Taking the train from Nagoya to Tokyo, I feel sad… Why can’t we have nice things like these in the Philippines?”


Agree naman ang mga kababayan sa FB post ni Jed.


“So true! ‘Pag nasa ibang bansa talaga, masa-sad ka na lang para sa ‘Pinas! Kahit magandang transpo lang sana ang meron tayo!”


“‘Di ba, napakalaki ng difference. Ultimo public toilet, ang ganda. ‘Yung mga park, super-ganda. Kung puwede lang na dito na tumira….”


“We can if we have less corrupt government officials.”

“Maraming buwaya, ang tataba.”

‘Yun na!





PERSONAL na nagpakita ng kanyang pakikiramay si Sofia Andres sa pumanaw na basketball player ng Ateneo University de Manila (ADMU) na si Rene Baterbonia.

Pumunta mismo ang aktres sa wake ng basketbolista sa Talacogon, Agusan del Sur kahapon.


Isa si Sofia sa mga celebrities na very vocal sa social media about their feelings sa pagkamatay ng Ateneo player.


Ipinost ni Sofia ang kanyang thoughts sa sinapit ni Rene at ng isa pang namatay na kapwa niya basketball player ng Ateneo na si Divine Adili.


Pahayag ni Sofia, “As a woman, a mother, and someone who understands what it means to carry responsibilities for the people you love, ‘di ko maiwasang maantig sa kuwento nina Rene at Adili.


“Behind all the headlines and noise, I see two people with dreams, families, and loved ones who depend on them. Bilang mga breadwinner, ‘di lang sarili nilang kinabukasan ang dala nila, kundi pati ang pag-asa ng kanilang mga pamilya.”


Aniya pa, “At nakita rin natin kung paano magmahal ang mga Pilipino. The outpouring of support, empathy, and concern for these two athletes is a reminder of who we are as a people — marunong tayong makiramay, umunawa, at tumindig para sa kapwa.


“My hope is that truth, fairness, and compassion will always prevail. Na sa ating bansa, ang hustisya at pag-asa ay ‘di nakadepende sa estado sa buhay, kundi pantay na naipagkakaloob sa lahat.


“Para ito sa lahat ng may malalaking pangarap. Sa lahat ng lumalaban para sa pamilya. At sa paniniwalang may puwang pa rin ang malasakit, dignidad, at pagkakapantay-pantay sa ating lipunan.”


Unlike other stars na nagpunta sa wake ng Ateneo basketball player na na-bash, humanga ang mga netizens kay Sofia.

Sey ng mga netizens…


“Breadwinner din kasi ‘to kaya nasasaktan din s’ya sa pagkawala ni Rene. God bless, Miss Sofia Andres.”


“Beautiful inside & out.”


“Natuloy nga s’ya.”


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 23, 2026



WINNER - PINOY FANS, TODO-PA-SELFIE KAY LEA SA BTS CONCERT-IG _msleasalonga

Photo: IG _msleasalonga



Halata ang hangover ni Lea Salonga sa panonood ng BTS concert sa South Korea. Kahit almost two weeks na ang lumipas, she still keeps on posting photos mula sa concert.

Say ni Lea, “Why yes, I’m going to keep posting stuff about my trip!”

Super viral talaga ang panonood niya sa concert.


Well, halos lahat kasi ng mga Pinoy na fans ng BTS na nakita siya mula sa pila hanggang sa concert ay hindi pinalampas ang pagkakataon na magpa-picture sa kanya at agad na naka-post sa social media, huh?


May nauna ring post si Lea na kuha niya habang nagpe-perform ang BTS at nakalagay kung gaano siya kasaya.


Planado raw ni Lea at ng mga kaibigan niya ang trip nila sa South Korea para manood ng concert ng BTS ngayong 2026.


Caption ni Lea, “I wanted 2026 to be a year lived with joy, so this was definitely on the agenda to achieve that. And this trip to South Korea didn’t disappoint!


“Sure, there are things specific to the Busan experience that could’ve gone better, but @bts.bighitofficial was amazing and Arirang was a technical and artistic feat. Kudos to everyone involved in making that gigantic show happen! Shoutout to the dancers too who were spectacular!”


‘Yun naman pala!





Imbes na siya ang batiin sa Father’s Day…

MARTIN, PURING-PURI ANG MGA NANAY NG TATLONG ANAK



NAGBIGAY ng tribute si Martin Nievera sa Instagram sa mga ina ng kanyang mga anak instead of him being greeted by his exes noong selebrasyon ng Father’s Day.

Ipinost ni Martin ang picture niya with his three sons na sina Robin, Ram at Santino.


Knows na ng marami na sina Robin at Ram ay mga anak niya sa kanyang ex-wife na si Pops Fernandez, habang si Santino naman ay sa ex-girlfriend niyang si Katrina Ojeda.


Caption ni Martin: “Every day I am happy to be the father of these boys! God has blessed me with three angels, because their mothers did an amazing job getting them to be the men they are now— happy father’s day, ‘mothers fathers!’”


Hindi naman nakalimutan nina Pops at Robin Nievera na batiin si Martin sa social media noong Father’s Day.


Samantala, naka-private ang IG account ng girlfriend ni Martin na si Anj del Rosario. For sure, may special treat siya for Martin last Father’s Day kahit wala silang sariling anak.


In fairness kay Martin Nievera, he may not be a perfect partner, wala naman talagang ganoon, pero pagdating sa kanyang mga anak, todo ang suporta niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page